CHAPTER 8 THIRD PERSON POV Tahimik ang gabi matapos ang matinding gulo sa pagitan nina Nayll at Matteo. Nagdesisyong umalis si Matteo sa mansion, dala ang mabigat na loob at ang pangakong babalikan si Cataleya kapag handa na itong lumaban para sa sarili. Ngunit pag-alis pa lamang ni Matteo, bumalik agad ang tunay na anyo ni Nayll Yuseffe Villafuerte—ang lalaking puno ng galit, kontrol, at paghamak sa babaeng dapat ay kanyang pinoprotektahan. "Saan ka na naman galing ha?!" sigaw ni Nayll habang hinahablot ang braso ni Cataleya na noo’y bagong labas pa lamang sa ospital. Hindi na nakasagot si Cataleya. Halos hindi pa nakakabawi ang kanyang katawan, at nanginginig ang kanyang mga tuhod. Ngunit wala na siyang panahon para huminga pa. Bigla siyang sinampal ng malakas ni Nayll. "P-please..

