XVIII. Boy Bestfriend

4197 Words
"Good morning, class," masiglang bati ni Derrick sa harap ng klase. "Good morning, Professor Hale!" bati pabalik ng mga estudyante. Pinaupo na rin sila ni Derrick at inutusan na ilabas ang kanilang mga kuwaderno para sa discussion. Tahimik ang buong klase habang pinapaliwanag ni Derrick ang tungkol sa kasaysayan ng sining ng Greece, ang mga kultura at paniniwala na nakaimpluwensya sa sining ng bansa. Nakinig ang mga estudyante niya nang mabuti, ang iba'y sa kaguwapuhan niya na naman nakapokus at hindi sa mga itinuturo niya, ngunit hindi na niya iyon pinansin. Habang nagtuturo ay nasa isip pa rin niya si Johnny, lagi naman. Iniisip niya kung ayos lang ba ito, kung nakakain na, kahit alam naman niya ang schedule ng break nila, o kung kamusta na ba siya—ito ang lagi niyang tanong sa sarili kahit regular naman niyang nachecheck at ina-update siya ni Johnny. "I'll be collecting your essays at exactly 11 AM today," paalala niya sa mga estudyante niya, ang kaniyang baritonong boses ay umalingawngaw sa buong silid. "Be sure you've already had that finished until then." Sa sinabi ni Derrick ay lalong nagmadali ang mga estudyante niya sa pagsusulat, ang iba nama'y naka-relax na lang kasi tapos na sila. Nang muling magsalita si Derrick na limang papel ang kailangan tapusin ay halos magkandaugaga sila sa kakasulat, pati ang mga tapos na ay nagkaniya-kaniya ring check kung nakaaccomplish na nga sila. Lihim siyang napangiti. Hindi naman masungit o istriktong guro si Derrick, pero sinigurado pa rin niyang deserve ng mga estudyante ang grade na binibigay niya. Nakakataba ng puso para sa kaniyang makita ang kasipagan ng mga estudyante sa subject niya. Hindi niya maiwasang pangarapin na ang ilan sa kanila ay magiging sikat na pintor, art historian, at marami pang ibang propesyong may kaugnayan sa sining. Pakiramdam niya hindi lang siya nagtuturo ng mga estudyante, nagpapalaki rin siya ng mga anak—na may kaniya-kaniyang mga pangarap at mithiin sa buhay na gustong abutin—na siyang pangarap din niya para sa kanila. Si Johnny naman sa kabilang banda ay abala rin sa kaniyang mga klase. Ngayon ay nasa architecture class siya, busy sa pagre-review para sa finals. Kunot noo niyang kinabisa Nang tumunog ang bell ay pumunta na siya sa canteen para kumain, at gaya ng inaasahan, nandoon din si Theodore, pero laking gulat niya nang makita niya rin doon si Denise, kumakain kasabay niya at nagtatawanan pa. Sandaling bumili si Johnny ng pagkain at nagtungo na rin sa kinauupuan ng dalawa. "Hi," sambit ni Johnny kay Denise muna, na sinagot din ng kaibigan. Naupo na siya sa tabi ni Theodore, katapat ni Denise at nagsimula na ring kumain. "Himalang sumabay ka sa amin, ha?" panimula ni Theodore. Napamaang naman si Johnny, "Lagi naman akong sumasabay sa inyo, ha?" "Anong lagi? Ngayon ka lang ulit sumabay sa amin. May problema ba?" "Wala naman, Theo," kibit-balikat na saad ni Johnny, halos walang emosyon sa kaniyang mukha. "Busy lang." "Sa bagay, palapit na rin ang finals," pagsali ni Denise. Sumang-ayon si Johnny. "At saka marami pang paper na pinapagawa iyung mga prof. Akala mo walang katapusan, eh." "Ngayon lang iyan," sabi ni Johnny habang ningunguya ang pagkain niya. Linunok niya muna ito bago magsalita muli, "Saka, pagtapos naman ng finals, back to normal na ang lahat." Tumango na lamang ang dalawa tapos nagpatuloy sa pagkain. "So, Johnny, uhm, have you already thought about, you know?" Mula sa pagkain niya ay inangat niya ang kaniyang mga mata upang katagpuin ang kay Theodore. Bahagyang kumunot ang noo niya, napatigil sandali, napaisip. "Talagang kukulitin mo