Nakaraan na ang ilang araw matapos ang graduation ni Johnny ay tila nakulong siya sa bahay. Hindi naman literal pero hindi siya naging palalabas simula noon, depende lang kung naisasama siya ni Theodore at ng iba pa nilang mga kaibigan.
Dahil doon ay lalong napalapit si Johnny sa kaniyang ama. Hindi katulad noong nagbibinata pa lang ay hindi na nahihiyang lumapit si Johnny sa kaniya. Siguro nakatulong din iyung pag-amin niya ng totoong kasarian dito. Malaki ang naging epekto niyon sa kanilang relasyon. Dahil doon ay hindi na naiilang si Johnny sa ama. Si Derrick naman ay lalong naging malambing kay Johnny. Sa tuwing magkasama sila ay parang batang lagi niyang hinahalikan ni Johnny sa noo at pisngi nito, minsan sa kamay, lalo na sa tuwing magkasama silang nabiyahe sa kung saan. Mula noong malaman niya tungkol sa pagkatao nito ay lalo naging protective si Derrick, na dumating na sa puntong nagiging possessive siya minsan, pero ganoon pa man ay pinananatili pa rin niya ang tamang distansya sa kaniya ngayong binata na siya.
Isang araw ay nasa sala ang dalawa, magkayakap habang nanonood ng isang pelikula sa telebisyon. Nakakonekta kasi ito sa cellphone ni Derrick kaya maganda nilang napapanood ang pelikula sa malaking screen.
"Kamusta ka na, anak? Mula nang mag-graduate ka ay hindi ka na naglalalabas ng bahay, ah."
"Wala lang po ako magawa sa labas, Dad. Inisip kong magtrabaho muna habang wala pa ang umpisa ang college, pero hindi ko naman po maisip kung saan ako mag-a-apply."
"Bakit naman? Nandito naman ako, ah? You don't have to worry about your expenses kung iyan ang pinag-aalala mo. Bibigyan naman kita ng allowance mo, eh."
"Ayoko naman po na lagi na lang ako nakaasa sa iyo, Dad. Hindi na ako katulad noong bata pa ako."
"I know. But you're still not stable. Kakatapos mo lang sa highschool. Hindi naman kaagad makakahanap ka ng trabaho."
Natahimik lang si Johnny habang nakasandal sa braso ni Derrick, ang kamay ay nasa mangkok ng popcorn na nasa kandungan ni Derrick. Patuloy na nagp-play ang pelikula sa flat screen tv.
"What are your plans, then?" usisa ni Derrick habang nanonood sila, "maghahanap ka ng summer job?"
Linunok muna ni Johnny ang kinakain niya bago magsalita. "Kung makahanap po ako. Pero sa ngayon, siguro magpapahinga muna ako."
"That's good, but I don't want to rush you. Enjoyin mo lang ang kabataan mo anak."
Nanatiling magkayakap sina Derrick at Johnny buong movie. Kalahati pa lang ang movie pero naubos na nilang dalawa iyung popcorn. Hindi muna inabala ni Derrick ang sarili at pinatong muna sa lamesa ang mangkok sabay hatak muli kay Johnny palapit sa kaniya.
Nang matapos na ang palabas ay kinuha na ni Derrick ang remote at pinatay ang telebisyon. Pagkatayo niya ay saka rin naman nagising si Johnny. Tinignan niya ang amang nakatayo sa harapan niya, nakasando lang ito kaya kita ang kaniyang naglalakihang mga braso at ang maskuladong dibdib na sumisilip sa mga manggas nito.
"Naisip mo ba pala kung saan mo gustong mag-college, anak?" tanong ni Derrick para maputol ang titig ni Johnny sa katawan niya. Kanina pa kasi niya nararamdaman ang titig nito.
"Ah—eh," mautal-utal niyang sabi sabay liko ng tingin, "sa totoo lang ay hindi ko pa po napag-iisipan iyon, eh. Hindi ko pa nga rin naiisip kung anong gusto kong course."
"It's fine. Malayo pa naman start ng college, eh. Madami ka pa namang oras para pag-isipan iyan."
