Maagang dumating si Angelo sa bahay ni Zen dala ang isang maliit na bouquet ng bulaklak at dalawang paper bag mula sa isang kilalang café. Suot nito ang simpleng polo at dark jeans—pero kahit simple ang bihis, hindi maitatanggi ang karisma nito kaya naman kung minsan ay natitigilan siya pero pilit niyang ibinabaling sa iba ang kanyang atensyon. Kaaway niya si Angelo. Iyon ang dapat niyang itatak sa kanyang isipan.
Nakangiti na tumingin siya sa lalaki nang papasukin niya ito.
“Good morning,” bati ni Angelo, sabay abot ng bulaklak sa kanya. Bahagyang inamoy niya ang ibinigay na bulalak ng lalaki. Nabigla pa siya nang halikan siya sa pisngi ng lalaki.
Napatingin si Zenaida, bahagyang natigilan. Hindi siya sanay sa mga bulaklak na may kasamang ngiti. Hindi siya sanay mahalikan ng lalaki habang may galit sa puso. Pero pinilit niyang ngumiti at tinanggap ang bulaklak na akala mo ay nagustuhan niya.
“Anong meron at may dala ka pang almusal?”
“Na-miss kita. Kaya naisip kong dalawin ka.”
Hindi niya alam kung totoo ang nararamdaman ng lalaki o bahagi lang ito ng pagiging charming nito pero isang bagay ang malinaw sa kanya mabilis kung kumilos si Angelo, parang hindi takot mapahiya. Magaling ito pagdating sa babae. Hindi tulad ng ibang lalaki na maghihintay ng senyales o signal mula sa babae pero mabuti na rin yun. Ito ang kailangan niya. Ang kanyang plano.
Pinaghandaan ni Zenaida ang pagdating ni Angelo, kahit hindi niya aaminin. Malinis ang sala, naglagay ng mga bagong scent diffuser, at nakapambahay siyang silk na robe na may manipis na panloob tamang-tama lang upang magmukhang hindi sinasadya, pero sadyang kaakit-akit. Ang mga mata ni Angelo ay kanina pa napapatingin sa kanyang makurbang katawan.
Umupo sila sa mesa habang nagkakape. Nagkwekwentuhan habang nagkakape. Ngunit habang tumatagal, napapansin ni Zen na mas tumitindi ang pagtitig ni Angelo. Hindi lang ito simpleng tingin ito’y mata ng isang lalaking gusto kang angkinin, mata ng isang lalaking sanay na sa babae, at bihirang tanggihan. Aminado siyang naiilang siya.
Natigilan si Zen nang tumayo si Angelo mula sa kinauupuan at lumapit kay Zenaida. Walang sabi-sabi at walang babala. Hinawakan niya ang mukha ng babae—marahan, parang sinasalat ang isang bagay na ayaw niyang mabasag—at hinalikan siya.
Nabigla si Zenaida.
Nanigas ang kanyang katawan. Hindi siya makagalaw. Gusto niyang tumanggi, umiwas, igalaw ang kanyang ulo pero hindi niya magawa. Napapalunok siya… Parang may humawak sa kanyang mga paa at tinanggal ang lakas niya. Ang halik ni Angelo ay hindi bastos, hindi rin pilit, pero may lalim. May intensyong hindi lang panandalian. Pakirammdam niya ay inaakit siya.
“Zen, ano ka ba! Huwag kang magpadala. Ito ay laro. Laro lang ‘to. Wala kang karapatang maramdaman ang nararamdaman mong yan!” sigaw ng kanyang isipan.
Pero sa bawat segundo ng halik, nararamdaman niya ang init. At sa init na iyon, alam niyang unti-unting bumibigay ang puso niya at iyon ang pinaka-delikado.
Pagkatapos ng ilang segundo, dahan-dahang umatras si Angelo at pinutol ang halik na namagitan sa kanilang dalawa…Nakatingin ito sa kanya, tila hinihintay kong ano ang kanyang magiging reaksyon.
“Sorry,” bulong ni Angelo, “Hindi ko napigilan. Ang hirap mo kasing hindi halikan. Para kang pagkain na mahirap pigilan tikman,” ani pa nito na nakatingin sa kanyang mapulang labi. Napalunok si Zen. Ang t***k ng kanyang puso ay bumilis. Samut-sari ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
Hindi agad nakapagsalita si Zenaida. Ramdam niyang namumula ang kanyang pisngi. Gusto niyang saktan ito, itulak, sabihing hindi siya ganoon kadali but she needed to play this right.
Kung kailangang gamitin niya ang sarili niyang katawan at damdamin para makuha ang loob ni Angelo… gagawin niya.
Hindi dahil gusto niya, kundi dahil kailangan.
Ngumiti siya sa lalaki. Gusto niyang sabihin dito na halik lang yun pero hindi niya masabi.
“Kailangan mo akong mahalin, Angelo. Kailangan mo akong pagkatiwalaan. At kapag dumating ang araw na buo na ang tiwala mo sa akin, doon mo maririnig ang tanong na ayaw mong marinig…Kung paano namatay si Lyka at kung sino ang pumatay sa kanya.”
