CHAPTER 13 THIRD PERSON POV Habang nagmumuni-muni si Cataleya sa hardin, napansin niya ang mga bulaklak na unti-unting namumukadkad, tila sumasalamin sa kanyang mga alaala at damdamin. Ang malamig na simoy ng hangin ay dumampi sa kanyang pisngi, na para bang pinapawi ang kanyang mga luha at lungkot. Biglang may narinig siyang mga yabag na papalapit. Paglingon niya, nakita niya si Matteo na may dalang bulaklak at isang maliit na kahon. Ngumiti ito sa kanya, at ang kanyang mga mata ay nagliliwanag sa tuwa. "Nako, Matteo, ikaw talaga, huh. Aasa na talaga ako nito," biro ni Cataleya habang pinapalo ng marahan ang balikat ni Matteo. Namula ang mga tenga ni Matteo, at napangiti si Cataleya sa kanyang reaksyon. "Ikaw talaga, Cate," sagot ni Matteo, sabay abot ng bulaklak at kahon. "An

