CHAPTER 32 Matteo's POV Pagkapasok namin sa condo, tahimik si Cataleya. Nanginginig ang katawan niya habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko siya pinilit magsalita. Naramdaman ko, sapat na ang presensya ko ngayon. “Maliligo lang ako,” mahina niyang bulong. Tumango ako. “Okay. I’ll prepare your clothes.” Naglakad siya papuntang banyo, mabagal ang hakbang, para bang bitbit niya ang bigat ng buong mundo. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Sinarado niya iyon, naiwan akong mag-isa sa kwarto. Binuksan ko ang maleta niya. Dahan-dahang pinili ang mga damit isang puting oversized shirt at cotton shorts. Pero nang mapansin ko ang isang pares ng lace underwear... napa-“f**k” ako sa isipan ko. Tangina, Nayll. Hayop ka. Kung nasaktan mo si Cataleya, hinding-hindi na kita patatawarin. Wala ka

