CHAPTER 21 Cataleya’s POV Pagkapasok namin sa loob ng mansyon, diretso kami ni Nayll sa kusina. Tahimik lang kami pareho pero ramdam ko ang kakaibang saya sa dibdib ko. Simple lang ‘to para sa iba, pero para sa akin, ito na ang isa sa mga pinakamasayang gabi sa buong buhay ko. Kung dati, parang estranghero lang si Nayll sa loob ng bahay naming mag-asawa, ngayon… narito siya sa tabi ko. At hindi lang basta narito kasama ko siyang kumakain, ngumungiti, at... sumusubok. Naabutan naming nakahain na ang pagkain. Mainit pa ang sinigang, may pritong tilapia, at ensaladang mangga sa gilid. Parang may effort talaga. “Uy, may pa-dinner set-up ka pa talaga, ha?” nakangiti kong biro habang umupo ako. Ngumiti siya nang bahagya at tinabihan ako. “Hindi naman kailangan ng occasion para pakainin ang