Ngunit sa kanyang puso, hindi rin niya maitanggi—
“Bakit parang sa halik mo, ako ang nauupos?”
Hindi na pinauwi ni Zen si Angelo. Tinulungan siya nitong maglinis ng bahay habang nakikipagkwentuhan sa kanya. Akala niya ay uuwi na ito ng hapon pero niyaya siya nitong manood ng isang late-night show sa isang private cinema lounge ng isa sa mga upscale hotels sa Makati—isang lugar na tanging mga elite lamang ang nakaka-access.
Tahimik si Zenaida habang sakay sila ng kotse. Naalaa niya naman ang halik na namagitan sa kanilang dalawa kaninang umaga…Ramdam niya pa rin sa labi niya ang bigat ng halik na iyon at ngayon, habang papunta sila sa panibagong lugar, para bang mas lalo siyang natatali sa isang sitwasyong dapat ay kontrolado niya.
“Kalma ka lang, Zen,” bulong niya sa sarili. “Alam mo kung bakit ka nandito. Huwag mong kalimutang laro lang ito. Kasama ito sa mga plano mo!
Pero habang tumatagal si Angelo sa tabi niya, mas mahirap tanggapin na laro lang ang lahat. Lalo na kapag ang “kalaban” ay tila kilalang-kilala ang puso niyang siya mismo ay hindi lubusang maunawaan.
Pagdating nila ng sinehan ay halos kaasimula lamang ng palabas... Madilim sa loob ng sinehan at tanging ilaw mula sa malaking screen ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Konti lang ang tao at tila may kanya-kanyang mundo ang mga nanonood.
Magkakatabi sila ni Angelo sa pinakalikod na row. Wala pang kalahating oras ang lumilipas mula nang magsimula ang pelikula, pero ang atensyon ni Angelo ay tila hindi sa screen nakatutok kundi sa kanya.
Una, bahagyang humawak ang kamay nito sa kanyang palad nang hindi nagpapaalam. Hindi nakatanggi si Zen. Isang marahang pagdampi lang ng mga daliri. Ramdam ni Zenaida ang kuryente. Napatingin siya rito, ngunit wala itong sinabi—bagkus, dahan-dahang pinisil ang kamay niya ng lalaki.
“Bakit ganito?” bulong ni Angelo, halos hindi marinig sa lakas ng sound system. “Bakit pakiramdam ko, kilala na kita noon pa man?”
Napakunot ang noo ni Zenaida. Bahagyang kinabahan.
“Anong ibig mong sabihin?” mahina niyang sagot.
“Parang may parte ka ng pagkatao ko na matagal nang nawawala. Parang… malapit ka sa puso ko sa paraang hindi ko maipaliwanag.”
Nanuyo ang lalamunan ni Zenaida. Gusto niyang iwasan ang tingin nito. Gusto niyang humiwalay ng bahagya. Ang umiwas. Pero ang mga salitang iyon ay tila pako sa dibdib niya, dahil sa kabila ng lahat, may isang bahagi ng kanyang puso ang unti-unting kumakalas sa kanyang plano.
“Angelo…” mahina niyang sambit, pilit nilalabanan ang init na bumabalot sa pagitan nila.
“Wala akong intensyong pilitin ka,” bulong nito. “Pero hindi ko mapigilan. Ikaw ang gusto kong makita. Ikaw ang gusto kong makasama. At kung totoo ‘tong nararamdaman ko bakit ko pipigilan? Bakit ko patatagalin?”
At bago pa man siya makapagsalita, dahan-dahang lumapit si Angelo. Sa dilim ng sinehan at mga eksena sa pelikula, muling nagtagpo ang kanilang mga labi.
Wala sa plano ni Zenaida ang sagutin ang halik ng lalaki. Wala sa plano niyang ipikit ang mga mata kundi damhin ang mainit na labi ng isang lalaking dapat ay ginagamit lang niya. Pero ginagawa niya ito. Hinayaan niya si Angelo na angkinin ang kanyang labi.
Sa unang segundo, tila may pagtutol pa. Pero habang lumalalim ang halik, habang dumarampi ang palad ni Angelo sa kanyang pisngi, leeg, balikat… nagwawagi ang damdamin sa gitna ng kanyang misyon.
Pinilit niyang bumitaw, huminga, at pilit na inilihis ang tingin.
“Angelo, this is not right,” mahinang usal niya.
Pero hinawakan siya ni Angelo sa pisngi at binulong.
“Walang dapat at hindi dapat kapag totoo ang nararamdaman.”
"Lyka... kung naririnig mo ako ngayon, patawad. Hindi ko sinasadyang mahulog. Pero kailangan ko pa ring ituloy ito. Para sa’yo. Para sa hustisya mo.
Muling nasundan ang mainit na halik ang namagitan sa kanilang dalawa. Mas matagal at mapangahas pero bago pa malunod sa kumunoy si Zen ay pinigilan niya na si Angelo. Hindi pwedeng maangkin siya ng lalaki baka sa huli ay hindi niya na nakamit ang hustisya para sa kapatid niya at masasama pa pati ang kanyang puso.