Matapos hugasan ni Derrick ang pinagkainan nila ay bumalik din siya agad sa sofa at muling tumabi kay Johnny. Hinila niya muli ang katawan ng binata at kinulong ito sa mga naglalakihan niyang mga bisig.
Nanatili sila sa sofa kahit na wala na ang palabas na pinapanood nila. Nanatili si Johnny sa yakap ng kaniyang ama at hindi umalis rito.
"Johnny, naiisip mo na ba ang buhay mo kung wala na ako?"
Nagulat si Johnny nang bigla siyang tanungin ni Derrick ng ganoon. Kanina lang ay napakasaya nila, tapos ito ang maiisip na itanong sa kaniya ni Derrick.
"Anong tanong iyan, Dad?"
"Wala lang, just a hypothetical question. I'm not saying that I have an intention of leaving you someday, nor am I saying na malapit na akong mamatay. I just want you to think ahead of your life."
Napamaang si Johnny sa mga sinabi ni Derrick. Sa puntong ito ng kaniyang buhay ay masasabi na niyang sobrang mahal na niya ang kaniyang ama. Hindi na niya kaya yatang mabuhay ng wala ito, nasanay na siyang nasa tabi niya palagi si Derrick at hindi ito iniiwanan. Natatakot pa siya sa kaisipang mawawala si Derrick sa kaniya isang araw. Masyado niya pa itong "kailangan" para mawala siya.
Napansin ni Derrick ang biglang pananahimik ni Derrick ng binatang nasa yakap niya ngayon. Mali siguro ang timing niya para tanungin ang mga ganitong bagay sa anak.
"I shouldn't have asked that yet." Hinila muli ni Derrick si Johnny palapit sa kaniyang katawan at niyakap ito ng mahigpit. Hinalikan niya si Johnny sa noo at bumulong ng "I'm sorry."
Hinaplos niya ang buhok ni Johnny. Habang ginagawa ay napaisip siya. Hindi habambuhay ay kaya niyang protektahan si Johnny mula sa mga pwedeng manakit sa kaniya, kahit ang katotohanan. Iyon ang unang pangakong binitiwan niya sa anak.
Matapos ang ilang sandali ay kumalas na si Derrick sa yakap nito at hinalikan ito sa noo. Nagpaalam siyang pupunta muna sa kaniyang kuwarto para mag-check ng mga pagsusulit ng mga estudyante niya. Sinabihan din niya si Johnny na pwede siyang lumabas kung gusto niya, basta isasara niya lang ang pinto.
Since wala naman siyang gagawin sa bahay naisipan muna niyang gumala sandali. Umakyat siya sa kaniyang kuwarto at sandaling nagbihis. Hindi na siys nagpaalam kay Derrick at pagsuot nito ng sapatos niya ay lumabas na siya ng kuwarto at sinara ng pinto nito.
"Ingat ka." Nagulat si Johnny nang marinig ang malaking boses ng kaniyang ama mula sa nakasara nitong pinto. Alam niyang matutulog ito kapag nakasara ang kuwarto niya, o may ginagawang importante.
"Opo," sagot ni Johnny bago lumabas ng bahay.
~•~
Pumunta si Johnny sa isang mall para makapagliwaliw sandali. Tumingin-tingin siya sa mga shop ng kung anu-ano, mga sapatos, damit, at kung ano pa ang makita niya sa mall.
Sa pagtingin-tingin ay may mga bagay na nakakuha ng kaniyang interes. Gusto niya sana bilhin ang mga ito, ngunit inisip niya na hindi naman niya kailangan, at siguradong matatambak lang ito sa kuwarto niya.
Kumain na lang siya sa isang fastfood at namasyal ulit. Sa kaniyang paggagala ay nagulat siya ng biglang may humila sa kaniya.
Kumabog ang puso ni Johnny nang biglang dinala siya ng misteryosong lalaki sa may kanto ng mall. Kidnapper ba ito? Holdaper? Isang baliw na nakatakas sa mental hospital?
Nilingon niya ang mukha ng taong humila sa kaniya at sa gulat niya ay nakilala niya agad ito. Sa inis ay sinapak niya ang dibdib nito st nagulat siyang hulmadong-hulmado ito, gayon din ang buo nitong katawan.
