CHAPTER 9 CATALEYA’S POV Kinabukasan, tahimik akong naglalakad papunta sa kusina habang dinarama pa rin ang sakit ng katawan ko. Ang bawat hakbang ay may kirot, pero pinilit kong magpakatatag. Kailangan kong itago ang lahat ng sugat—hindi lang sa katawan kundi pati sa puso. Habang nagluluto ako ng almusal, biglang tumunog ang cellphone ko. "Cataleya, anak, kamusta ka na?" boses ni Mommy ang nasa kabilang linya. Napahinga ako nang malalim. “Okay lang po ako, Mommy. Kayo po ni Daddy?” "Maayos naman kami. Pupunta kami diyan mamaya, kasama si Daddy mo. Miss na miss ka na namin." “Talaga po?” may bahid ng kaba at saya sa boses ko. "Sige po, I'll prepare." Pagkababa ng tawag, agad akong umakyat sa kwarto. Pagharap ko sa salamin, hindi ko maiwasang mapaluha. Ang mga pasa sa mukha at leeg k