talaga ako, ha?" Tumango na parang bata si Theodore. "Talaga! Ang galing kaya ng pinakita mo kahapon? Sayang naman kung hindi mo iyon gagamitin." "Oo na. Guess I'm gonna give it a try," malumanay niyang ngiti. Na-curious din kasi siya sa naturag sports. Napangiti rin si Theodore sa pagpayag ni Johnny. "Yes!" sabi niya, ang kaniyang mga kamay ay napatikom sa isang kamao. Natawa na lang si Johnny sa reaksyon ni Theodore. "Ang weird mo talaga minsan, Theodore. Tapusin na nga natin itong pagkain natin nang makabalik na tayo sa klase natin." "Yes, Master!" Gaya ng sinabi ni Johnny ay madali na nilang tinapos ang kanilang pagkain. Malapit na rin kasi mag-ring muli ang bell, signal na matatapos na ang recess. Nang magkagayon nga'y nagkapaalaman na sila at nagtungo sa kani-kanilang mga klase. Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong nila si Gerald. Ngumiti si Denise at kinawayan ang nobyo at saka nilingon ang dalawa, "Guys, una na pala kami ni Gerald, ha?" paalam niya tapos naglakad na siya papunta sa nobyo. "Sige," tango ni Theodore. "Ay, may liligawan din pala ako, Johnny. See you around, then?" paalam din ni Theodore sabay sibat upang lapitan ang isang dalagang hindi pamilyar sa kaniya. "Sige," ngiti ni Johnny. "Hay, sino na naman kaya ang nauto nitong mokong na ito?" bulong ni Johnny sa sarili habang naglalakad papunta sa architecture class. Nagpunta na siya sa architecture class, naupo, naghanda, at hinintay ang pagdating ng kanilang propesor. As usual, maingay pa rinang kanilang silid, puno ng mga boses ng nagkantiyawan at nagtatawanang mga kaklase niya. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang katabi at kaibigan niya sa klaseng ito. Nagdaldalan din sila, ang kanilang mahihinang boses ay nagkukubli sa ingay ng classroom. Gayon ang sitwasyon nila hanggang sa dumating si Professor Agoncillo at tumayo sa harapan. Isang hampas sa mesa lang at nakuha na niya ang atensyon ng lahat papunta sa harap. "Good afternoon, class," blangkong bati ni Prof. Agoncillo at bumati rin pabalik ang kaniyang mga estudyante. "Okay, please prepare your materials for our plates," utos niya habang may inaayos sa laptop niya. Tahimik na sinunod ng klase ang utos ng guro. Hinanda ni Johnny ang mga lapis, ruler, at iba pang kailangan niya sa gagawin. Matapos magbigay ng mga instructions ng propesor ay sinimulan na nila ang kanilang proyekto. Matapos ang isang oras ay kinolekta na ng propesor ang kanilang mga gawa ay pinalabas na sila ng room para sa susunod nilang klase. "Thank you, class. Goodbye," paalam ni Prof. Agoncillo. "Goodbye, Mam sexy," dinig pa ni Johnny mula sa likuran niya. Napailing na lang siya sa kakulitan ng mga kaklase "Watch your mouth, Mr. Hernan," matalim ang kaniyang titig sa mga mata ng estudyante, "if I were you, I would be careful with my words. Next time you repeat this, I'll put you on detention for catcalling, which is considered as harassment." Nanahimik ang estudyante, pati ang buong klase, sa tapang ng guro. "Hay," napabuntong-hininga na lang ang guro. "Let's just continue." Nagpatuloy ang kanilang klase matapos ang tagpong iyon. Gaya ng dati, lectures, templates. Nang matapos na nila ang mga gawain ay maaga silang pinadismiss ng propesor. "Uy, Johnny, nandiyan daw boyfriend mo," ani ng kaklase niya, "hinahanap ka daw." "Boyfriend?" kumunot ang noo ni Johnny sa pagtataka, ngunit hindi na lang niya pinansin iyon. Sa isip-isip niya ay baka nangtitrip lang ang kaibigan. "Ikaw, ha! BL pala ang peg niyo," pang-aasar ng mga kaklase niya. "Nantitrip lang iyon," sagot ni Johnny na walang ekspresyon. Nang maayos na ni Johnny ang kaniyang mga gamit ay lumabas na siya ng room, kunot-noo. At sa paglabas nga niya ng pintuan ay agad na tumambad sa kaniyang harapan si Theodore. "Hi," ngiting bati ng mokong, nakasandal sa may bintana. Nagkasalubong lalo ang mga kilay ni Johnny sa inis pagkakita sa kaibigan. "Loko ka!" ani niya. Nilapitan niya si Theodore at agad na kinurot ang tagiliran nito na nagpangiwi sa kaibigan. "Boyfriend ka diyan?!" pinandilatan ni Johnny si Theodore. "Bakit? Ayaw niyo? Swerte niyo ngang dalawa eh, ang pogi ng boyfriend niyo, may mha muscles pa na kaya kayong ipagtanggol! Saan pa kayo?" "Ewan ko sa iyo!" Ngiti lang ang binalik ni Theodore sa kaniya. "Eh, kinilig ka naman, eh," panunukso niya. "Baliw!" Tumawa si Theodore at umakbay kay Johnny. "Sige na, wag ka nang magalit," sabi ni Theodore na mukhang nakikipagbating bata, "libre na lang kita ngayon sa labas." "Bakit? Para saan na naman?" "Wala lang, kain lang. Gutom ako, eh." Pumayag na lang si Johnny kesa kulitin pa lalo ng kaibigan. "Yan ang gusto ko sa iyo," tumawa si Theodore at kinabig si Johnny palapit sa kaniya, "halika na, sunduin pa natin iyung isa ko pang girlfriend." Lumakad na sila sa pasilyo papunta sa klase ni Denise. Alam nilang patapos na rin ang klase nito kaya inabangan na nila ito roon. Naabutan nilang nagsisilabasan na rin ang mga estudyante sa business management class. Inabangan nilang lumabas si Denise para mayaya kumain. "Denise!" malalim at malakas ang boses ni Theodore na umalingawngaw sa koridor. Walang pakialam ang mga naglalakad na estudyante sa sumisigaw sa hallway. Sa bagay, ito ay isang kolehiyo, kung saan maraming kalokohan ang mae-encounter mo, kahit ilang beses pang sabihin at ipagyabang pa ng Dean kung gaano "kaayos" daw ang unibersidad. Hindi maiiwasan ang mga iyon, iba-iba naman ang personalidad ng bawat estudyante. Ilng sandali pa ay lumabas na rin si Denise sa classroom. Nakaakbay ang kaniyang nobyong si Gerald sa kaniya na parang prinoprotektahan siya. "May date din pala itong isa ko pang girlfriend," walang patumanggang anas ni Theodore. Hindi naman seloso itong si Gerald na boyfriend ni Denise kaya walang isyu kahit na ganoon ang asta ni Theodore sa harap nila. "Sayang naman, date sana tayo." "Baliw!" sabi ni Denise, tatawa-tawa pa. "Sige, una na kami sa inyo." "Sige. Enjoy your date!" ngiti ni Theodore, hinawi ang kaniyang buhok. "Tol," tinanguan din niya si Gerald. Tango rin ang binalik ni Gerald na may ngiti. "Bye, Johnny, Theo," sabi ng kumukupas na boses ni Denise habang papalayo sila ng boyfriend niya. "I guess, tayo na lang dalawa," sabi niya sabay lingon kay Johnny. Ningitian lang sjya nito. Nang mawala na sa paningin nila sina Denise ay lumabas na rin sila ng campus. Nagtungo sila sa sakayan ng jeep at doon nga ay sumakay sila papunta sa isang mall, si Johnny sa loob, si Theodore naman ay nakasabit sa likod. Nang makaupo na si Johnny sa loob ay tinext muna niya si Derrick na magmamall sila ni Theodore at hindi na sasabay sa kanya "Okay, baby. Mag-ingat ka pauwi," reply ni Derrick at tinago na ni Johnny ang cellphone niya sa bag niya. Maya-maya pa ay may bumaba nang pasahero kaya nakaupo na rin si Theodore sa loob. "Hindi mo pa sinasagot iyung tanong ko," panimula muli ni Johnny. "Pambawi sa pang-iiwan mo sa akin kahapon?" "Hindi." "May kailangan ka sa akin? Magpapatulong ka sa assignment?" "Hindi." "Nag-away kayo ni Stacy?" "Hindi. Ano ba? Ang dami mong tanong!" pagpuputol ni Theodore, "gusto ko lang makasama ang bestfriend ko!" Tumahimik na lang si Johnny. Ilang sandali lang at narating na nila ang mall. Bumaba muna si Theodore, saka sumunod si Johnny. Nang malapit na si Johnny