"Bwiset ka, Theo! Akala ko kinikidkap na ako!"
Nakakunot ang noo ni Johnny na nagpatawa naman kay Theodore. "For sure makikidnap ka talaga sa payat mong iyan," pang-aasar niya, "kumakain ka na ng maayos, Johnny?"
"Paki mo?" singhal ni Johnny at tinulak si Theodore sa dibdib.
Ramdam niya ang init na umakyat sa kaniyang pisngi dahil sa pagkakahawak niya sa dibdib ni Theodore. Talagang maskulado ito at matigas, katulad ng kay Derrick. Hay, habang tumatagal ang panahon ay hindi na niya mapigilang mag-isip ng kung anu-ano sa ama, kahit alam niyang mali ito.
Napakunot naman ng noo si Theodore, "Napakasensitive mo naman! Akala mo babae, palibhasa mukhang babae eh," asar niya kay Johnny.
Hinaltak ni Johnny ang braso ng kaibigan dahilan ng paglapit nito. Saka naman sinuntok ni Johnny sa may braso na imbis na nagpailing ay nagpatawa pa lalo sa kaibigan.
"Oy, tama na. Bullying na iyang ginagawa mo, eh."
"Talagang mabubully kita kapag hindi ka tumigil," pinandilatan niya si Theodore, ngunit hindi natinag si Theodore. Kinulit niya pa ang kaibigan. Tutal wala nang magagawa si Johnny ay sinakyan na lang niya ang mga biro nito hanggang sa maging parang normal na nagkukulitan na sila.
"Halika, may ipapakita ako sa iyo," pagbitin ni Theodore. Palibhasa'y maskulado ang kaibigan ay hindi na ito nakapalag pa at sumunod na lang. Dinala niya ito sa isang gate sa katabing university at itinuro ang isang nakapaskil na mga posters.
Isang ngiti ang pinakita ni Theodore habang pinapakita ang malaking unibersidad kay Johnny. Kumunot ang noo ni Johnny nang makilala niya ang university. "UP? Dito ka mag-aral?" tanong ni Johnny na tinanguan ni Theodore. "Mukha namang maganda."
"Maganda talaga! May soccer field pa nga dito eh, kaya gusto ko nga dito mag-aral," tila kumikinang pa ang mga mata nito habang nagpapaliwanag. "Matagal ko na kasing pangarap ang maging soccer player eh. Kaya noong malaman kong magre-recruit sila ng mga upcoming freshmen this year ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. As they say, 'the early bird catches the worm.'"
"Wow, seems that you got everything planned ahead already."
"Hmm. Actually, childhood dream ko ang maging soccer player. Kaya noong malaman kong may soccer field rito ay dito ko na gustong mag-college."
Tumango lang si Johnny. "Mkay? Maganda."
"Samahan mo ako doon, Johnny! Ano ba kukunin mo?"
"Actually, hindi ko pa sure, eh. Pinag-iisipan kong mag-arch sana."
Naalala ni Johnny ang pangarap niyang bigyan ng sariling bahay ang kaniyang ina noong highschool pa lang siya. Gusto niyang tuparin ang pangarap na ito para aa kaniya, bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo niya.
"Ah, ganon. Business management naman ang kukunin ko. Tapos sasali ako sa varsity soccer team. Pangarap ko rin maging magaling sa soccer."
Tumango si Johnny habang nakikinig sa kaibigan. "That's great! Kaya pala lumalaki na ang katawan mo kasi nagt-training ka na, ano?"
Tumango at ngumiti lang si Theodore. "Sama ka na sa akin. Para naman may kakilala ako doon, at saka may private tutor na rin."
Bumuntong-hininga si Johnny."Hay, hindi ka na talaga nagbago, Theodore Rivero,"
Patuloy pa tin si Theodore sa pangungumbinsi sa kaibigan na samahan siya sa kolehiyo.
"Sige pag-iisipan ko," ngiti ni Johnny sa kaibigan.
"Ayos lang iyon, brod, but I want you should really consider it! Maganda ang university na iyan. Diyan nga nakapagtapos kuya ko ng computer engineering, eh," pangungumbinsi pa ni Theodore, "at saka marami raw chicks doon," biro pa ni Theodore. "Magkaka-girlfriend na rin tayo sa wakas!"
"Ikaw talaga, Theo," tawa ni Johnny, "iyan lang ba pinasok mo sa college?"
"Siyempre! Ngayong graduate na tayo, may kalayaan na tayo magkaroon ng mga syota natin sa wakas!"
"Sira talaga ito," panguuyam ni Johnny, tumatawa pa rin.
"Basta sama ka sa akin ha? Mahirap kaya maging loner sa classroom." kunwa'y paglalambing ni Theo sa kaibigan, nakaakbay pa rin rito.
"Oo na po, Mr. Loner na wala pang girlfriend hanggang sa ngayon. Sasamahan na kita sa college," panguuyam ni Johnny sa kaibigan.
Marami pang mapagkwentuhan at napagtawanan ang dalawa sa daan nila pauwi. Nilibre pa ni Theodore si Johnny ng fishball at kikiam pagdaan nila sa isang food stall, na hindi na tinanggihan ni Johnny. Nakwento ni Theodore kay Johnny ang mga pangarap niya, ang mga plano niya pagpasok niya sa college. Gayundin ang ginawa ni Johnny, kinwento rin niya ang mga pangarap niya sa kaibigan, na sa sobrang dami ay hindi na niya alam kung ano ang gusto niyang tuparin.
Marami pa silang napagkiwentuhan sa kalsada habang naglalakad-lakad. Maingay ang kanilang naging usapan sa kalye habang nagbibiruan sila tungkol sa mga girlfriend raw na iipunin nila sa college. Nilibre pa ni Theodore ng fishball at kikiam si Johnny sa daan papunta sa lugar nila.
"Sige, Johnny, mauuna na ako sa iyo," paghiwalay ni Theodore pagdating sa may bahay nila.
Nginitian din ni Johnny ang kaibigan pagkaalis nito, "Ge, Theo. Bukas ulit. Bye," sigaw niya sa papaalis na si Theodore, tumuloy na rin siya pauwi.
"Doon nagtatrabaho si Daddy, ah. Teka, tanungin ko nga siya mamaya," bulong ni Johnny sa sarili. Madilim na rin ang langit kaya umuwi na rin siya sa bahay. Pagdating sa bahay nila ay naabutan ni Johnny na maliwanag ito. Ang telebisyon ay nasa balitang pasimula pa lamang. Palibhasa'y bukas naman ang pinto ay tumuloy na siya rito ng nakatanggal na ang sapatos.
"Johnny, ikaw na ba iyan?" dinig niyang tanong ni Derrick mula sa kusina.
"Opo, Daddy. Sorry kung medyo napagabi ako ng uwi. Marami kasi kaming nadaanan po ni Theo," sagot ni Johnny habang tinatabi ang sapatos niya.
"No worries, baby. Ang mahalaga ay nakauwi ka ng ligtas. Sige na at magbihis ka na sa taas para makapaghapunan na tayo," paanyaya ni Derrick kay Johnny, "malapit na rin naman nang matapos itong niluluto ko."
Isang ngiti ang sinagot ni Johnny sa ama bago siya umakyat sa kuwarto niya para magbihis. Pagkababa niya ay nakahanda na ang hapunan, ang kusina auy balot ng amoy ng fried chicken at spaghetti na luto ni Derrick.
"Dinner's ready!" isang malaking ngiti ang bumungad kay Johnny sa kusina. Isinaayos pa ni Derrick ang mga pagkain sa paraang parang nasa restaurant sila. "Halina't maupo ka na rito, anak."
Nakangiting sumunod ang binata sa ama at naglakad patungo sa kusina. Halos magkasabay pang umupo ang mag-ama sa tabi ng isa't isa. Pinagsilbihan ni Derrick si Johnny ng pagkain na agad naman siyang pinasalamatan. Habang naghahapunan ay nagpatuloy pa rin ang kanilang pag-uusap, nagkamustahan sa mga nangyari sa kanilang maghapon.
