Chapter 2

1366 Words
Quenhyra POV Naglalakad kami ngayon ni Mera papunta sa una naming klase. I can't believe it for my almost two years here I survive without the attention of those vampires. Araw-araw tuwing papasok ako ay palaging may kaba sa aking dibdib at nagdadasal ng taimtim na sana walang utusan niyang makakakita sa akin. Mera hold my hand, she always gives me the assurance that nothing will happen. "Enjoy the day Nhy, huwag kang padadala sa emosyon mo. Remember you are here to educate yourself, wala ng iba." Sa tuwing ganito ang nangyayari andyan kaagad ang mga salita niyang nagpapatapang sa akin. My bestfriend is right, I need to think positive that nothing bad will going to happen. Ang iisipin ko lang kung ano ang dapat kung gawin para maging kapaki-pakinabang ang araw na ito. "Thanks, Mera." I smiled at her. Sa kanya ko lang pinapakita ang ngiting ito, hindi kasi ako nakikipaghalubilo sa iba lalong-lalo na kapag bampira ang kaharap ko. Mananatili lang ako sa isang tabi, kikibo lang kapag tatanungin o papansinin pero kailanman ay hindi ako nag-attempt na kausapin ang iba. Hindi na ako ang dating madaldal na ginagigiliwan ng mga tao noon. That person was dead. "Did you know na may bagong kaklase daw tayo ngayon?" Siya palagi ang nag-uumpisa ng mapag-uusapan namin. Siya ang taga-salita ako ang kanyang taga-pagkinig. Umiling lang ako bilang sagot sa kanya. Kahit mapanisan ng laway si Mera, hindi naman siya napagod na kausapin ako. She sighed deeply and talked again. "They are twins, fraternal twins to be specific." Wala naman akong pakialam kung may bagong estudyante o wala basta hindi lang nila ako pakikialaman okay na ako. Ayoko ng maraming kaibigan dahil sa isa lang kontento na ako. Aanhin ko ang marami kung aabusuhin lang din naman ako ‘di ba? Masaya na akong kasama si Mera kahit alam ko balang araw ay iiwan niya din ako at sana sa panahong iyon mas matatag na ako na mas matapang na ako. "Hindi ka pa ba papasok? Andito na tayo." Nakarating na pala kami sa silid-aralan. Hindi ko man lang namalayan. I shrugged. Tinignan niya ako at siya ang naunang naglakad papuntang upuan namin. Tahimik lang akong nakaupo sa silya namin at inoobserbahan ang mga estudyanteng papasok sa silid-aralan at may limang bampira kaya naman hindi ako nagiging kampante. Nandito na kaming lahat kahit pa ang mga bampira. Ang guro namin ay sadyang napakaistrikto kaya naman walang nangangahas na magpahuli biglang nag-ring ang bell, ibig sabihin uumpisahan na ang klase. Pumasok ang Propesor kasunod ang dalawang estudyante na kaedad lang naming ang anyo ngunit alam naman ng lahat na hindi. Huminto ang Propesor at nilagay ang mga gamit niya sa mesa bago nagsalita. "Good Morning Class." Seryoso niyang bati sa amin. Kahit saan mo makita ang Propesor na iyan hindi talaga siya palangiti man lang. "Good Morning, Prof." Sabay na sagot naming lahat. "Alam naman ninyong may bago kayong mga kaklase hindi ba?" Tumango kami. May pakpak ang balita, may tenga ang lupa, likas na sa tao ang pagiging tsismosa at usisera kaya walang maipagtataka doon. "They are also vampires." Natigilan ako sa sinabi ng Propesor. Vampires! Sh*t! Sh*t! They are sh*ts! Napahawak ako nang mahigpit kay Mera. Lumakas ang t***k ng puso ko biglang nakaramdam ako ng tensyon. "Relax Nhy, naririnig nila ang t***k ng puso mo huwag kang pahalata." Bulong niya sa akin. She's right! Huwag mong ipahamak ang sarili mo Quenhyra. Stay Focus! Stay Calm! "Introduce yourselves." Dahil nga sa tensyong naramdaman ko iyon nalang ang narinig ko sa sinabi ng Propesor. Humarap ang dalawa. Everyone gasped except one of course, it's me. Sino ba naman ang hindi mabibigla o mamangha sa mga nilalang na kahit mga halimaw ay sadyang napagaganda. Nakayuko lang ako sa upuan ko. "Hello, I am Maviena Ravens and this is my brother Marken Ravens, please to meet you all." Anang malamig na tinig sa aming lahat. Alam kung babae ang nagsalita. I lifted up my face ng maramdaman kung parang may nagmamasid sa akin agad ang napaiwas ng ang mga mata ng lalaki ang nabungaran ko para siyang K-9 na sininusuri ako at chi-ni-check. Siniko siya ng babae, umiwas ako ng tingin sa harapan at muling yumuko. My silent breathing was making me more nervous. "Pwede na kayong maupong dalawa." The Professor told them. Nakarinig ako ng yabag papaunta sa direksyon ng inuupuan naming ni Mera kaya mas lalo akong yumuko. Ayoko ng atensyon pero sa ginagawa ko ngayon alam kong ang mga mata nila ay nakatingin sa akin mas lalo akong namanhid sa kinauupuan ko nang tumigil ang dalawang pares ng sapatos sa harapan ko. Sh*t! Wala nga palang nakaupo sa dalawang upuang nasa gilid ko. "Is these seats taken?" Anang baritonong boses sa akin. Ayokong sumagot, hindi ako sasagot. I know they're waiting for my answer but I prefer to shut my mouth and do my usual doings. I even bit my lower lip to stop myself from saying something. Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Mera na parang sinabing siya na ang bahala. Kilala niya ako kahit na sa galawa lang maiintindihan niya kong ano ang sinasabi ko. Tumikhim si Mera. "No, walang nakaupo dyan you can have that seats. Pasensya na sa kaibigan ko hindi lang kasi siya komportable sa ibang tao." Thanks best, you are really my hero. Seating beside me are creatures I really hate the most. Makakatagal kaya ako dito lalo na kapag ganito ang na+fi-feel ko? Parang binubutasan nilang dalawa ang gilid ko dahil sa mga titig nila sa akin. How did I know? Well, it’s human instinct. Alam ng tao kung sila ang pinag-uusapan lalo na kapag nasa tsismis. Iba nga lang ang sitwasyon ko pero alam kong yon ang ginagawa nila. They are making me really uncomfortable. Parang sa sitwasyon ako pa yong bagong estudyante at sila ang hindi. The Professor continued our lesson. "There are three types of vampires. First, are the Purus or Pure-Blooded Vampires, they are Royal Vampire’s hindi katulad ng iba, sila ay mga mahaharlikang bampira, mga naunang bampira o matatandang bampira sa katawagan ng mga tao. The Vampire King itself is one of example." Wala nang nagtataka kung bakit ito ang leksyon namin. Lahat naman ng subjects ganito. Vampire Histories, Vampire Society, at Vampireconomics etc… etc. Humans don't owned the World right now kaya lahat ng kung ano ang meron sa tao ngayon ay hindi na kanila. "The second one are Nobilis mga bampirang may matatas na posisyon sa pamahalaan. Ang pangatlo ay Midde, mga bampirang naglilingkod sa mga nakakataas at ang panghuli ay ang Proletarius mga bampirang patapon, rebelde at mga baliw o uhaw sa dugo mga mababangis na bampira na ang tanging alam lang ay ang uminom ng dugo ng tao." Mataman akong nakikinig sa mga sinasabi ng Professor habang nakatingin ang mga bampira sa amin. Sa aming mga tao pati ang guro na siya ding bampira walang akong magagawa dahil ganito na ang panahon ngayon kailangan naming sundin ang lahat ng gusto nila dahil kung hindi magiging pagkain kami ng mga Proletarius, sila ang pumoprotekta sa amin. Sila nga kaya? Nagpatuloy lang siya sa pagdidiskusyon habang ako at ang iba ay nasa uneasiness stage pa din dahil sa mga halimaw na nakapaligid sa amin. Magsasaya ang isang tao kung kabiyak niya ay isang bampira dahil kung ano ang status nito ganoon din ang taong kabiyak nito. Magiging kanya din ang imortalidad na pinapangarap nito pero hindi ako. Ayoko. Ayoko dahil minsan na akong pinagsamantalahan ng isang bampira at hinding-hindi ko makakalimutan ang bagay na iyon. Nang magring ang alarm para sa oras ng break time ay agad kung hinila papalabas si Mera. Ayokong magtagal sa silid-aralan lalo na kapag mainit ang mga mata ng mga halimaw sa mga tao at lalo na at bawat galaw ko ay tinititigan ng mga bagong kaklase na siyang hindi kaya ng sistema ng buo kung pagkatao. Mabilis kaming naglakad ni Mera nang patigilin kami ng boses ng mga bago naming kaklase na siyang ikinatigil nang pagpintig ng puso ko. "Sandali."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD