CHAPTER 58 THIRD PERSON POV Tahimik ang gabi. Sa wakas ay nakauwi na sina Matteo, Cataleya, Nayll, at ang mga bata. Hindi man lubusang napapawi ang takot na dinanas ng mga kambal, ramdam sa bawat sulok ng bahay ang gaan ng loob na para bang ang bigat na ilang araw nilang pasan-pasan ay unti-unti nang nababawasan. Nang makapasok sila sa loob, agad na lumapit si Alonzo kay Nayll. Tahimik sa una, pero nanginginig ang kanyang labi. Tila ba pinipigilan ang emosyon na kanina pa gustong kumawala. “Dada...” mahina niyang bulong habang nakatingin sa mata ng ama. Napaluhod si Nayll. Iba ang titig niya ngayon. Wala na ang dating lamig. Wala na ang pader sa mga mata niya. Ngayon, malinaw na malinaw ang pagsisisi, ang pagkasabik, at ang pagmamahal. “Anak... Alonzo... I’m so sorry,” nanginginig an