"Daddy, oo nga pala. Hindi ba sa UP ka sa may BGC nagtuturo?" habang kumakain ay nagtanong siya sa ama.
"Yeah," tugon naman ni Derrick sa kaniya, "doon ako nagtuturo ng art subjects. Bakit mo naman natanong, mahal?"
"Dinala po kasi ako ni Theodore doon kanina habang nagala kami. Maganda po pala iyung university. Sabi raw niya doon niya gusto mag-aral para makasali daw sa soccer team ng college."
"Oh, that's great!" isang malaking ngiti ang namutawi sa mga labi ni Derrick, "actually maganda nga talaga ang mga sport facilities and gyms doon, but I'm not sure if there is a football field there, nor a football team at all. Pero kung gusto mong maglaro ng soccer sa college, I can enroll you to the University of Makati. May malaking field iyon para mapaglaruan ng soccer, sayang nga lang at hindi ako doon nag-apply. Kung alam ko lang sana na gusto mo pala mag soccer sana sa UMak na ako pumasok para mabantayan kita."
Tumango naman si Johnny sa ama. Naisip niya kaagad si Theodore, napatawa agad ito nang maalala ang sinabi nito sa kaniya.
"O, bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" napamaang naman si Derrick sa biglang asal ni Johnny.
"Ay, wala po. May naalala lang po akong sinabi ni Theo kanina," tanggi ni Johnny. "At saka 18 na po ako, Dad. Hindi mo na ako kailangan pang i-baby palagi at bantayan pa ako hanggang sa college."
Parang nadurog ang puso ni Derrick sa katotohanang binata na ang pinakamamahal niyang anak. Alam niyang kailangan niyang maging mapagparaya at hayaang mag-explore si Johnny sa mundo, pero masyadong na kasing napalapit ang loob niya sa batang inampon niya sampung taon nang nakararaan.
"Hay, binata ka na nga," isang buntung-hininga ang lumabas sa kaniyang mga labi, "Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang maliit na bata ka pa lang na magdo-drawing ng kung anu-ano sa mga pader natin tapos biglang magco-college ka na in a few months," nakangiting bulong ni Derrick habang nakatingin kay Johnny. "Pero walang magbabago sa atin, anak. I promise that I'll always be here for you."
Napangiti naman ang binata sa sinabi ng kaniyang ama, para bang kinilig ito at namula pa ang maputi nitong mga pisngi. "Kaya kita mahal eh, lagi mo po akong pinapakilig," biro pa ni Johnny na totoo rin naman.
Malakas na napatawa naman si Derrick. "Does that mean I would get my regular good night kiss tonight?"
Nagulat si Johnny at lalo pang namula ang mga pisngi ni Johnny sa hiya dahil sa pang-aasar ng ama sa kaniya. "Dad?" natigilan si Johnny sa isiniwalat ni Derrick.
Kita ni Derrick kung paano namula ang mapuputing pisngi ng binata. Dahil doon ay lalo niyang tinukso ang anak, "Hala siya oh, namumula na," natatawang sabi ni Derrick. "Sige na at tapusin na nating kumain para makatulog na tayo, sa kwarto ko, para mayakap mo na ulit ako, ang Daddy mong irresistible," kinindatan niya si Johnny.
"Ehhh!" mahaba niyang ingit na magkasalubong ang mga kilay na nagpatawa kay Derrick.
Nagpatuloy ang kuwentuhan ng mag-ama habang naghahapunan ng magkasama sa loob ng payapa nilang tahanan. Ang payapang bahay nila'y napuno ng kanilang tawanan habang patuloy na nag-aasaran at nagbibiruan.
Patuloy silang naghapunan hanggang sa matapos sila. Matapos magtulungan sa paglilinis ay umakyat na sila sa sari-sarili nilang kuwarto para magpahinga.
"Good night, Dad," paghalik ni Johnny sa pisngi ni Derrick bago ito humiwalay patungo sa kaniyang kuwarto.
"O, hindi ka makikitulog sa akin?"
Nag-init ang mga pisngi ni Johnny sa imbitasyong iyon ng ama. Sa hindi niya alam na kadahilanan ay naglikot ang kaniyang imahinasyon sa mga bagay na hindi niya naman dapat na maramdaman.
