CHAPTER 42 THIRD PERSON POV Naging maselan ang pagbubuntis ni Cataleya. Sa paglipas ng mga araw, lalong naging mapagmatyag si Matteo sa bawat kilos at galaw ni Cataleya. Hindi ito maipaliwanag, pero ramdam niyang kailangan niyang bantayan ang bawat segundo ng bawat araw. Kahit ang pinakamaliit na pag-ubo ni Cataleya ay sapat na para mag-panic siya. "Love, you okay? May masakit ba? Gusto mo punta tayo ulit kay Pareng Taruray?" sunod-sunod niyang tanong habang inaalalayan si Cataleya papunta sa sofa. "Matteo, I'm fine. Promise. Naguguluhan lang siguro 'yung tiyan ko kasi... twins, 'di ba?" pinilit ngumiti ni Cataleya pero halatang may pangamba rin sa kaniyang mga mata. Hindi na rin biro ang bigat na dinadala niya. Isang buwan na lang bago ang estimated due date niya pero sa bawat araw n

