CHAPTER 22 CATALEYA'S POV Bawat araw na lumipas pinatunayan sa akin ni Nayll ang tunay niyang hangarin sa akin. Palagi niya niyang pinararamdam sa akin na importanteng tao na ako sakanya katulad noong mga panahon na pinangako niya na ako lang ang papakasalan niya. Palagi na siyang nakangiti sa akin at sweet sa mga kinikilos niya na dati naman ay hindi niya ginagawa sa akin. Lahat ng sakit na naranasan ko sa mga kamay niya ay unti unti ng naglaho-bagkus napalitan na ito ng pagiging maalaga at pagiging maalalahanin. Pinatunayan niya sa akin ang kanyang sarili na unti unti na nga siyang nagbago at ang palagi niyang sinasabi na mag-umpisa kami muli at subukan namin ang buhay mag-asawa namin at baka ito na ang simula ng pagbabago at pag-aayos namin sa aming relasyon. Sa kabila ng maayos