"H-hindi po muna siguro." Nagulat si Johnny nang bigla siyang mautal. Iniwas niya ang tingin niya sa kaniyang ama at pumunta sa kaniyang kuwarto na parang walang tensiyong namamagitan sa kanilang dalawa.
"Good night, Dad," sabi ni Johnny bago isara ang pinto.
"Good— night." Pinanood niya muna ang paglaho ni Johnny papunta sa kuwarto niya bago naman siya pumasok sa kaniyang kuwarto upang magpahinga.
Pagpasok niya sa kaniyang kuwarto ay agad siyang naghubo't nagtungo sa sariling banyo upang maligo. Pagkatapos magpatuyo ng kaniyang katawan ay tuluyan na siyang nahiga sa kama nang walang anumang saplot, katulad ng kaniyang nakasanayan, at hinintsy na dalawin ng antok.
Malalim na ang gabi at gising pa rin si Derrick, nakatitig sa kisame. Kahit na malambot ang kaniyang kama at pagod din ang kaniyang katawan ay hindi niya magawang maisara ang kaniyang mga mata. Inaalala niya ang anak, na ngayon ay isa nang ganap na adulto, na pakakawalan niya sa malaking mundo. Alam niya kung gaano kalupit ito, kung gaano ito kadaya at mapanlinlang, lalo na sa mga taong may busilak na puso. Nagsisimula na si Johnny na hanapin ang sariling lugar sa mundong ito.
Nagdaan sa kaniyang isipan ang mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang taon, ang pag-amin ni Johnny ng pagmamahal sa kaniya, ang paghanga nito sa kaniyang katawan, ang mga paglalambing nito, at ang labis na tiwala nito sa kaniya.
Lumipas pa ang ilang mga minuto at nanatiling tahimik pa rin ang lalaki habang nakatitig sa blangkong canvas. Ang art studio na minsan nang naging lugar ng paglikha, ay tila lumiit at sumikip. Ang mga pader nito na nakadidinig at nakakakita sa lahat ng kaniyang mga pag-iyak, kasiyahan, at mga pagsubok na dumaan sa buhay ni Derrick ay parang sumasara palapit sa kaniya.
Sa pagtaas ng buwan sa kalangitan ay nanatili pa ring gising pa rin si Derrick. Ang mga alalahanin niya'y pinapanatili siyang gising sa kabila ng kalaliman ng gabi.
Ang kaniyang isipan ay unti-unting nagdilim, kasingdilim ng kalawakan ngayong gabi. Naghalo-halo ang pag-ibig, takot, at pangamba sa kaniyang isipan, pati ang kaniyang pagkauhaw sa init ng laman, hanggang sa ang lahat ng ito'y maging isang halimaw na hindi niya kayang kontrolin.
Dahan-dahan siyang umupo sa kama at tumitig sa pinakamalayong pader sa kaniyang harapan. Gulong-gulo ang isipan ni Derrick. Wala na ba talaga ang dating Derrick? Malaya na ba talaga siya mula sa kaniyang nakalipas, mula sa dating siya? Ang mga kupas na paintings lamang ang naging saksi sa mga pinagdaanan niya sa loob ng tatlumpu't anim na taon ng kaniyang buhay, kasama ang mga tattoong nakaburda sa kaniyang likod at braso.
Dahan-dahan niyang sinimulang haplusin ang sariling dibdib, ang malamig na hangin na dumadampi sa kaniyang kahubdan ay nagpabuhay sa kanyang harapan. Sinikap niya itong hindi pansinin at tumayo na lamang at isara ang bintana.
Sa kaniyang paglakad ay napansin niyang nakaawang ang kaniyang pinto. Aninag niya sa liwanag ng buwan ang aninong biglang kumaripas ng takbo, alam niya agad kung sino ito. Sinubukan niyang tawagin ang pangalan ng anak ngunit walang sumagot. Pagkasara ng bintana ay agad niyang hinila ang kaniyang bàta mula sa hanger nito at sinuot ito para matakpan ang sariling kahubdan.