sa pinto ay nilahad ni Theodore ang kaniyang kamay para sa kaniya upang alalayan siya. Ngumiti na lang si Johnny at hinahayaan ang kaibigan sa gusto nitong gawin, hinawakan rin ang kaniyang kamay at hinayaan siyang alalayan nito. "Thank you," ani Johnny, "talagang may pa-alalay ka pa, ha?" "Siyempre. Kapag may prinsesa, dapat may prinsipe," ani Theodore sabay kindat. Ngumiti lang si Johnny sa kakulitan ng kaibigan. "Loko ka talaga." Pumasok na sila sa mall at namasyal. Nag-imbita muna si Theodore na kumain, na hindi naman tinanggihan ni Johnny. Pumasok sila sa isang fastfood restaurant st umorder ng pagkain. Habang naghihintay ay walang humpay na kwentuhan ang kanilang pinagsaluhan habanh hinihintay ang kanilang order. Unang kinuwento ni Theodore ang mga nalaman niya tungkol kay Stacy—ang dalagang liniligawan niya na mula sa entrepreneurship class niya. Kung anu-ano ang mga kwento niyang paulit-ulit kay Johnny. Maganda raw siya, matalino, mabait, at marami pang bagay tungkol sa kaniya. Sunod niyang kinuwento ang kaniyang mga karanasan mula nang makasali siya sa soccer team ng university. Marami raw siyang naging kabarkada roon, at kwento pa niya ang mga kalokohan niya noong highschool. Napuno lang ng tawanan ang kanilang mesa hanggang sa tawagin na ang number nila. Nagpaalam at tumayo si Theodore para kunin ang order nila. "Here's your order," nilapag ni Theodore ang isang tray sa harap ni Johnny, saka nilapag rin ang isa sa mesa niya. "Thank you." Ngumiti si Theodore saka na umupo sa harap ni Johnny. Masayang kuwentuhan ang kanilang pinagsaluhan kasabay ng kanilang pagkain. Palakwento si Theodore kaya hindi sila nagkaroon ng dull moments. Palagi niyang napapatawa si Johnny sa mga biro niya't mga kwento tungkol sa panliligaw niya kay Stacy. "Oy, may isang naiinggit diyan," pambubuyo ni Theodore matapos niya ikuwento kung paano niya ligawan ang kaniyang nobya. Sandaling namula ang mga pisngi ni Johnny, "Oy, hindi ah!" pagtanggi niya. The rumble of Theodore laughter was both comforting and annoying at the same time as it bubbles in the air. "Don't worry, I'll also give you chocolates if you want some time. Hindi ba paborito mo rin iyon?" Nanahimik na lang si Johnny at pinagpatuloy ang pagkain. "Bakit? Wala namang masamang bigyan ng tsokolate ang kaibigan occasionally, hindi ba?" painosenteng tanong ni Theodore. Tumango na lang si Johnny saka pinagpatuloy ang pagkain. "Kailan pala magrerecruit ulit team niyo ng players?" biglang tanong ni Johnny. Bigla rin namang sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Theodore, maging ang kaniyang mga mata ay tila kumislap din. Matagal na niya kasing gustong isali si Johnny sa soccer team, bukod kasi sa gusto niya itong makasama roon bilang kaibigan niya ay kita niya rin ang galing niya noong minsang naglaro sila. "Talaga, Johnny? Sasali ka?" di makapaniwalang tanong ni Theodore. Tumango lang muli si Johnny, dahilan upang mapangiti si Theodore ng napakalaki. "Sige, sasabihan ko si Capt. Ako bahala sa iyo." Tinapos nila ang kanilang pagkain at namasyal ulit hanggang sa mapagod na sila. Nagpaalam na sila sa isa't isa tapos umuwi na sila at nagkahiwalay na ng landas. ~•~ Madilim na nang makauwi na si Johnny sa kanilang bahay na maliwanag at bukas ang bahay, pati ang tv. Nalanghap din niya ang mabangong amoy ng pagkain na sa tingin niya ay kakaluto pa lang. "Ikaw na ba iyan, anak?" dinig niyang tawag ni Derrick mula sa kusina. "Oho, Daddy," sagot niya habang nagtatanggal ng sapatos. "Bango ng ulam, Dad, ah!" "Malapit na rin naman ito maluto. Nagugutom ka na ba?" "Sakto lang. Napagod ako ngayong araw." "Okay, magbihis ka na para makakain na tayo ng hapunan," sabi ni Derrick habang nagluluto. Sinundan ni Derrick ng tingin si Johnny hanggang sa makaakyat siya sa itaas. Pag-akyat ni Johnny sa taas ay minadali na ni Derrick ang pagluluto para makakain na sila pagbaba niya. Maingat siyang nagsalin ng ulam at kanin sa mga plato at nilapag iyon sa mesa, kasama ang mga basong may tubig at mga kubyertos. Pagtapos niyang maihanda ang hapunan ay saktong bumaba na rin si Johnny, nakabihis na ng kaniyang pambahay. "Dinner's ready." Pagkarinig iyon mula sa amaay agad na dumiretso si Johnny sa kusina. Doon ay sinalubong agad siya ng mabangong amoy ng pagkaing hinain na ni Derrick sa mesa. "Bango naman niyan," hindi napigilang mapangiti ni Johnny. "Of course, only the best for my love of my life," ngiti ni Derrick. Hinalina ni Derrick si Johnny sa mesa ar pinagsilbihan ito ng pagkain gaya ng nakagawian niya. Ngumiti si Johnny bilang pasasalamat. Sunod niyang nilagyan ang kaniyang pinggan ng pagkain at saka umupo na rin sa kaniyang pwesto para kumain. Kasabay ng masarap na pagkain ay isang masayang kuwentuhan ang kanilang pinagsaluhan sa hapag. Katulad ng dati sy tungkol sa eskuwelahan at mga plano sa buhay ang kanilang mga pinagkuwentuhan. Nabanggit din ni Johnny na interes niya sa soccer at gusto niyang subukang sumali sa soccer team ng unibersidad kasama ni Theodore. "Are you sure? Baka masyado mo nang binibusy iyang sarili mo?" pag-aalala ni Derrick. "Susubukan ko lang po naman muna. Kung hindi ko nga talaga kaya ay hindi na rin po iyon itutuloy. Sabi niyo nga po ay mag-explore ako, hindi ba po?" "You're right. Basta hindi lang iyan nakakasagabal sq pag-aaral mo, at hindi mo papagurin ang sarili mo." Marami pa silang pinagkuwentuhan habang kumakain. Pagkatapos ng masayang hapunan ay tulungan muli sila sa pagliligpit bago pumunta sa kani-kanilang mga kuwarto upang magpahinga. ~•~ Kinabukasan matapos ang klase ay nakipagkita si Johnny kay Theodore sa soccer field katulad ng napag-usapan nila kanina. Doon nga ay nakita niya ang kaibigan kasama ang buong soccer team nila na nag-eensayo para sa papalapit na laro. Naupo muna sandali si Johnny sa bleacher para panoorin si Theodore, at ang soccer team, maglaro. Muli ay namangha na naman siya sa pinakitang galing ng kaibigan sa field, maging ang mga kasamahan ni Theodore ay mamamangha rin sa galing niya. "Dali mo talagang turuan, Rivero," dinig ni Johnny na puri ng siguro'y coach nila. "Thanks po, Coach," sagot ni Theodore, ngiti'y malaki at nagniningning. Sa kabilang gilid ng stadium ay nakaupo ang isang kumpol ng nga dalaga na hangang-hanga sa mga manlalarong sinusuportahan nila. Napangiti si Johnny nang makits at marinig niya ang mga tilian nila, kaniya-kaniyang puri sa mga lalaking sinusuportahan nila. Patuloy pa silang nag-ensayo. Pinanood muli ni Johnny ang pagpapasahan nila ng bola sa field. Manghang-mangha rin siya sa galing nila mag-handle ng bola sa kanilang nga paa habang tumatakbo paroo't parito sa berdeng field. Ilang sandali pa at natapos na rin sila mag-ensayo. Tinawag ng captain nila ang lahat ng mga kakampi niya para sa isang huddle nang mapag-usapan nila ang mga estratehiya o plano nila sa paparating na laro. "Ay, Capt., may gusto pala akong i-recruit sa team natin," sabi bigla ni Theodore. "Really? Who's it? Is he good?" sunod-sunod namang tanong ng kapitan nilang si Jericho kay Theo. Isang ngiti ang sinagot ni Theodore sa kapitan nila. Inangat niya ang kaniyang ulo at nilingon si Johnny na nakaupo sa bleachers. Sinenyasan niya itong lumapit sa kanila, at siyang ginawa rin ni Johnny. Pagkalapit ni Johnny sa kaibigan ay hinawakan ni Theodore ang kamay nito. Nakangiti niyang prinisenta ang kaibigan sa buong team, may tumanggap sa kania ng may ngiti, mayroon din mga skeptic dahil payat siya at baka hindi niya kayang makipagsabayan sa kanila. "Guys, this is my friend, Johnny, here," ani Theodore ng may ngiti, "I know he may not seem like it but he's pretty good, I assure you. Naglaro na rin kami dati and I'm also surprise that though it was his first time playing, he's got some skills to show off, but of course, I'm still better," pagmamayabang ni Theodore sa kaibigan nito sa buong team. Habang ang iba'y nanatiling nakatingin sa kaniya ay una nang lumapit si Jericho at inilahad ang kamay kay Johnny. "Nice to meet you, Johnny. I'm Jericho Versoza, but you can call me Kuya Jeric. I'm the team captain." Johnny smiled back shyly as he takes Jericho's hand. "Nice to meet you too. I'm Juanito Hale, pero you can call me Johnny." Dama ni Johnny ang higpit at gaspang ng kamay ni Jericho habang magkakamay sila, malaking pagkakaiba sa kaniyang malambot at maliit na kamay. "Hi," paisa-isa nilang bati, ang iba'y nakangiti samantalang ang iba nama'y walang ekspresyon ang mukha, yung parang normal lang. Namangha si Johnny sa laki at ganda ng mga katawan ng karamihan sa kanila, ang iba nama'y kasingkatawan niya lang, pero di hamak na mga guwapo rin. Hindi roon tinuon ni Johnny ang kaniyang atensiyon, at pasimpleng hindi pinahalata ang kaniyang paghanga, ngunit sadyang may mga malakas talaga ang pakiramdam sa kanila at nakita agad ang totoong kulay ng bagong dating. Matapos magpakilala ay inimbitahan ni Jericho si Johnny sa field para matignan kung gaano ito kagaling. "Alright, Johnny. Show us what you got!" hamon ni Jericho at sinipa niya papunta kay Johnny ang bola. Saktong lumanding iyon sa paanan ni Johnny, at nang magkagayon nga'y biglang nakaramdam si Johnny ng pressure. Oo, baka nakasabay lang siya kay Theodore noong isang beses silang naglaro, ngunit ngayon, isang buong soccer team ang kalaro niya. Pansin naman ni Jericho ang kaba kay Johnny kaya ningitian niya ito. "It's alright. Ipakita mo lang kung ano ang kaya mo. We won't judge." Kinakabahan man, sinubukan ni Johnny isipa ang bola pabalik kay Jericho, sinipa rin ni Jericho iyung bola pabalik kay Johnny muli. Maayos na sinipa ni Johnny ang bola pabalik sa mga players saka kay Theodore, saka na sila nagsimulang maglaro at magkalat sa field. Manghang-mangha si Jericho nang makitang kaya ni Johnny makipagsabayan sa kanila. Nasasalo miyang bola, kahit paminsan-minsan ay hindi. Pansin din niya na maayos niyang nasisipa ang bola papunta sa mga kakampi, sakto ang lakas at layo para mapunta sa kanila. "Nice pass!" Dahil sa mga papuri ng mga kapwa manlalaro ay mas lalong ginanahan si Johnny makipaglaro. Nakipagsabayan din si Theodore sa kaniya, sinubukan agawin ang bola ngunit mabilis na nakailag si Johnny at naipasa agad kay Jericho ang bola, na siyang sinipa sa goal, na saktong pasok. "Whoa! That was something," komento ni Austin, hangang-hanga sa pinakitang husay ni Johnny. Maging si Jericho ay napahanga rin sa pinakita ni Johnny. Mula sa goal ay lumipat ang kaniyang mga mata sa binatang bagong dating lang. Makikita ang isang ngiti sa nakaawang niyang bibig, maging ang mga mata ay tila kumikislap habang nakapukaw ang kaniyang atensiyon kay Johnny. "That's so awesome!" Lumapit si Jericho kau Johnny, "Have you been playing soccer for some time? You really did well. I'm honestly impressed." Umiling si Johnny. "Hindi po. Ngayon ko lang ito nasubukan." "Really?" hindi makapaniwala si Jericho sa sinabi ni Johnny, "this is your first time?" Tumango lang si Johnny. "Whoa! That's unbelievable!" napangiti si Johnny na parang nahihiyang bata habang pinupuri ni Jericho, maging si Theodore ay proud na proud rin sa kaibigan. "Thank you." Matapos ang ensayo nila ay sandaling nagpahinga muna sila. Ang iba'y nagpaalam nang uuwi at magpapahinga. Tinignan ni Johnny ang kaniyang relo, dapit hapon na pala. Sandaling nagpahinga muna si Johnny at nang nakabawi na ng lakas ay inayos na niya ang kaniyang mga gamit. "Uuwi ka na, Johnny?" Tinanguan ni Johnny si Theodore. "Baka kasi hinahanap na ako ni Dad sa bahay, eh." "Ah, oo nga pala. Sige." "Johnny!" habang naglalakad si Johnny ay tinawag siya ni Jericho. Napahinto siya at nilingon ang lalaki sa likod at tinignan ito. "By the way, are you interested in joining the soccer team? We really need some new players now." Sandaling napaisip si Johnny sa suhestiyon ni Jericho. "But, we weren't forcing you though, if you're—" "I'll join." Nabigla man sina Theodore at Jericho ay napangiti rin sila sa sinabi ni Johnny. Inabot ni Jericho ang kaniyang kamay kay Johnny at kinuha naman ng huli. Nagkamayan sila at pansin ni Johnny ang paghigpit ng kamay nito. "That's great! You're accepted sa team," sabi ni Jericho nang nakangiti kay Johnny. Laking tuwa nina Theodore at Johnny nang matanggap siya ni Jericho sa soccer team nila. Matapos ang practice ay nagbigay si Jericho ng mga instructions at announcement sa kaniyang soccer team, inayos din niya sa kanilang coach ang pagsali ni Johnny. Matapos ang practice ay nagkaniya-kaniya na silang ayos sa mga gamit nila para makauwi na. Nagkaimbitahan naman ang iba na gumala. Ang mga kaibigan din ni Theodore ay nagpasya ring mamasyal bago umuwi. Sinama nila si Johnny na hindi naman tumanggi sa kanila. Habang nasa mall pagala-gala ay kung anu-ano ang tinanong ng mga kasamahan nila kay Johnny, lalo na nang mga kaibigan ni Theodore. Si Theodore naman ay as usual na nakaakbay kay Johnny. "Anong course mo pala, Johnny?" tanong ni Neon. "Architecture." "Ah, siguro ang galing mo sa math, ano?" "Sobra!" si Theodore ang sumagot, "mas magaling pa iyan sa calculator!" "Grabe naman iyon?!" gulat na gulat sila sa sinabi ni Theodore. Maging si Johnny ay natawa sa mga sinasabi ng kaibigan. "Grabe ka naman sa akin," ngiti ni Johnny. "Totoo naman, ah. Kahit anong ipa-solve sa iyo ay nasasagutan mo ng tama! Kahit pagbaliktarin pa ang lahat ng variable at exponent ay nakukuha mo pa rin ang tamang sagot." "Grabe ka naman pala, Johnny," papuri ni Neon. "Hindi naman." Nag-ikot pa sila sa mall at bumili ng kung anu-ano. Kumain ulit sila at nagkwentuhan tungkol sa mga kalokohan nila noong highschool at mga balak pa nilang gawin ngayong college. Nagpayabangan din sa kung ang mas maraming naging girlfriend, kung sino ang mas magaling sa soccer, kung sino ang mas matalino. Nakitawa lang ng tahimik si Johnny sa tabi ni Theodore. Nang mabusog na sila ay nagkapaalaman na sila isa-isa hanggang sa sina Theodore at Johnny na lang ang natira. Nag-ring na rin ang cellphone ni Johnny at nang makita niya ang caller id ay si Derrick pala. "Teka lang. Natawag si dad. Sagutin ko lang." "Naku, pinapauwi ka na rin ni Tito Derrick," may bahid ng lungkot ang boses ni Theodore sa likod ng ngiti niya. "Sige na. Uuwi na rin ako't baka hinahanap na ako ni mama. Paniguradong katakot-takot na talak na naman ang aabutin ko sa bahay." "Sige." Nang lumayo na si Theodore ay kinawayan niya ito hanggang mawala siya sa paningin. Saka niya kinuha muli ang kanilang cellphone upang sagutin ang tawag. "Opo, pauwi na ako, Dad." "Sige, ingat ka, anak. Love you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD