IX. New Start

2490 Words
Isang Lunes ay maagang nagising si Derrick para paghandaan ang kaniyang bagong trabaho. Hinanda na niya ang isang puting polo na iibabawan niya ng isang kayumangging long sleeves. Ito ang isusuot niya sa unang araw niya sa trabaho. Hinanda rin niya ang mga lesson plans niya at laptop at inayos ito sa kaniyang bag. Tinignan niya ng oras at mag-aalas kwatro pa lang ng umaga. Pumunta siya kuwarto ni Johnny at kinatok ito. "Anak, gising na. Maaga ka pa papasok," aniya sa garalgal niyang boses. Nang hindi pa nagigising si Johnny ay iniwan niya muna ang kuwarto nito at naligo. Matapos magbihis ay hinanda naman niya ng almusal nila ni Johnny. Masayang-masaya ito at sa wakas ay natanggap na siya sa trabaho, st magsisimula na sa susunod na Linggo. Habang nagluluto ay laman pa rin ng kaniyang isipan ang anak. Mula noong gabing umamin si Johnny ng pagtingin sa kaniya ay hindi na mawaglit ang anak sa kaniyang isipan. Inaalala niya ang anak lalo na't ang mundo ay hindi gaanong tanggap ang mga katulad niya, na baka siya ay tuksuhin kapag nalaman ng mga tao ang kaniyang pagkatao. Natakot din siya na baka saktan si Johnny ng mga tao sa paligid, ng mga taong maaaring gumamit lang sa kaniya, o sa mga taong hindi nakakaintindi ng kasarian ng anak. Napabuntung-hininga na lamang siya habang iniisip ang mga bagay na iyon. "Sana'y laging maayos ang kalagayan mo, mahal ko," bulong niya sa sarili habang hinahati ang chicken fillet sa kaniyang plato. Parang naging panalangin itong binubulong ng kaniyang labi. Habang nagluluto ay narinig ni Derrick ang mga yabag ni Johnny habang pababa sa hagdan "Good morning, Daddy," ngiti ni Johnny pagkakita sa ama. Sa bati ni Johnny ay napabalikwas si Derrick sa mga iniisip niya. "Good morning," masaya niyang bati sa pupungas- pungas pang si Johnny habang papunta ito sa kusina. Pinaghandaan na ni Derrick ang anak ng plato at pagkain pagkaupo ni Johnny. Kumuha na rin siya ng isa pang pinggan para sa sarili niya at sinaluhan si Johnny sa pagkain. Maraming pinag-usapan ang mag-ama habang kumakain sa hapag. Puno ng saya ang puso ni Derrick habang nakikinig sa mga pangarap at mga plano ni Johnny sa mga susunod na araw at taon. Ilang taon na lang pala ang hihintayin bago makapagtapos ng pag-aaral si Johnny. May ngiti sa labi ni Derrick habang kinikinita niyang sinasabitan si Johnny ng mga medalya sa leeg sa graduation. Matapos mag-almusal ay naghanda na si Derrick para ihatid si Johnny sa eskuwelahan. Pagdating doon ay tinulungan ni Derrick si Johnny sa pagtanggal ng seatbelt at inaalalayan pa Ito sa kaniyang bag. "Thank you po, Dad," ani Johnny pagkakuha niya sa bag niya mula kay Derrick. Isang ngiti ang isinukli ni Derrick sabay hawak sa kamay nito. Sinamahan niya ang anak papunta sa gate ng school. Pagdating doon ay pinakawalan niya na ang anak at hinalikan ito sa noo. "Sige na, John. Mauuna na ako sa iyo. May aasikasuhin pa ako ngayon umaga." Yumakap si Johnny ng isa pang beses sa ama, "Sige po, Dad. Ingat po kayo." "Ikaw rin, anak. Aral kang mabuti. Wala munang boyfriend, ha?" biro ni Derrick sa anak sabay halik sa pisngi. "Grabe si Dad, oh!" nanlaki ang mga mata ni Johnny sa sinabi ng ama. Medyo kinabahan din siya na baka may nakarinig sa kanila kaya natingin-tingin ito sa paligid. Napanatag naman ang kalooban niya na parang wala namang may pakialam sa paligid sa anumang pinag-uusapan nila. "Biro lang, anak. Alam kong ako lang mahal mo, hindi ba?" sabi ni Derrick na nagpangiti kay Johnny. "Sige na, anak. May pupuntahan din ako ngayong umaga," isa pang halik sa noo ang binigay ni Derrick at iniwan na si Johnny pabalik sa kotse. "Sunduin kita mamayang uwian." Pagpasok ni Johnny sa pinto ay saka na rin umalis si Derrick papunta sa unibersidad kung saan siya mag-uumpisanh magturo ngayon. Pagdating niya sa harap ng kolehiyo ay isang ngiti ang namuo sa kaniyang maninipis na labi. "University of the Philippines," bulong niya habang binabasa ang signage sa labas ng unibersidad. May ngiti siyang pumasok rito ay pinuntahan sng silid kung saan niya kikitain daw ang magiging kasama niya. "Good morning, Mr. Hale. I'm Mr. Lopez. I'll be your head professor while you're under apprenticeship," pakilala ng propesor na may edad na, mauban na ang makapal pang buhok at may mga kulubot na rin sa mukha. Tantiya niya ay edad singkwenta na ito, "I'm looking forward working with you." "Good morning too, Mr. Lopez," nakipagkamay siya rito ng kasing-higpit ng pagkamay ng propesor. Matapos magpakilala ay inutusan ni Mr. Lopez si Derrick na sumunod sa kaniya papunta sa kaniyang unang klase. Habang naglalakad ay nagbigay pa si Mr. Lopez ng mga instructions sa kaniyang tungkol sa oras ng pasok, mga schedules, kung paano iha-handle ang mga estudyante, at iba pang dapat malaman ni Derrick. "I sense you being too kind, and I might hate to say this but that won't work inside the classroom. Just to say, makapal na ang mga mukha ng mga estudyante ngayon, and I bet with your looks, mayroon mga magpapakita ng motibo sa iyo. I advice you to just ignore them. Bawal din sa policies ng unibersidad ang makipagrelasyon sa estudyante ang mga estudyante, and lot I'm sure you know that." "Yes, Mr. Lopez. I'll make sure I keep thst all in mind." "Good. Now get ready to meet your first class," walang emosyong sabi ni Mr. Lopez habang papalapit na sila sa klase. Tahimik silang naglakad sa pasilyo hanggang sa marating nila ang silid ng unang klase ni Mr. Lopez. Pagpasok sa silid ay nagulat si Derrick na medyo tahimik ito, taliwas sa lagi niyang napapanood sa mga pelikula. Pagdating nila sa harapan ay tinawag ni Mr. Lopez ang atensyon ng lahat ng estudyante sa harap niya. "Class, may announcements muna ako. As you all know, matanda na rin ako at malapit nang magretire. Hindi ko na rin kakayanin pa ang isang taon na kasama kayo." Kita nina Derrick at Mr. Lopez ang lungkot sa mga mukha ng mga estudyante. This is our new Art History professor, Mr. Hale. Please be nice to him," pakilala ng propesor. "Good morning. I'm Sir Derrick Hale, your new professor," pakilala ni Derrick sa sarili. May mga ilan na nagtanong-tanong sa dalawang propesor tungkol sa ilang mga bagay na sinagot din naman ni Derrick. May ilan na naglakas-loob na usisain siya tungkol sa mga personal na buhay ni Derrick—partikular sa lovelife niya. Napabuntong hininga na lang si Prof. Lopez sa asal ng mga estudyante niya at muli niyang pinagsabihan ito. "You're not in the right position to ask that, Ms. Vuenas. Apologize for your misconduct." Nagulat din si Derrick sa gurong katabi niya ngayon na nagtatagis na ang bagang. Isang tanong lang ang binitawan ng estudyante at grabe naman na tawagin agad iyon na misconduct ni Nr. Lopez. "Class, I am practically entreating you to show manners to our new professor. I don't want to hear any complaints from Mr. Hale about you, class. I heard enough from the others. Am I understood?" "Yes, Prof," sabay-sabay na tugon ng buong klase. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. For now I'll leave you to Mr. Hale," ani Mr. Lopez. Tinapik niya ang balikat ni Derrick, hudyat ng pagpapaalam nito. Nang makaalis na amg matanda sa silid ay tinake-over na niya ang pagtuturo sa klase. Tinanong muna niya kung saan ba ang lesson nila at sinagot naman siya ng maayos ng klase. Naging maayos ang kaniyang unang araw sa trabaho, na siya namang pinagpapasalamat niya. Walang naging masyadong problema, bukod nga kang sa pagod niya sa pagtuturo, na naging worth it naman dahil natuto ang mga estudyante niya. ***** Mabilis na nagdaan ang dalawang taon matapos matanggap sa trabaho si Derrick. Sa loob panahong iyon ay wala siyang ibang pinagkaabalahan maliban sa mga klase niya at ang pag-aasikaso sa bahay at sa anak. Mula noong natanggap siya bilang isang art professor ay naging busy na si Derrick, naging okupado nga ang oras niya sa pagtuturo sa college. Mula rin noong umamin si Johnny ng pagmamahal ay mas lalong naging maingat at protective si Derrick. Mula noon ay limitahan na niya ang mga interaksyon nila, gusto niya rin matuto na si Johnny ng independence, sapagkat hindi na siya katulad noong bata pa siya na kailangan pang laging asikasuhin, ngunit hindi pa rin niya hinahayaang malayo ang damdamin nito sa kaniya. Dinadala pa rin niya ito minsan sa mga "date" sa mga libreng araw niya para makabawi sa mga oras na sobrang busy siya sa trabaho. Ipinaliwanag at nagtakda rin siya ng mga limitasyon at ipinaliwanag ang mga ito ng maayos sa anak. Mula noon ay nalimitahan na ang pagtulog ni Johnny sa kuwarto ni Derrick, at maging si Derrick rin ay hindi sanay sa bago nilang set-up. Nasanay siyang laging nakadikit sa kaniya si Johnny noong bata pa ito, ngunit binata na ang kaniyang anak, at ang panahon noon ay hindi na katulad ng dati. Dumating ang araw na magtatapos na si Johnny sa grade 12. Nakapila na siya kasama ng mga kapwa niyang magtatapos na rin ng highschool. Si Derrick naman ay nakahalo sa mga audience na halos hindi na matanaw ni Johnny kung nasaan. Mabuti at matangkad ang kaniyang ama at agad niya naman itong natanaw. Katabi naman ni Derrick si Gina. Inimbitahan din kasi niya ito para makadalo sa graduation ng anak nila. Hindi maitago ng ginang ang kaniyang tuwa habang pinapanood ang anak sa stage. "Hindi ako makapaniwalang makikita ko ang anak kong ga-graduate. Pangarap lang namin ito dati, ngayon ay natupad na," tuwang sabi ni Gina. Ngumiti lang si Derrick sa katabi niya. "Hindi naman iyon imposible dahil matalino si Johnny, ate." "Salamat po talaga, ser, sa lahat ng nagawa niyo para sa anak ko. Habangbuhay ko itong tatanawin utang na loob sa iyo." "Wala iyon, ate Gina. Gusto ko lang ibigay kay Johnny kung ano ang dapat sa kaniya. And I know this is what he deserves." Binalik nina Gina at Derrick ang kanilang pansin sa anak nila sa stage, kasama ang iba pang estudyanteng magtatapos ngayong taon. Puno ng galak at pride ang kanilang mga mata habang pinapanood si Johnny. Dumating ang oras na sasabitan na ng medalya ang mga graduates, at nang si Johnny na ang sasabitan ay pumunta agad sina Derrick at Gina sa stage para gawin ito kay Johnny. Hindi matanggal ang malaking tuwa sa labi ni Gina habang pinagmamasdan ang anak na nakasuot ng toga. "Sa wakas, anak, naka-graduate ka na!" Ngumiti rin si Derrick sa likod ni Gina habang pinagmamasdan ang mag-ina. Masaya siyang nagampanan niya ng maayos ang kaniyang tungkulin bilang ama ni Johnny. Napalaki niya ito ng maayos sa loob ng siyam na taon. Yumakap si Johnny sa kaniyang ina ng mahigpit. "Para po ito sa inyo, Nay. Sa inyong dalawa ni Dad" Habang magkayakap ang dalawa ay nakatanaw naman si Johnny kay Derrick. Isang pag-uusap ang namagitan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Tila ba tumigil ang mundo sa sandaling iyon, ang mga ingay sa paligid at ang tinig ng principal sa stage ay naging mga bulong na hindi na umaabot sa mga tainga nila. Matapos ang buong seremonya ay agad na tumakbo si Johnny patungo sa ama at patalon na niyakap ito na agad namang nasalo ng