II. Not Alone Anymore

4737 Words
Sa mga sumunod na araw ay tila nawala ang buhay sa katawan ni Derrick. Halos hindi na rin siya nakakatulog ng maayos, ni ang pagkain at ang pag-eehersisyo ay nakakaligtaan na rin niya. Masyado siyang nalugmok sa kalungkutan at maging ang mga kasamahan niya ay napapansin na ang mga pagbabago sa kaniyang katawan sa mga nagdaraang mga araw—lumalalim na ang kaniyang eyebags at kumakapal na rin ang kaniyang balbas at bigote. Araw-araw kada pumupunta siya sa Atelier ay kinakamusta siya palagi ng mga kaibigan niya doon. Kitang-kita ang pag-aalala sa kanilang mga mata sa tuwing binabati nila ang binata. Isang ngiti lang ang ibinibigay niya, belying what truly burdens his heart. "I'm okay, guys. I promise." "Kahit pogi ka pa hindi mo ako maloloko sa mga ngiti mo," ngumuso pa ang bakla. "Kita mo iyan oh, ang itim na ng eyebags mo, kumakapal na rin facial hair mo. Hindi ka na pogi." Lumapit pa si Honey at malapitang pinagmasdan si Derrick. Napatawa lang si Derrick. "Bakit ka tumatawa? Seryoso ako." Hinawakan ni Honey ang magkabilaang pisngi ni Derrick at pinaling-paling ang mukha nito, wari sinusuri ang kalagayan nito na parang doktor. "Gusto mo alagaan kita, Daddy?" suhestiyon niya. Isang tawa ang kumawala muli sa dibdib ni Derrick. "Can you?" his low voice rolled, at isang pilit na ngiti ang binato ni Derrick kay Honey, "but I'm fine, really. Just a lot of things in my mind lately." "Eh, sa itsura mong iyan, parang hindi. Gusto mo, pwede kitang samahan sa bahay mo? Aalagaan kita, pagsisilbihan, yayakapin kapag malamig ang gabi..." "You wish," ani Derrick nang hindi tumitingin kay Honey, ngunit may maliit na ngiting mababakas sa kaniyang labi. "Hmmp, pakipot naman ni crush," biro ni Honey para pagaanin ang loob ni Derrick, gumana naman at napatawa niya ito. "Pero seryoso, nandito lang ako, kami para sa iyo. Kung kailangan mo ng karamay, kausap, ganun." Bumalik na muli si Honey sa kaniyang ginagawa nang mapansin na niyang ayaw nang makipag-usap ng lalaki. "Thanks," ngiti ni Derrick, at hindi na siya ginulo ng mga kaibigan niya. "Same goes with me." "Hmmp! Ganiyan ka naman, eh. Mabait sa lahat. Maging selfish ka naman minsan. Enjoy yourself." "I'm enjoying when I'm with you, guys." Nagpapasalamat siya na mayroon siyang kaibigang katulad nina Honey. Kahit papaano ay hindi miya nararamdamang mag-isa siya. Nagdaan ang maghapon na iyon na inabala ni Derrick ang sarili sa paggawa ng mga pintang ibebenta niya online. Pagsapit ng dilim ay pagod na pagod ang kaniyang katawan, pisikal at emosyonal. Inayos na niya ang kaniyang mga gamit at naghanda nang umuwi. Pagpasok sa kotse ay agad niyang pinaandar ito papunta sa isang lugar na sa tingin niya ay magpapalimot muna sa mga isipin niya, ang s*x toys shop. Wala naman na ang dahilan para kontrolin niya ang kaniyang sarili, wala na ang motibasyon niya upang labanan pa ang kondisyon niya. Madilim ang kalangitan na tila nakikisama sa kaniyang kalungkutan. Sa ilalim ng mga bituin ay kaniyang binaybay ang kakalsadahan patungo sa kaniyang tunguhin. Sa daan ay sumasagi pa rin sa kaniyang gunita ang mga nasabi niya kay Cassandra, ang desisyon niyang makipaghiwalay rito, kahit salungat sa puso niya. Kailangan niyang gawin ito, para protektahan siya, mula sa kaniya. Ilang minuto pa ay narating na rin niya ang kaniyang destinasyon, sa isang store na may naka-set up na napakaraming malalaswang imahe. Tila nagwala ang mga demonyong nagtatago sa likod ng kaniyang mga maamong ngiti, ang mga mata'y nandilim sa bawat paglapit niya sa naturang tindahan. Nanatiling nakasentro ang kaniyang mga mata sa mga maseselang larawang nakaplaster sa bintana at mga dingding ng tindahan. Dahil doon ay lalong tumindi ang kaniyang nararamdamang init at parang malapit na siyang mawala sa isip. Kusang dinala siya ng kaniyang mga paa roon na parang isang marinong nahahalina sa tinig ng isang sirena. Tila tinititigan siya ng mga babae sa posters na ang mga ngiti'y mapang-akit. Sa likod ng mga magagandang ngiti at maaliwalas na establisimyentong iyon ay nagtatago ang mga bulok na moralidad na umaalingawaw sa kanilang dalawa. Iilang hakbang na lang at nasa bungad na siya ng pinto ng store, bubuksan na lang niya ang pinto para matamo ang mga bagay na sa tingin niya ay pupuno sa mga butas sa loob ng kaniyang puso. Ito siya, ang totoong siya. Handa na siyang isuko ang sarili at magpakalugmok sa kamunduhan nang makarinig siya ng isang iyak ng isang paslit sa may hindi kalayuan. "Akin na iyan!" ani ng isang binata ng malakas ang tunog. "Bibitawan mo o papatayin kita!" Lalo pang naalarma ang diwa ni Derrick nang makarinig siya ng tila may anumang hinampas sa yero. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso at nalusaw ang lib*g na namuo sa kaniyang katawan kanina, lalo na nang sunod niyang narinig malakas na iyak ng bata. Agad niyang tinakbo ang pinanggalingan ng mga ingay hanggang sa madala siya ng kaniyang mga paa sa isang kalapit na grocery store kung saan niya makikita ang isang tagpong babasag sa kaniyang puso. Isang maliit na bata ang nakasalampak sa semento at nakasandal sa isang basurahan, ang mga mata'y puno ng luhang umaagos pababa sa kaniyang pisngi. Halos dumikit na ang sugatan niyang balat sa kaniyang buto, at ang malala pa ay may mga pasa pa ang likod at katawan. Nanatiling nakasalampak ang kaniyang katawan sa semento habang pinapanood na nilalantakan ng mas malaking binata ang kapirasong manok sa harapan nito. Malakas ang kaniyang mga palahaw na tila mga palasong tumatama sa puso ni Derrick. Maya-maya pa'y may lumabas na isang lalaki sa grocery store, may hawak na kawayan o yantok na nakatutok sa mga bata. "Hoy! Lumayas nga kayo sa harap ng tindahan. Nakakaabala kayo ng mga tao!" Naalarma hindi lang ang mga bata kundi pati ang mga tao sa paligid sa eksena. May naawa, may naki-tsismis lang, na kesyo sila raw ay mga solvent boys, ngunit walang lumapit man lang upang tulungan ang bata. "Hey! Please huwag mo siyang saktan!" Kanina nang nakatakbo ang binata para takasan ang lalaking may hawak na yantok. Iniwan niya ang maliit na nakasalampak pa rin sa sahig, naninigas sa takot at hindi alam ang gagawin. Nilapitan ni Derrick ang naiwang bata upang tulungan at patahanin, dahan-dahan upang hindi ito matakot. Hinarangan niya amg kaniyang katawan sa pagitan ng may-ari ng store at ng bata upang protektahan ang maliit. "Hoy, wag ka na ngang makialam—" "Are you f**king crazy?!" atungal niya, nanlilisik ang mga matang nakatitig sa matanda. "Hindi mo ba nakikitang bata lang ito, tapos aambahan mo pa ng yantok?!" "Bakit? Sino ka ba? Anong paki mo kung anong gawin ko sa bata? F*cking-f*cking ka pang g*go ka! Hindi mo ako madadala sa laki ng katawan mo, kano!" Hindi na pinansin ni Derrick ang pinagsasabi ng matanda at agaw nang sinaklolohan ang bata. Nilapitan niya ito at inalalayang tumayo saka pinagpag ang damit nito. "Shh, huwag kang matakot, hindi kita sasaktan," nakangiti niyang sambit sa natatakot na bata. "Everything is fine. Hindi mo kailangang matakot." Humarap ang bata at nakita ang malaking ngiti ng lalaking nasa sa kanyang harapan, napatitig sa mga asul na mata nito. Inilahad niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya kasama ang isang ngiti. "Bahala ka diyan sa batang iyan! Ilayo mo siya rito," dinig niyang singhal ng may-ari ng tindahan at bumalik sa loob ng kaniyang store nang padabog. "Are you hungry?" lumuhod si Derrick sa harap ng bata at linahad ang mga kamay nito. Nakatitig pa rin ang bata sa mga mata ng mamâ, kahit may kaunting takot ay pinagkatiwalaan niya ito, siguro dahil sa sinabi niya ring bibigyan siya nito ng pagkain. Dahan-dahan niyang nilapitan si Derrick at inabot ang kamay nito, ngunit dahil sa pagod at kagutuman ay biglang nanghina ang katawan nito ay nadapa ito. Agad naman nasalo ni Derrick ang bata sa mga bisig nito. Mabilis na nasalo ng malalaking kamay niya ang katawan ng bata, na buto't balat na. "I got you." "Dahan-dahan lang." Tinulungan niya itong makatayo ng maayos saka hinawakan ang kamay nito. "You're safe." Banayad na hinawakan ni Derrick ang kamay nito at inalalayan papunta sa kotse niya at pinaupo ito sa loob. Siniguro niyang komportable ito sa loob at ligtas bago siya magpaalam rito. Namlumo siya nang makita ang mga sugat nito, at muntik na siyang mapamura. "Shh. Everything will be fine," ngumiti siya at maingat na hinaplos ang kamay ng bata. "May bibilhin lang ako sandali, ha. Maghintay ka lang dito, buddy," nakangiti niyang paalam sa nakatulalang bata. Kinuha niya ang kaniyang pitaka at may ngiti muling sinara ang kotse at bumalik sa grocery store. "O? Bakit ka bumalik?" ani ng may-ari nang makapasok muli si Derrick sa grocery. Padabog na nilapag ni Derrick ang anumang madukot niya sa kaniyang bulsa. Dinig sa buong paligid ang tunog ng paghampas ng kaniyang palad sa counter. "Keep the change," singhal niya at nagpatuloy sa pagkuha ng mga grocery. Tinapay, chocolate, prutas, itlog—tila ang pambili niya sana doon sa adult shop ay inubos niya para sa pagkain ng bata. "Oy! Tatlong libo, may dollars pa! Magkano kaya ito?" dinig ni Derrick habang namimili. "Greedy a**hole," bulong niya sa sarili habang nakabusangot. Matapos makapamlli ay nilapag ni Derrick ang basket sa counter at maangas na inutusan ang may-ari na iplastic ang mga ito. Agad nsmang sumunod ito at nang maibigay na niya ang mga supot ay walang emosyong kinuha ito ni Derrick at saka umalis at bumalik sa kotse. "Hi, buddy," bungad niya sa bata pagbukas niya ng pinto. Kung gaano kabad trip ang timpla niya kanina ay ganoon kagiliw na Derrick ang humarap sa bata. Madaling pumasok si Derrick at hinanap ang wet wipes para mapunasan ang mga kamay ng bata bago niya ibigay iyung burger na binili niya. "Here—" Dahil sa sobrang gutom ay hinila ng bata ang pagkain mula sa kamay ni Derrick. Nagulat man ay may ngiting ibinigay ni Derrick ang pagkain at pinanood ang bata habang nakain ito. "Dahan-dahan lang. Sa iyo lang iyan. Marami pa rito." Habang kumakain ang bata ay hinandaan niya ito ng tubig. Ibinigay niya ito sa bata kahit nakakalahati pa lang niya ang burger na kinakain niya. "Uminom ka muna." Dahil na rin sa uhaw ay mabilis na kinuha ng bata ang bote, inalalayan ni Derrick ang pag-inom ng bata, nakasalok ang kamay nito sa baba niya para walang matapon mula sa bibig nito. "Slowly." Matapos uminom ay tinuloy muli ng bata ang pagkain habang si Derrick naman ay naghahanda na para umalis. Nang maubos ng bata ang pagkaing binigay ni Derrick ay nilinisan muli siya ni Derrick gamit ang panyo. Binigyan din niya ito ng tubig na agad namang ininom ng bata. "Okay ka na, bud?" Kinuha ni Derrick ang tubig at sinara ito. Binalik niya ito sa supot at saka tinignan muli ang bata na agad namang nakatulog. Napangiti si Derrick nang makita ang payapang mukha ng nahihimbing na bata. Hinaplos niya ng marahan ang buhok nito habang pinipigilang bumugso ang kaniyang damdamin. "Alright, let's take you home." Inayos niya ang seatbelt ng bata at nang masigurong na niyang komportable ang bata sa pagkakaupo ay pinaandar na ni Derrick ang kotse para makauwi. Panaka-naka siya ng lingon sa bata mula sa salamin kapag may pagkakataon siyang matiyempuhan, tinitignan kung ayos lang ang ito. Nakita niyang muli ang mga sugat nito't mga pasa sa payat na katawan, at nanlumo siya sa nakitang sitwasyon ng bata. "No child should experience this kind of sh*tty life," he grunted, soft enough so the child wouldn't hear him cursing. Galit siya sa mga umaabuso sa mahihinang tao, sa hindi patas na mundo, sa mga minamanipula at nananakit sa mga katulad ng batang natagpuan niya ngayon. ~•~ Mga alas-otso ng gabi nang marating na nina Derrick bahay. Pinarada niya ang kaniyang kotse sa kaniyang garahe at bumaba sa sasakyan. Pagkatapos niyon ay lumipat naman siya sa kabila upang mapagbuksan ng pinto ang bata. "Bud, andito na tayo sa bahay. Gising na," malumanay na ginising ni Derrick sa bata at hinimas ang kaniyang ulo, ngunit dahil siguro sa pagod ay tulog pa rin ito. Napagpasyahan na lang ni Derrick na buhatin ang bata papasok sa bahay, sa kabila naman niyang braso ay ang mga groceries. Sa lako naman ng katawan niya ay kayang-kaya niya iyon buhatin lahat. Pagkapasok nila ay binuksan ni Derrick ang ilaw, dahilan naman para magising ang bata. "Shh, we're home." Binaba ni Derrick ang nagising na bata at sinara ang pintuan sa likod niya. Binuksan din niya ang ilaw sa sala kaya nakita ng bata ang kagandahan ng bahay ng mamâ. Kita ni Derrick kung paano manlaki ang mga mata ng bata sa pagkamangha habang tinitignan ang kaniyang paligid. Ang puti ng sahig, halos makita niya ang sarili niyang repleksyon sa tiles. Ang lalaki ng mga sofa at upuan na mukhang malalambot at masarap higaan, ang daming paintings na nakasabit kung saan-saan, ang gaganda rin ng mga gamit sa paligid ng bahay na hindi na niya alam kung anu-ano ang mga tawag. Napapatunganga naman ang paslit sa malalaking paintings na nakasabit sa dingding. "Maganda ba ang bahay ko?" tanong niya sa nakatungangang bata habang nagtatanggal ng sapatos. Isang tango lang ang isinagot nito sa kaniya. "Mabuti naman at nagustuhan mo, dahil dito ka na rin titira mula ngayon." Maging siya ay nagulat sa sariling mga salita at hindi niya malaman kung anong nagtulak sa kaniya para sabihin ang mga katagang iyon. Siguro ay naawa lamang siya rito. Ayaw sana niyang madamay ang bata sa mga issues niya sa sarili, lalo na sa kaniyang s*x at p*rn addiction na hindi niya ipinagmamalaki. Pero sa tuwing tumatama ang mga mata niya sa maamong mukha ng bata, ay mas umiigting ang kaniyang kagustuhang maging mas mabuting lalaki kaysa kaniyang sarili ngayon, kahit para sa isang tao lang. Napamaang ang bata sa sinabi ni Derrick, tinitigan ang mukha nito. "Why? May problema ba, anak?" Umiling lang ang bata. "Mabuti naman. Well," huminga siya ng malalim at ngumiti, "let's go get you settled then." Pagkasuot ng mga pambahay na sinelas ay agad na sinundan ni Derrick ang bata sa sala. Bagamat hindi nakangiti, kitang-kita niya ang pagkamangha ng bata habang pinagmamasdan ang mga painting na nakasabit sa kulay puting pader. Ang mga mata nito ay parang nagniningning habang pinagmamasdan ang mga litrato sa paligid. "Ang gaganda nila, ano? Gawa ko ang mga iyan," pagkamayabang ng binata sa munting bata. Isang ngiti ang namuo sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang bata. Nagpatuloy na si Derrick sa kusina at iniwanan muna ang bata sa sala, "Sandali lang anak ha at itatabi ko muna itong napamili ko. Pagkatapos ay maglilinis muna tayo bago ako magluto, kakain na rin tayo pagkatapos." Pagkasabi niyon ay pinatong niya muna ang mga ipinamili niya sa lamesa at binalikan ang bata sa upuan. Muli niyang sinukbit ang kaniyang bag sa kaniyang balikat at nilahad muli ang kamay niya sa bata. "Tara na, anak. Punta na tayo sa taas upang makapaglinis na tayo," kaniyang naman sinabi ng magiliw saka naman sumunod ang bata. Magkahawak sila ng kamay na umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto niya. Pagkarating sa taas ay pinihit niya ang doorknob ng kaniyang kuwarto at binuksan ito. Agad naman namang nagpanganga sa bata. Mas marami pang iba-ibang artworks sa loob. Ang laki pa ng kama at mukhang malambot. Ang ganda rin ng bookshelves sa gilid na puno ng mga libro mga gamit pampintura na nakasalansan doon. Sandaling bumitiw si Derrick sa bata at ibinaba ang kaniyang mga gamit sa kama. "Hay, nakakapagod itong araw na ito," bugtong hininga ni Derrick. Linakad niya ang kaniyang kuwarto mula sa pintuan hanggang sa may nightstand. Samantalang ang bata naman ay naiwang nakatulala sa may pinto, manghang-mangha sa mgq makukulay na pinta sa pader ng kuwarto. Nanatili namang nakatayo lamang ang bata sa may pintuan, pinagmamasdan ang bagong kapaligiran. Pinagmamasdan din ng lalaki ang bata, kitang-kita niya kung paano manlaki ang mga mata nito sa laki at ganda ng kuwarto niya. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tinuran ng inosente, talagang ang bilis lumambot ang puso niya sa mga bata, pero parang iba ang naramdaman niya sa batang kasama niya ngayon. Agad na napalapit ito sa kaniya, na parang may malalim na agad siyang pagmamahal dito kahit ngayon niya pa lang ito nakita. Ganoon lang siguro kapag mapagmahal ka sa mga bata. "Pasok ka, anak. Kuwarto mo na rin ito." Kumuha si Derrick ng isang upuan at dito pinaupo ang bata. Umupo naman siya sa kaniyang kama matapos matanggal ang mga butones ng kaniyang polo para mapreskuhan. "Pahinga muna tayo konti para makaligo tayo. Grabe napagod ako sa biyahe," singhal niya. Nanatiling tahimik lang ang bata habang nakaupo, nakatitig sa bawat kilos ni Derrick, tila kinikilala pa ito. "Ay, oo nga pala. Hindi pa natin kilala ang isa't isa, ano?" Lumapit si Derrick nang maalala niya ito at binigyan ng isang ngiti si Johnny, sabay lahad ng kamay, "Ang pangalan ko ay si Derrick. Ano naman ang sa iyo?" pagpapakilala niya, ngunit nanatili lamang tahimik ang bata. Nalusaw ang ngiti ni Derrick nang hindi pa nagsasalita ang bata, nag-aalala para rito. "Alam mo ba ang pangalan mo?" tanong muli ni Derrick nang hindi pa sumasagot ang bata. Pansin ni Derrick ang hindi pagiging komportable ng bata kaya hindi na niya ito masyadong kinulit. "Sige. Maupo ka na lang muna diyan." Tinungo na lang ni Derrick ang kaniyang cabinet para ihanda ang mga damit niyang pambahay—isang maluwag na muscle tee at isang kulay brown na boxers. Napagitla naman siya nang maalalang wala pa palang damit ang bata. "Oo nga pala. Wala ka pa palang damit, ano?" Tiningnan niya ang ilalim ng kama at doon nga niya nahanap ang isang kahong puno ng mga bagong damit na ido-donate niya sana sa isa pang ampunan noong nakaraang linggo. "I knew it, they're all here," ngisi niya sa sarili, "I guess there's a purpose that I forgot to bring these along with the other donations last week." Binuhat niya ang mga kahon sa ibabaw ng kama at tinignan ang laman ng mga ito. Pagkabukas niya nito ay nakita nga niya ang samu't saring damit na pambata. "Let's see what'll suit you." Kinalkal niya at pinili ang mga damit na panlalaki na sa tingin niya sy magkakasya sa bata. Nakahanap siya ng isang pajama at dilaw na t-shirt na parehas sakto ang laki para sa bata, saka niya ito agad pinasuot sa bata para hindi na ito lamigin. "Oh, heto. May kasya sa'yo ritong panlalaki. Tshirt, pajama, at may briefs pa rito for you," masayang sabi ng lalaki habang nilalabas isa isa ang mga damit. Nilapag niya ang mga iyon sa kama at itinabi ang iba pa. Naghanda na rin siya ng pantulog niyang t-shirt at boxers dahil hindi na siya pwedeng matulog tulad ng dating nakahubo siya, dahil nga ay may kasama na siya ngayon. "Saka na kita hahanapan ng iba pang mga damit para maayos ko na rin cabinet mo. Ligo muna tayo para makapagluto na ako." Kumuha si Derrick ng isang tuwalya para sa at inutusan niya ang batang sumunod sa kaniya sa banyo, na agad naman sinunod ng bata. Doon ay todo alalay si Derrick sa bata upang hindi ito madulas. "Dahan-dahan lang, anak, para hindi ka madulas," paalala niya habang hawak ang bata sa kamay nito. Pagpasok sa shower ay naghubad na si Derrick ng damit hanggang sa boxers na lang ang natira para itago ang kaniyang pribadong parte, ang bata nama'y tinulungan niya ring maghubad para makaligo na rin. Sinet muna ni Derrick sa warm ang shower para hindi mabigla ang bata. Maingat niyang sinabunan ang katawan ng bata, mula sa ulo, mga braso, likod, at katawan, iniiwasan ang mga mata ng bata para hindi ito masaktan. Mahigpit namang nakakapit ang bata sa braso ni Derrick sa takot na ito ay madulas. Matapos maligo ay kinuha ni Derrick ang tuwalya at pinatuyo ang anak. Inalalayan niya ito palabas ng shower at pinaupo sa isang stool. "Hintayin mo lang ako rito." Bumalik muli siya sa shower at madaling tinapos ang paliligo para masamahan ang anak. "Hello there, little guy." Napalingon ang bata sa pinanggalingan ng malalim na boses. Saka niya muling nakita ang malaking lalaki sa likod niya, nakabalot ng puting bathrobe ang katawan niya at basa pa rin ang buhok, kakatapos pa lang niya maligo kaya basang-basa pa ang kaniyang buhok na may pagkakulay kayumanggi. Lumapit si Derrick sa bata at yumuko para makuha ang kamay ng bata at maalalayan ito sa pagbibihis. Kinuha niya ang mga damit at sinuot ito sa bata. "Iyan, sakto lang ang laki sa iyo." Binigay niya ang mga damit sa bata at pinasuot dito. Maingat niyang sinuot ang mga kamay ng bata sa tshirt at saka niya ito sinuot sa ulo niya. "Peekaboo!" ngiti niya ng maibaba ang damit sa ulo ng bata. Sinunod niyang sinuot ang damit sa mga kamay nito at inayos pababa ang damit. Sunod niya itong sinuutan ng pajama. Pagkatapos bihisan ay ginamot niya ang mga sugat ng bata sa binti't braso, maingat ang bawat paggalaw para hindi masyadong masaktan ang bata. "Shh, dahan-dahan lang ako, I promise." "There, all done." Nang magamot na ang bata ay tinabi na niya ang medicine box sa closet niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang boxers at kulay puting manipis na t-shirt sabay balik sa banyo upang makapagbihis. Pagkalabas niya sa banyo ay nakatitig pa rin ang bata sa mga pintang nakasabit sa dingding ng kwarto niya. Napangiti ito. "Tara na, buddy, maghanda na tayo ng dinner natin." Matapos magbihis ay magkahaway kamay silang bumaba sa hagdan papunta sa kusina upang maghanda ng hapunan. Nakaalalay ai Derrick sa bata papunta sa kusina at doon ay pinaupo siya sa may lamesa. Doon ay hinanda na rin ni Derrick ang mga lulutuin nila. Itinabi na rin niya ang iba pa niyang pinamili sa ref at pantry. Medyo madami talaga ang mga iyon dahil alam ni Derrick na may bago na itong kasama. Pagkatapos na mailagay ang mga tinapay sa pantry ay hinanda na rin ni Derrick ang mga lulutuin nila. "Gulay muna tayo ngayon anak, ha? Huwag ka namang mag-alala dahil siguradong akong masarap itong lulutuin ko," sabi ni Derrick sa nanonood na bata. Nag-umpisa nang magluto ang lalaki at hinayang manood ang anak na pinaupo niya malapit sa countertop. Sinabi niya pang gagalingan niya pa ang pagluluto dahil may audience na raw siya. Nagsimula nang magluto si Derrick at napapahanga naman ang bata sa galing nitong magluto. Ningingitian niya ang bata sa tuwing ninanakawan ito ng tingin. Lalo namang natunaw ang puso ni Derrick nang masilayan ang mga munting ngiti ng bata. "Anak, pwede ko nang malaman ang pangalan mo?" tanong niya habang naggigisa. Nagulat naman ang bata at biglang inangat ang ulo para tumingin sa lalaki, "J-johnny po," mahina niyang tugon. Napangiti naman si Derrick nang magsalita na ang bata. "Johnny, ang ganda namang pangalan. Ako naman si Derrick," sabi niya habang hinahalo halo ang mga niluluto niya. Amoy na amoy ang bawang sa buong kusina mula sa niluluto nitong guisadong repolyo. "Nice to meet you." "Da...ri..." nauutal na bigkas ng bata na nagpangiti sa kaniya. "It's Derrick, pero Dad na lang," sabi niya sabay ngiti, "simula ngayon, ako na ang Daddy Derrick mo. Ok?" Maging si Derrick ay nagulat sa sinabi niya. Tumango na lang si Johnny sa kaniya na ikinatuwa ng mamâ. "Okay, don't be shy, bud. Nagugutom ka na ba, Johnny?" Hindi sumagot si Johnny bagkus ay ang kumakalam niyang sikmura ang sumagot sa tanong ni Derrick. "Mukha nga." Kita ni Derrick kung paano mamula ang lubog na pisngi ni Johnny matapos kumalam ang kaniyang sikmura. "Ayos lang, anak. Don't worry, I'll make this quick so we could have our dinner already." Nagpatuloy si Derrick sa pagluluto hanggang matapos ito. Hinain na niya ng pagkain sa mesa at doon ay tinawag muli ang bata upang kumain. Sumunod din naman ito at naupo na sa hapag sa tulong ni Derrick. Sinandukan na niya ang bata ng pagkain at naupo na rin sa tabi niya upang kumain na rin. "Pakabusog ka lang diyan, anak. Huwag ka nang mahiya. Marami naman akong hinanda para sa ating dalawa," utos ni Derrick sa bata, na siya naman ding sinunod. Nagpatuloy ang kanilang hapunan at natapos silang busog na busog. Matapos ay kinolekta ni Derrick ang mga pinagkainan at naglinis ng mesa. Binigyan niya ng tubig ang bata at pinainom ito, pagkatapos ay sinabihan itong maghintay sa sala habang tinatapos niya ang mga hugasin para sabay na silang umakyat sa kuwarto mamaya. ~•~ Pagkatapos maglinis ay umakyat na si Derrick sa kaniyang kuwarto kasama ang bata. Naupo muna si Derrick sa kama upang magpahinga matapos kumain at maghugas. Tinawag din niya si Johnny upang tumabi sa kaniya, na agad namang sumunod. "Nabusog ka ba, Johnny?" Tumango lamang ang bata. Ngumiti si Derrick at hinawi ang buhok nito. Kinausap pa ni Derrick ang bata at tinanong ng kung anu-ano pang bagay-bagay upang mas makilala pa ito, katulad ng mga paboritong pagkain, cartoon characters, laruan, at iba pa na pwede niyang itanong para makausap niya ito. Kadalasan ay mga "opo" at "hindi po" lang ang tipid na sagot ng bata sa kausap. "Gusto mang maging kagaya ni Superman?" tanong ni Derrick sa nanibagong bata. "Malakas siya, saka nakakalipad ng malayo! Gusto mo nun?" Napapatango na lang si Johnny sa mga tanong ni Derrick kahit hindi niya alam ang ibang mga tanong nito. "May mga kilala ka pang ibang cartoon characters?" Nanatiling nakatikhim ang bata. Kinausap lang ni Derrick ang bata hanggang sa makita niya na inaantok na si Johnny. Napangiti ito dahil maging sa paghikab nito ay naku-cute-an siya. Dinala niya muna ito sa kaniyang banyo upang magsipilyo. Bawat galaw ng bata ay nakaalalay ang lalaki sa likod nito, lagi siyang nakabantay at nakaalalay dito na para bang isang sanggol si Johnny, palibhasa'y unang beses pa lang niya maging ama kaya todo ang pag-aalaga niya sa bata. "Tara na, anak. Let's go to bed." Pagbalik nila sa kama ay sumampa na si Derrick at binuhat na rin ang bata paakyat. Ibinigay niya ang isa niyang unan sa anak upang may magamit siya. Pinatay na ni Derrick ang ilaw at humiga na sa tabi ng bata. "Good night, Johnny." Hinalikan ni Derrick sa noo ang bata. Hinila na niya ang makapal na comforter sa ibabaw ng mga katawan nila. Agad na nakatulog si Johnny dahil sa pagod, si Derrick naman ay nanatili pang gising habang nakatingin sa mukha nito, marahang hinahaplos ang buhok ni Johnny hanggang sa makatulog. Habang pinagmamasdan ang nahihimbing na bata ay pumoporma ang isang ngiti sa kaniyang labi. Parang isang biyaya si Johnny sa buhay ni Derrick na nagpabago sa kaniyang malungkot na buhay biglaan. Hindi na niya nararamdamang mag-isa siya, dahil mayroon na siyang maituturing na pamilya dito sa Pinas. Isang sandali ay gumalaw si Johnny at napadantay kay Derrick. Patuloy pa ring pinagmasdan ni Derrick ang mukha ng kaniyang bagong anak. Habang kinakabisa ng kaniyang mga mata ang itsura nito ay lalo namang nahuhulog ang loob niya sa bata. Dahan dahan ay inibabaw niya ang kaniyang kamay sa mukha nito at gamit ang kaniyang hinlalaki ay hinaplos niya ang pisngi nito habang patuloy siyang tinitignan ng taimtim. Bumugso ang kaniyang damdamin habang pinagmamasdan si Johnny. Patuloy na hinahaplos ng kaniyang kamay ang pisngi ng bata habang natutulog ito. "Pangako, hindi ka na mag-iisang muli mula ngayon, Johnny," bulong niya, ang kaniyang puso'y punong puno ng saya, "nandito ka na sa piling ko, at hinding hindi mo na kailangan matakot pa. From now on, I'll be your protector. Ako na ang mag-aalaga at poprotekta sa'yo." Dahan-dahan naman siyang lumapit rito at hinalikan ang noo nito. "Goodnight, little one," bulong niya rito ng nakangiti pa rin. Pagkasabi niyon at nakaidlip na rin ni Derrick na nakayakap ng maluwang sa bata. Dahil naman doon ay nakaramdam ng kapanatagan sa init ng katawan ng bago nitong ama. Sa sandaling iyon, tuluyan nang pinagkatiwalaan ng kaniyang puso ang kanyang bagong ama. Sobrang saya ng pakiramdam ng bata sa piling ng kaniyang bagong ama. Tumahimik ang paligid, tanging ang mga mahihinang tunog ng kanilang paghinga na lang ang bumabasag sa katahimikan. Ngayon, magkasama na ang dalawang taong minsan nang naging mag-isa, ligaw sa kadiliman ng lumbay. Sa sandaling iyon, ang ang lahat ay nagiging tama na sa kanila, at wala na silang ibang mahihiling kundi ang makasama ang isa't isa habampanahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD