CHAPTER SIX

1708 Words
SUNOD-sunod ang paghinga ni Zen. Nakatingin siya ngayon sa salamin ng isang mamahaling hotel suite, suot ang isang pulang silk na bestida na hapit sa kanyang katawan, eksaktong tumatama sa bawat kurbada. Nakacheck in siya ng mga oras na iyon sa hotel dahil may mga kausap siyang kaibigan na pwedeng makatulong sa kanya.. Isa siyang dyosa ng gabing iyon. Hindi ito ang karaniwang siya pero ngayong gabi, kailangan niyang maging Zen—ang babaeng misteryosa, kaakit-akit, at sapat para paglaruan ang damdamin ng isang Angelo Villarin. “Kung gusto kong makuha ang tiwala niya, kailangan niyang mahulog sa akin,” bulong niya sa sarili habang inaayos ang lipstick. Hindi siya nagpunta sa Pilipinas para makipaglaro ng damdamin. Pero ngayong naamoy na niya ang bahid ng kasinungalingan sa paligid ng pagkamatay ni Lyka, alam niyang ang tanging paraan upang makalapit sa katotohanan ay ang dumaan mismo sa taong pinaghihinalaan niya, si Angelo. Sigurado siyang may alam ito. Tila wala itong pakialam sa mga nangyayari o sa madaling salita, madali lang talaga itong magtago. Sa isang kilalang rooftop restaurant sa Maynila ay dahan-dahang pumarada ang itim na kotse ni Angelo. Bumaba ito at binuksan ang pinto para kay Zenaida. Hawak nito ang kanyang kamay habang inaalalayan siyang bumaba. “You look stunning,” bulong ni Angelo habang nakatitig sa kanya. “Napakaganda mo.” “Thanks. Ikaw rin naman,” sagot ni Zenaida sabay ngiti—isang ngiting may lihim na plano. Maganda ang tanawin sa taas ng gusali. Mula sa kinaroroonan nila, kita ang ilaw ng buong Maynila, ang mga kotse sa kalsada, at ang malawak na langit. Sa isang sulok ng restaurant, may reserved table para sa kanilang dalawa, candles, red wine, jazz music sa background. Perfect setting para sa isang romantic evening na pinaghandaan talaga ni Angelo. Ngunit para kay Zenaida, ito'y laro. Pinagmamasdan ni Zenaida si Angelo habang nagsasalita ito tungkol sa mga travel niya sa ibang bansa, tungkol sa mga kaibigan nito at kung paano niya gustong mag-relax ngayong tapos na ang ilang business deal. Wala siyang makuhang impormasyon mula sa lalaki. Tumawa siya sa mga kwento nito. Puro papuri ang mga sinasabi nito…Nilalaro niya ang buhok, nakatitig sa mga mata ng lalaki, tila buong atensyon niya'y nakatuon dito kahit ang totoo, bawat galaw ni Angelo ay iniimbestigahan niya at pinag-aaralan niya. “So…” sabay hawak niya sa wine glass, “You mentioned kanina na galing ka sa long-term relationship? With someone serious?” Biglang nanahimik si Angelo. Tumawa ito nang pilit, sabay ininom ang wine na nasa harapan ito. Bigla itong naging mailap sa naging tanong niya. “Let’s not talk about the past,” sagot nito. “Mas masarap kung ikaw ang pinag-uusapan natin ngayong gabi.” Hindi siya nagpakita ng pagkadismaya, pero sa loob-loob niya, isa na namang tanong ang iniwasan nito na nagpapadagdag sa kanyang hinala. Pagkatapos nilang kumain ay minabuti nilang lumabas ng restaurant at maglakad-lakad…. Magkadikit ang kanilang mga braso habang naglalakad.. Naramdaman ni Zenaida ang mainit na palad ni Angelo na kusa nang humawak sa kanya. “Gusto kong malaman kung sino ka talaga, Zen,” ani Angelo. “Gusto pa kitang makila ng lubusan.” “I already told you, diba?” sagot niya, kunwari ay inosente. “Balikbayan. Single. Curious. Mahilig sa gabi, siguro dahil sa jet lag… At ngayon, kasama mo.” “How about your family? Nandito ba sila o nasa America?” “Lahat sila ay nasa America na.” “I see.” Napangiti siya at tumingin sa mga mata nito. “Pareho lang tayo, Angelo. Pareho tayong maraming hindi sinasabi sa isat-isa pero sa tingin mo ba mahalaga yun?” Hindi umimik si Angelo. Sa halip, bahagya nitong hinila ang kamay niya at inakbayan siya habang naglalakad. Tila sapat na ang presensiya ni Zen para makalimot siya—sa stress, sa gulo ng pamilya, sa multo ng nakaraan. Pero para kay Zenaida, walang nakakalimot. Lalo na kung namatay ang kapatid mong hindi man lang nabigyan ng hustisya. Habang nasa sasakyan ay tahimik silang dalawa at nakikinig lamang sa music mula sa radio ng sasakyan ni Angelo pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya. Si Zenaida naman ay tila walang pakialam—pero sa isipan niya, unti-unti na siyang pumapasok sa mundo ng lalaking ito. "Pagkatapos ng ilang araw pa… magiging komportable na siya sa akin. Magtitiwala siya. At kapag nakuha ko ang tiwala niya... doon na magsisimula ang totoong laro," wika ni Zen sa kanyang sarili.. Nang ihatid siya ni Angelo sa hotel kung saan siya nakacheck in ay saglit silang natigilan sa labas ng pinto ng kanyang suite. “Thanks for tonight,” ani Zenaida, habang hawak pa rin nito ang kanyang kamay. “Gusto ko pang maulit ito,” sagot ni Angelo, dahan-dahang hinaplos ang kanyang pisngi. Napakagat-labi si Zenaida at tumango, saka bumulong. “You’ll see more of me, Angelo. Marami pa akong kwento. Pero dapat handa ka,” sagot niyang kininditan ang lalaki… At saka siya pumasok sa kanyang silid, iniwang si Angelo na tila hindi sigurado kung anong ibig sabihin ng mga huling salita niya. Pabagsak na naupo si Zen sa malaking kama. Naiinis siya sa sarili niya dahil napakatagal ng iniisip niyang plano. Hindi pala ganun kadali ang lahat. "Konti na lang… konti na lang, Lyka. Makukuha ko ang loob ng lalaking ‘yan. At sa sandaling buo na ang tiwala niya sa akin… saka ko sisimulan ang paghuhukay sa bangkay ng katotohanan." Walang makakapigil sa kanya. KINABUKASAN maaga pa lang ay gising na si Zenaida. Nasa loob siya ngayon ng isang private café sa loob ng isang condominium sa BGC. Nakaupo siya sa isang sulok ng coffee shop habang kaharap si Harry, ang matagal na niyang kaibigan at kasabwat sa personal niyang misyon. Si Harry ay isang dating investigative journalist, sanay sa mga lihim, sanay sa pagbutas ng mga pekeng pagkatao at higit sa lahat, sanay sa sistema ng mayayaman at makapangyarihan. Sa kanilang mesa ay may laptop na nakabukas, at sa screen nito, makikita ang mga larawan ng ilang miyembro ng pamilya Villarin—lalo na si Alejandro Villarin, ang ama ni Angelo na kilala hindi lang sa negosyo kundi sa mga bulung-bulungan ng underground politics at dirty business deals. “Zenaida…” panimula ni Harry habang inilapag ang kape. “Gusto mong malaman kung gaano kadelikado ang pamilya ng Villarin at kung gaano sila makapangyarihan?” Tahimik si Zenaida, nakatingin lang sa screen. Hinawakan niya ang tasa ng kape, humigop, saka tumango. “Kailangan ko. Ayokong pumasok sa gera nang hindi ko alam kung sino ang kalaban.” Harry leaned forward, marahan ang pagkakasabi. “Ang pamilya Villarin ay hindi lang basta mayaman. Hindi lang basta kilala. Kinakatakutan sila.” Nagbukas si Harry ng isang PDF file mula sa isang secured drive. Dito, lumabas ang mga kumpanyang naka-register sa pangalan ng Villarin Group of Companies. Mahigit dalawampu. At hindi lang iisa ang industriya may mga real estate, logistics, construction, pharmaceuticals, at maging private security. “Front companies lang ang mga 'to,” paliwanag ni Harry. “Ang tunay nilang kita ay galing sa mga under-the-table government deals, land grabbing, offshore transactions, at smuggling. Pero dahil malalakas ang koneksyon nila sa ilang politiko at opisyal, ni isang kaso, ni isang expose ay walang lumalabas dahil pero ang kanilang pinaiiral..” Napapitlag si Zenaida, pero hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit na unti-unting bumabalik sa kanyang dibdib. “So you're saying... imposible silang banggain?” “Imposibleng banggain kung wala kang bala. Kung wala kang pangalan. Kung wala kang access sa kahinaan nila.” Hinila ni Harry ang laptop papalapit sa kanya at binuksan ang isa pang folder. Dito ay lumitaw ang larawan ni Angelo, kasunod ni Alejandro, ni Criselda, at ilang board members ng Villarin Group. May mga surveillance photos, old news articles, at bank transaction reports na ipinadaan sa dummy accounts. “Angelo, ironically, ang may pinakamaraming blind spot. Kahit na anak ng haligi ng pamilya, hindi siya kasali sa mga ‘madidilim’ na transaksyon. Hindi siya kasali sa mga board members ng kumpanya…Parang hindi siya interesado. Mas gusto niya ang sariling negosyo, sa madaling salita ay may sariling mundo si Angelo at hindi happy go lucky…At may record na ilang beses niyang tinanggihan ang alok ng ama niya na tumulong sa core business nila.” Napakunot ang noo ni Zenaida. “So ibig sabihin… hindi siya kasali sa maruming laro?” “So far, wala pa akong nakitang direktang ebidensiya na sangkot siya sa ilegal. Pero… hindi ibig sabihin na wala siyang alam, imposible naman yata na hindi niya alam kung saan nanggagaling ang yaman nila hindi ba?” “Exactly!” Ipinatong ni Harry ang siko sa mesa at tumingin kay Zenaida nang diretso. “Kung gusto mong makuha ang access sa buong pamilya, si Angelo ang susi. Pero hindi mo basta-basta makukuha ang tiwala niya kung hindi mo ipapadama na isa kang taong pwede niyang mapgkatiwalaan.” “Ginagawa ko na,” mahinang sagot ni Zenaida, habang iniisip ang dinner nilang dalawa. “Unti-unti siyang bumibigay. Nararamdaman kong may pader siyang binabaklas. Pero tuwing tinatanong ko siya tungkol sa pamilya madalawa ay umiiwas siya. Nagiging mailap. Parang may tinatago. Hindi ko maintidihan…" Tumango si Harry. “Dahil alam niyang may masamang ginagawa ang pamilya. Less talk less mistake... Kahit hindi siya direktang sangkot, ramdam niya na hindi malinis ang pamilya na mayroon siya o di kaya ay indenial sa totoong nangyayari.” “At kung malaman niya? Sa tingin mo kakampi natin siya?” “Depende. Kung totoo ang nararamdaman niya sa’yo, pwede siyang tumalikod sa pamilya niya. Pero kung loyalty ang pipiliin niya… then you’ll have to be ready to destroy him too.” Napabuntong-hininga si Zenaida. "Papasukin ko ang mundo nila. Pero hindi ako dapat makalimot kung bakit ako nandito. Hustisya para kay Lyka. At kahit pa si Angelo ang maging daan ko… handa akong lunurin siya kung kailangan." Habang pauwi si Zenaida palabas ng café, dala ang kopya ng mga dokumentong iniwan ni Harry, isa lang ang nasa isip niya. Ang mas mapalapit kay Angelo. Mas maging bahagi ng buhay nito. At unti-unting pasukin ang pader ng Villarin hanggang sa siya na mismo ang sumabog nito mula sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD