CHAPTER 17 SERAPHINA'S POV "Napakagaling mo talaga, love," bulong ko habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, ang init ng hininga niya sumasalubong sa balat ko. Ngunit hindi si Nayll ang kayakap ko ngayon siya ay nasa kabilang panig ng larong nilikha namin. Ang tunay kong kasintahan, si Caelan, ang lalaking matagal ko nang minahal bago pa man bumalik sa Pilipinas. Ang lalaking kapartner ko sa likod ng lahat ng ito. "Poor Cataleya... akala niya may pag-asa pa," sabay sabay kaming natawa habang sinasapo niya ang mukha ko at mariing hinalikan ang labi ko. Pinipigil kong mapalakas ang tawa, kahit alam naming kami lang dito sa condo. FLASHBACK... "Sure ka bang bibigay siya?" tanong ko kay Nayll habang nasa veranda kami ng mansion. Katatapos lang ng hapunan at nagpapahinga ang lahat

