ANG AMA NG MGA BATA ( DNA RESULT )

1235 Words

CHAPTER 44 Third Person POV Sa katahimikan ng isang tanghaling tahimik, nakaupo si Matteo sa beranda ng kanilang tahanan, yakap-yakap ang bagong silang na si Alona habang pinapanood si Alonzo na mahimbing na natutulog sa duyan. Mapayapa ang mukha ni Cataleya sa kabilang sofa, kahit halatang pagod, ay nandoon ang ngiti sa mga labi nito isang ngiting nagsasabing sa kabila ng lahat, nandoon pa rin ang pag-asa, ang tahimik na kasiyahan sa piling ng pamilya. Ngunit sa kabila ng panlabas na katahimikan, may bumabagabag sa kanilang isipan. Hindi man binabanggit ni Matteo ng diretso, ramdam ni Cataleya ang patuloy nitong pag-iisip: Sino ang tunay na ama ng kambal? Hanggang isang araw, habang nagpapadede si Cataleya kay Alona, lumapit si Matteo na tila ba may mabigat na gustong sabihin. "Love

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD