CHAPTER 56 SERAPHINA POV Ngayon, hawak ko na sila. Ang kambal. Ang mga bata. Ang kayamanang minsang pinagkait sa akin ng mundo. Sa wakas... nasa harapan ko na ang simbolo ng tagumpay ko laban kay Cataleya. "Hahaha! Cataleya, Cataleya... tingnan mo nga naman ang tadhana," bulong ko habang pinagmamasdan sina Alona at Alonzo na nakaupo sa dalawang magkahiwalay na silyang kahoy, parehong nakatali ang mga kamay. Hindi ko sila sinaktan. Hindi pa. Pero ang takot sa mga mata nila? Nakakabusog. "Ate, bakit po kami nandito?" umiiyak si Alona, ang boses niya'y namamaos sa kaiiyak. "Gusto na po namin umuwi kay Mama... please po..." Umirap ako. "Uuwi? Saan? Sa ina n'yong traydor? Na kahit kailan ay hindi kayo minahal ng tama? Wake up, kids. Hindi fairy tale ang buhay!" Natawa si Caelan habang n

