CHAPTER 24 Nayll’s POV Pagkarating ko sa ospital ay diretso agad ako sa operating room. Tumambad sa akin ang katawan ng batang pasyente bata pa lang pero halos wala nang buhay. Tadtad ng dugo ang operating table, at nagmamadali ang buong surgical team para i-stabilize siya. "Scalpel. Retractor. Clamp." sunod-sunod kong utos habang sinisimulan ang incision. Habang pinapasok ko ang kamay ko sa bukas na tiyan ng bata, dama ko ang init ng dugo. Nasa bingit siya ng kamatayan, pero isa lang ang tumatakbo sa isipan ko si Cataleya. At si Seraphina. Gulo. Walang kasiguruhan. Pero hindi ito ang oras para doon. Biglang bumulwak ang dugo mula sa sugatang ugat ng bata. "Suction, now! Pressure!" sigaw ko. Ilang segundo lang ‘yon, pero parang oras ang itinagal. Sa gitna ng tensyon, pinilit kong man

