CHAPTER 12 CATALEYA POV Naka-idlip nga ako ng ilang oras. Pagmulat ng mga mata ko, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, pero pinilit kong bumangon. Tahimik ang buong bahay. Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si Manang Delia na abala sa paghuhugas ng mga plato. "Manang..." Napalingon siya agad at mabilis na lumapit sa akin. "Ay, iha! Gising ka na pala. Halika, upo ka muna. Ipapainit ko 'tong lugaw para sa'yo." Umupo ako sa mesa. "Sina Mommy at Daddy po, umalis na?" Tumango si Manang habang inaayos ang pagkain. "Oo, hija. Kanina pa, may emergency daw sa kompanya. Pati sina Senyor at Senyora Villafuerte, bumalik na rin sa mansion nila. Pati si Seraphina... at si Senyor Nayll, umalis na rin." Tahimik akong tumango. Wala akong nai

