CHAPTER 41 Matteo POV Ngayong araw ay sobrang aga pa lang pero gising na ako. Katabi ko si Cataleya na nakayakap pa rin sa maliit niyang unan, nakakunot ang noo habang mahinang umuungol. Nilapit ko ang palad ko sa noo niya at pinunasan ang butil ng pawis na tumutulo sa gilid ng sentido niya. "Love, okay ka lang?" tanong ko, habang hinahaplos ang likod niya. Dumilat siya ng bahagya. "Nasusuka ako, Love..." Agad akong tumayo at inalalayan siyang bumangon. Hinawakan ko ang kanyang buhok habang nakasubsob siya sa maliit naming timba sa gilid ng kama. Napapikit ako habang pinapakinggan ang bawat daing niya. "Sorry, Love... ang sama talaga ng pakiramdam ko," sabi niya habang nakahawak sa tiyan. Hinaplos ko ang likod niya. "Walang sorry-sorry. Okay lang yan, Love. Kasama 'yan sa journey na

