CHAPTER 54 NAYLL POV Tatlong taon. Tatlong taon akong naghanap. Tatlong taon akong tumira sa isang mansyong wala nang buhay. Tatlong taon akong nabuhay sa kasalanan, galit, at pangungulila. Ngunit ngayon, sa wakas... may balita na. "Sir Nayll," sabay abot ng isang brown envelope ng bago kong private investigator, si Arman. Higit isang buwan pa lang siya sa serbisyo ko, pero mas mabilis pa siyang kumilos kaysa sa mga nauna. "Pasensya na kung natagalan, pero may bago na po tayong lead." Nanlamig ang mga kamay ko habang tinatanggap ko ang envelope. Hindi ko agad binuksan. Parang binagsakan ng toneladang bato ang dibdib ko. Natatakot akong makita. Natatakot akong marinig ang totoo. Pero... kailangan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope. May ilang papel. Mga kopya ng flight records.

