WALA ng inaksaya pang oras si Zenaida. Mabilis niyang hinubaran si Angelo at tanging itim na underwear lamang ang kanyang itinira, pagkatapos ay naghubad na rin siya at tanging pang-ibabaw at pang-ibaba lamang ang kanyang iniwan. Ilang sandali pa ay tumabi na siya rito sa kama. Punong-puno ng katanungan ng kanyang isipan. Hindi niya nalaman kung bakit hindi man lang ito nagpakita sa kanyang kapatid ng mamatay ito. Kahit ang magluksa ay wala siyang nakikita kay Angelo.
Ano ang itinatago ng mga Villarin?
******************
MASAKIT ang ulo ni Angelo nang magising siya kinabukasan pero ang lalong nagpasakit sa kanyang ulo nang may nakita siyang babae sa kama na nakayakap sa kanya. Isa pa sa ikinagulat niya ay dahil wala siya sa kanilang bahay. Dahan-dahan siyang gumalaw upang makita kung sino ang babaeng kasama niya.
Pinagmasdan niya ang babaeng katabi niya sa kama, maganda ito at maamo ang mukha kahit na mahimbing na natutulog. He couldn't help but stare at the woman because of the beauty he saw in her angelic face. Her skin was also incredibly smooth, making her even more captivating. Tila kay sarap nitong pagmasdan habang natutulog. Palagi naman siyang umiinom ng alak pero iba ang tama sa kanya ng alak na nainom kagabi, hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo niya. Siguro dahil marami siyang iniisip nitong mga nakaraang araw kung kaya madali siyang nalasing. Maliban sa panloob na damit ng babaeng kanyang katabi ngayon ay wala na itong damit at kahit siya ay underwear lamang ang natira. Mukhang may nangyari sa kanilang dalawa ng babae at dahil lasing nalasing siya ay wala siyang maalala. Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi hanggang sa naalala niya na ang babaeng katabi niya ngayon ay ang nakilala niya sa bar na ang pangalan ay Zen, naayon dito ay isang balikbayan. Inalis niya ang mga kamay ng babae na nakapulupot sa kanyang bewang pero bago niya pa nagawa iyon ay nagising na ito.
“Good morning,” bati sa kanya ng babae, maging ang boses nito ay napakaganda pakinggan kaya nga siguro nilapitan niya ito kagabi dahil kaagad nitong nakuha ang kanyang atensyon.
“Good morning,” sagot ng walang maalala kung may nangyari ba talaga sa kanila kagabi. Isa
pa wala naman siyang pakialam kung may nangyari nga sa kanilang dalawa isa pa galing si Zen sa ibang bansa tiyak na liberated ito at mula sa mga ganitong bagay. “Hindi ko alam na dito pala ako nakatulog and i think ito ang bahay mo.
“I was so drunk that I can’t even remember what happened last night—I didn’t even make it home.”
“You told me that you didn’t want to go home and asked if I could just take you to my place, that’s why I brought you here,” sagot nito kaya tumango siya.
“Ahhhm may nangyari ba sa atin?” tanong niya pa.
“Mukhang wala kang naalala kagabi. Kung may nangyari man sa ating dalawa mukhang hindi mo na kailangan malaman dahil wala ka namang maalala. Huwag kang mag-alala dahil ginusto ko naman ang lahat,” sagot sa kanya ni Zen, sabay bangon ng kama nagsuot ng robe. Napatitig na lamang siya sa mga babae, iba-iba ito sa mga nakakasama niya. Nasasanay siya na kapag may nakakasama siya ay naghahabol sa kanya pero ang babaeng ito ay tila walang pakialam sa nangyari sa kanila kagabi----kung meron man.
"Pasensya ka na talaga pero wala talaga akong maalala kagabi. Lasing na lasing ako."
"It's okay lang naman. Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko sayo. Kung ano man ang nangyari kagabi ay ginusto ko iyon. No string attached."
Bumangon siya ng kama at hinanap ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig.
"Coffee?" tanong ni Zen sa kanya.
"Yes, please. Sobrang sakit ng ulo ko."
Hindi siya sinagot ng babae at lumabas lamang ito ng kwarto. Pinagmasdan niya ito at hindi niya mapigilan ang hindi magka-interest kay Zen.
Pantalon lamang ang kanyang isinuot pagkatapos ay sumunod siya sa babae. He wants to get to know her better; besides, it seems that the girl likes him too.
Nadatnan niya itong gumagawa ng kape sa coffee maker. He admits that she looks hot and attractive with her fair skin—it's just that she's serious.
"Siguro naman hindi ito ang huling pagkikita natin," wika niya pa sa babae kung kaya napalingon ito sa kanya.
"Depende na lang 'yan kung paano mo ako tatratuhin---- Mr?????
"Angelo. Call me Angelo."
"Angelo. Sorry, nakalimutan ko ang pangalan mo. Siguro dahil na rin sa kalasingan, mabuti na lang at kaya ko pang dalhin ang sarili ko kaya nakauwi pa tayo dito ng buhay."
"I think so too; besides, it seems like you have a high tolerance."
It's not that—I just know how to control myself. Besides, alam ko kung kailan ako dapat tumigil," sagot pa nitong inabot ang tasa ng kape sa kanya. "Inumin mo para mawala ang sakit ng ulo mo. Pasensya ka na at wala akong maiaalok na almusal sayo, hindi kasi ako sanay na kumakain sa umaga."
"It's okay. Nakakahiya naman, nakitulog na nga ako ay makikikain pa."
"Maliit na bagay... Ang kotse mo pala ay nasa garahe. Pinakuha ko kagabi sa kaibigan ko."
"Thank you. Are you free tonignt? How about dinner? Para naman makabawi ako sayo," ani niyang umaasa na baka pumayag ito.
"I'm not sure kung wala akong lakad mamaya," sagot nito kung kaya nanghinayang siya.
"Ibibigay ko sayo ang number ko, call me."
"Bakit? Wala ka bang trabaho?" tanong ni Zen sa kanya.
"I'm a businessman. Hawak ko ang oras ko at kahit kailan ko gusto pwede akong umalis."
"Oh, I see. Mabuti naman kung ganun. Sige, give me your number. Tatawagin kita kung hindi ako busy."
Napangiti siya at agad na binigay ang number sa babae.
"Siguro naman ay walang magagalit sa akin kapag niyaya kitang lumabas?" tanong niya.
"Hindi ako ganun. Kung taken ako ay wala ka ngayon dito," sagot pa sa kanya ni Zen kung kaya napangiti siya. "Baka ikaw?"
"Ako? I'm single for four months," sagot niya kung kaya napatitig ang kaharap. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiti. Hinigop niya ang kape sa kanyang tasa. Alam niyang hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi.
"Seryoso?" bulalas pa nito. "Ikaw, walang girlfriend? At four months pa? Unbelievable!"
"Oo nga!"
"Ang hirap naman yatang paniwalaan yan!"
"Bakit mukha ba akong playboy?" tanong niyang lumapit sa babae. Napasandal na ito sa counter ng kusina. "Alam mo kung ano ang pinanghihinayangan ko?"
"W--hat?" nabubulol na tanong sa kanya ni Zen dahil sa lapit nila sa isat-isa. Alam niyang naaapektuhan na ito sa kanyang presensya at wala pang babae ang nakakatanggi sa kanya at alam niyang tulad si Zen ng mga babaeng yun. Napatitig siya sa mga labi nito. Ang natural na pula ng mga labi nito ay tila napakalaking tukso----natutukso siyang halikan ang mga yun. Gusto niyang siilin ito ng halik hanggang sa pareho sila manabik sa isat-isa.