CHAPTER 55 THIRD PERSON POV Isang linggo na ang lumipas mula nang makabalik sa Pilipinas sina Cataleya at Matteo kasama ang kanilang mga anak na sina Alona at Alonzo. Matapos ang mga abalang araw ng pag-aayos ng tirahan at pagbati mula sa mga kaibigan at kamag-anak, napagdesisyunan ng mag-asawa na dalhin ang mga bata sa isang bonding day sa Mall of Asia. Maagang nagbihis si Matteo, suot ang simpleng puting polo na nakatupi ang manggas at denim jeans. Si Cataleya naman ay naka-sundress na kulay pastel pink habang may bonnet si Alona at si Alonzo naman ay naka-matching outfit na maliit na leather jacket tulad ng kay Matteo. Pagpasok pa lang nila sa mall, agad na napalingon ang mga tao. Mapa-babae o lalaki, hindi napigilang humanga. "Ang gwapo nung lalaki, parang model!" bulong ng isa. "S

