CHAPTER 43 CATALEYA POV Matapos ang ultrasound at ang balitang babae at lalaki ang aming magiging anak, hindi ko mapigilan ang luha ng kasiyahan habang nakahawak sa kamay ni Matteo. Ramdam ko ang mainit niyang palad na humahaplos sa likod ng kamay ko, parang sinasabi niyang andito lang siya, at hinding-hindi niya kami iiwan. "Love, gusto ko... gusto ko silang pangalanan ng may lalim," mahina kong sambit habang magkatabi kaming nakaupo sa maliit na hardin sa likod ng clinic. Mahangin, at ang mga bulaklak sa paligid ay parang sumasayaw sa masayang ihip ng hangin. "I’ve been thinking too," sagot niya sabay himas sa tiyan ko. "What do you have in mind, my love?" "Kung okay lang sa’yo... Alonzo para sa baby boy. At Alona naman sa baby girl. Alonzo Bianchi, Alona Bianchi." Tumitig ako sa ka