ama. "Sa wakas! Nakapagtapos ka na. I'm so proud of you!" halik ni Derrick sa pisngi ni Johnny. Yumakap muli ng napakahigpit si Johnny sa ama. Nakangiti rin naman si Johnny sa mga papuri at lambing ng ama sa kaniya. "Para din sa inyo po ang lahat ng ito, Dad, bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo niyo sa akin through all these years." Napangiti si Derrick ng malaki sa sinabi ni Johnny. Hinila muli ni Derrick si Johnny ss kanyang mga bisig, mahigpit itong yinakap at dinala sa pabalk sa upuan nila. Nakipagbatian pa ang mag-ama sa mga kaibigan nila ay makipagkwentuhan pa sa kanila bago lumabas ng magkahawak kamay. "Congratulations, Johnny," bati muli ni Derrick pagkalabas ng school, "you truly deserve it." "Thank you, Dad," sabi ni Johnny sa ama habang binabalot niya ang maninipis niyang mga braso sa katawan ni Derrick. Nagpatuloy na naglakad ang tatlo palabas ng eskuwelahan patungo sa kotse. Inimbitahan ni Derrick si Gina na sumama sa kanila at hindi na rin ito nakatanggi. Paglabas nila ng pinto ng eskuwelahan ay may isang binatang bilang umakbay kay Johnny na kapwa nilang ikinagulat. "Johnny boy!" bati ni Theo sa kaibigan pagkaakbay niya sa kaniya. Tinignan nina Derrick ang dalawa at napangiti rin sila. Napayuko naman si Johnny sa pag-akbay ni Theodore sa kaniya. Mabigat kasi ito sapagkat may kalakihan ang katawan nito dala ng pagiging atleta nito. "Aray ko Theo, ang bigat mo!" reklamo ni Johnny sa kaibigan. Napansin din ni Derrick ang binata kaya binati rin niya ito, na siya rin naman binalik ni Theodore sa lalaki. Pinalaya niya sandali si Johnny mula sa kaniyang mga kamay at hinayaang makipag-usap sa kaibigan. "Hihintayin na lang namin sa kotse, ha," paalam ni Derrick sa anak. "Ikaw Theo, ha, huwag mong iniimpluwensyahan ng masama itong anak ko. Pag ito napahamak mananagot ka sa akin," pabirong banta niya kay Theodore. Isang tawa ang kumawala sa mga labi ni Theodore, "Siyempre naman po, Tito! Huwag po kayong mag-alala, Johnny's is in good hands," ngisi ni Theodore habang nakatingin kay Johnny. "Parang ako pa yata ang walang tiwala sa salita mo, Theo," ani Johnny habang kumakalas sa mga bisig ng kaibigan. Sabay na nagtawanan ang apat habang nagbiruan ang magkaibigan. "Buti naman at mayroon kang mga mabubuting kaibigan, anak," sabi ni Gina. "Ito, Nay? Mabuti?" tinignan niya si Theodore, "eh wala nga itong ibang ginawa kundi mangopya." "Grabe ka naman, Johnny! Pinapahiya mo ako sa mga magulang mo!" singit ni Theodore na nagpatawa sa apat. "Totoo naman, eh!" Nagtawanan ang apat habang nagkukwentuhan at nagbibiruan. Nagpaalam nang mauuna si Theodore at gagala pa daw kasama ng mga iba pa nitong barkada. Si Johnny naman aay sumama sa kaniyang mga magulang. Dinala ni Derrick sina Johnny at Gina sa isang restaurant para kumain para ipagdiwang ang pagkakagraduate ni Johnny. Pagkatapos ay pinamili ni Derrick ang dalawa ng mga regalo sa isang mall. Tatanggi na sana sila ngunit nagpumilit si Derrick na pamilya sila at gustong niyang ilibre sila. Hindi naman nakatanggi ang mag-ina. Matapos ang araw ay masayang magkahiwalay ang tatlo. Si Gina ay nauna nang nagpaalam at umuwi sa tinutuluyan niya ngayon. Si Derrick naman ay dinala na si Johnny sa kotse upang makauwi na rin ng maaga. "Congratulations ulit sa iyo, Johnny," sabi ni Derrick nang makapasok na sila sa kotse. Inayos niya ang kaniyang seatbelt kasabay ni Johnny at nagdrive na pauwi. Isang ngiti ang binigay ni Johnny. "Thank you, Dad." Tinuon ni Derrick ang atensyon niya sa daan habang nagda-drive, ang mga tenga naman niya ay nakasentro kay Johnny habang kinukwento niya ang mga pangarap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD