KABANATA PITO
Humahalukipkip lang ako sa tabi tabi. Kanina pa ako nakatingin sa kanila habang nagkakatuwaan. Napairap ako nang kita ko dito sa posisyon ko ang ngiti ni Jeveness. Di ko parin makakalimutan ang ginawa niya sa akin nong nakaraang araw.
Kaya naging mantsa iyon sa palda ko. Kaya hanggang ngayon andon parin at di makuha kuha. Anong klaseng pandikit ang nilagay niya sa silya ko?
Nakakabanas talaga.
Makaganti din ako.
And speaking of makaganti, heto na ang karma ng alien, nasampal kasi nang babae. Bayote pa naman to.
"Akala ko ba ako ang mahal mo? Ano to?" Galit na sigaw nang babae habang nakaturo sa babaeng naka upo sa kandungan ni Jeveness.
Honestly speacking, andito kami sa bar. At paano ako nakapasok? Abah! Marami nang alibies ang gagawin ngayon, lalo nat si Jeveness ang kasama mo.
Napa iling iling nalang ako dahil sa nakita. Buti nga sa kanya.
"Hey, bat mo siya sinampal?" Akla naman nang isa habang sinubukang tumayo pero di nakatayo dahil tinulak siya nong isang babae.
At si Jeveness? Ayon hinayaan lang ang dalawang nag aaway. Parang walang paki, kahit na nasampal na.
Nagagawa pa nga niyang uminom ng alak.
Napabuga ako nang nakita kung nagsabunutan na ang dalawa. Pero hinayaan lang nang mga bruho, sini cheer pa nga eh. Hyst mga abnormal. Di ba nila nakitang nagkasakitan na ang dalawa? Siyaka, wala bang mga bantay dito?
Nagsabunutan sila dahil sa lalaking iyon?
Gwapo naman talaga ang kumag. Ideal boyfriend nga nang iba. Pero di sa akin, nasubrahan kasi ang bruho.
Napailing ako at tumayo para lumapit sa kanila. Di naman ako napansin ni Jeveness dahil busy siya sa pagtawa habang nakatingin sa dalawang nagsasabunutan.
Nagulat pa ang isang babae nang hinila ko siya. Tinaasan ko siya nang kilay. Kita ko pa na naiirita siya.
"Wooohh" sigawan nang iba, tiningnan ko iyong mga kumag na kaibigan ni Jeveness. Pansin ko pang nag smirk ang alien.
Susugod na sana iyong isang babae sa babaeng hinila ko, ay naunahan ko na siya. Nahawakan ko kasi iyong laylayan nang dress niya, and take note kita ko na ang kanyang itim na bra. Tss.
"At sino ka naman para maki alam?" Naiiritang sigaw nang isa na nasa kanan ko. Tinaasan ko siya nang kilay at binalingan ang kaliwa.
"Magsisiraan lang kayo nang mukha dahil sa lalaking iyan" panimula ko, natigilan naman sila. Bumaling ako kay Jeveness bago binitiwan ang dalawa, pansin ko pang nakakunot ang noo ng alien habang nakatingin sa'kin.
"Ang ganda niyo para pag agawan ang isang alien. Maghanap kayo nang iba, at sure naman ako na may naghahanap na'din sa inyo. Wag yong sirain yan dahil sa unggoy na ito" turo ko sa kanilang mukha at binaling kay Jeveness.
Rinig ko pa ang tawanan nang iba.
"What di-did you say?" Di makapaniwalang tanong niya. I smirk to him at tumalikod.
"Uwi kana boss. Wag kang bingi" Huling sambit ko bago umalis. Natawa pa ako nang narinig ko ang kanyang malutong na mura.
Nakaganti din ako sayo Jeveness.
*****
Kinabukasan ay di ko mahagilap si Jeveness, san naman kaya nagpunta ang alien na iyon?
Nagkibit balikat lang ako at patuloy sa paglalakad patungo nang school. Naglakad lang ako para exercise na'din.
Patuloy lang ako sa paglalakad sa kalaye, ngunit natigilan ako ng may makapal na usok ang bumuga sa akin na alam ko na galing sa usok na sasakyan. Napa ubo pa ako dahil doon, tiningnan ko ang sasakyang papalayo. Nagngitngit ang paningin ko nang nakilala kung sino ang nag mamay ari nang sasakyan.
"Argggg, Jeveness!"
Sira na naman ang araw ko dahil sa damuhong iyon. Iniinis niya talaga ang araw ko. Wala ba siyang nagawa sa buhay para mang inis. Nagtatrabaho lang naman ako, ginawa ko ang kagustuhan nang lola niya. Pwede bang hayaan niya lang ako habang nagbabantay sa kanya.
Pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad kahit amoy usok na ang uniform ko.
Pansin ko pa ang pag ismid nang iba pagpasok ko sa loob ng school. Pero wala akong paki, namamangha parin kasi ako sa laki nang paaralan.
"Im sorry miss" hinging paumanhin ng lalaki, nagkabanggaan kasi kami dahil di ako tumingin sa dinaanan ko.
"Pasensya din. Kasalanan ko" hingi ko din ng paumanhin at tumgin sa kanya. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Wait may dumi ba ako sa mukha? Or dahil sa amoy ko? Amoy usok pa naman ako. Ngumiti ako nang pilit dahil nga awkward.
"Do I saw you before?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko, dahil sa sinabi niya.
"Ikaw nga. The girl in the plaza!" Dagdag niya. Tiningnan ko naman siya nang mabuti nang napagtanto ko ay biglang lumaki ang aking mga mata habang malawak ang kanyang ngiti sa labi.
"Pasensiya na'po kayo kuya sa nangyari" hingi ko ulit. Tumawa naman siya. I saw an amusement na galing sa ganyang mga mata.
"Don't call me kuya. Im Jolo Marquez. Yours?" Pakilala niya at pagtanong sa akin habanb inabot ang kanyang kamay. Inabot ko naman iyon at nagpakilala din
"Lyly po. Lyly Santos"
"Sege po kuya Jolo. Una napo ako" paalam ko.
"Sege" sambit niya at ginulo ang buhok ko. Bigla naman akong nahiya dahil sa ginawa niya. First time ko kasing may gumanon sa'kin.
"When we meet again don't call me kuya, just Jolo" Paalala niya bago umalis.
Ang lawak nang ngiti ko habang tinahak ang room. Di mapawi ang ngiti sa aking labi, dahil for the fisrt time may gumanon sa'kin. Sa di naman na nag aasume ako nang ano, basta I treasure those moment. Wag kayong ano, nababaitan lang ako sa kanya.
"Stop smiling you i***t!" Natauhan langbako nang may nagsalita sa aking harap at binato ang bag niya sa akin, buti nalang nasali ko iyon at di natamaan ang mukha ko. Biglang bumalik ang pagkairita ko sa araw na ito at pagkainis dahil sa kanya.
"Faster were getting late!" Sigaw niya habang umunang naglakad.
Anong problema nito? Siguro nagalit siya because of what I did kagabi. Bagay naman sa kanya iyon. Feeling pogi kasi para paglumpungin ang mga babae.
"Galit na naman ang unggoy" bulong ko. Pero nagitla ako nang bumaling siya sa akin na galit na galit.
"Anong sabi mo?"tanong niya.
"Tinawag mo akong unggoy?" Dagdag niya. Alam niya pala tapos inuulit pa. Tss. Abnormal.
"Alam mo pala boss. Bat mopa inulit" usal ko, pero nabigla ako nang hinawakan niya bigla ang braso ko nang mahigpit. Honestly natakot ako sa hitsura niya. Parang kakain kasi nang tao.
"Body guard lang kita! Kaya wag na wag kang magsasalita na parang close tayo. And remember this, I'll do anything para mawala ka sa paningin ko" galit niyang sambit bago ako binitawan, nagitla pa ako nanh hinila niya bigla ang bag niya na binato niya sa akin.
Hinimas ko ang brasong hinawakan niya habang tinanaw ang bulto niyang papalayo
As if I care.
Di ko nakita si Jeveness Urial sa room. Nag cu-cutting naman iyon kasama ang kaibigan niya. Or, ginawa na naman niya iyong pampalipas inis niya, yong car racing. Yon kasi ginawa niya araw araw, at himala di ako sinama. Okay nadin iyon, nababanas kasi ako sa mukha niya na ang taas ng tingin sa sarili.
"Siya iyong babae kanina. Ginagalit si Jeveness" Napataas ang kilay ko nang nadinig ko iyon. Talaga ba? Yon lang naman ang bumungad sa akin pagpasok ko sa canteen, ang mga mata nilang nag aapoy sa galit habang nakatanaw sa'kin. Pero binabaliwala ko lang.
"Kapal nang mukha niya para galitin ang prince natin" napataas lalo ang kilay ko nang nadinig ko ang salitang iyon. Binalingan ko ang nagsabi niyon. Kita ko ang galit sa mukha niya parang gusto akong lusugan kahit anong oras.
"b***h talaga!" Dagdag niya nang inalis ko ang tingin sa kanila at tuluyang pumila sa counter.
"Mukhang ikaw na naman ang pagdidiskitahan nang mga iyan iha" sambit nang aleng nagtitinda nang pagkain. Kaya tiningnan ko siya. Tiningnan muna niya ang mga babaeng iyon bago bumaling sa akin.
"Mag-ingat ka. Marami na silang pina alis sa eskwelahang ito" dagdag nang ale bago ibinigay ang order ko.
"Salamat sa paalaala" tanging tugon ko bago tumalikod.
Napa smirk pa ako habang nakatingin sa mga babaeng iyon. Sa totoo lang madami dami din sila. Mga fun nang bruho.
Tinaasan ko sila nang kilay nang bumaling silang lahat sa akin. May umirap at ang iba naman ay pinukulan ako ng masasamang tingin.
Paki ko sa inyo.
Sambit ko sa kawalan habang nilantakan ang pagkaing binili ko.
Dapit hapon ay ganun parin ang aking ginawa naglakad lang sa tabi nang kalsada. Di naman kasi ako tamad para sumakay nang sasakyan. Malapit lang kasi ang condo na inilaan ng lola ni Jeveness. And speacking of Jeveness di ko talaga siya nakita sa araw na ito. Talagang iba kung magalit, pikon masiyado. Acceptance is a virtue nga sabi nang iba. Ayaw tumanggap ng lalaking iyon, ang gusto lagi ay pagpupuri ang ibabato sa kanya. Di naman lagi tinapay lang dapat may bato din.
Sikat kasi at prensipe ng iba.
Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang sa akin.
"Akala mo hahayaan kalang namin? Hoy nagkakamali ka b***h. How dare you para galitin ang prinsepi namin" sigaw nang isa. Napairap naman ako. Prinsepi talaga?
Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad at nilagpasan sila pero napatigil ako nang hagitin ako nang isa at tinulak sa harap buti nalang di ako natumba.
"Huwag na huwag mo kaming lalagpasan! Kita mong kinakausap ka namin diba?" sigaw nila ulit. Tiningnan ko sila isa isa na bakat ang pagkawalang gana. Pansin ko ang pag-igting nang kanilang panga dahil sa reaction ko.
Naglakad ako ulit at nilagpasan sila, pero napatigil ako nang may humila sa buhok ko. Ang sakit pa naman non.
"Bastos ka ah! Talagang iniinis mo kami!" Sigaw nang nagsabunot sa akin, habang ang iba naman ay nag che-cheer lang. Tss, mga abnormal talaga.
Hinala niya ako at binato sa kabila kaya napasubsob ako at naging dahilan ng pagkagasgas ng tuhod ko.
Tumayo ako at pinagpagan ang paldang nadumihan habang di alintana ang sugat na nasa tuhod ko.
Tiningnan ko sila isa isa.
"Bukas na tayo mag rambulan. Wala ako sa mood ngayon" usal ko sa kanila. Wala ako sa mood para makipag away. Di pa naman ako baliw para labanan ang mga rich kid nato.
"Aba!" Sigaw nang isa. Susugod sana siya sa akin nang may pumigil sa kanyang babae. C cut ang maiksi niyang buhok na hanggang balikat lang. Itim ang kulay lipstick at mataba kunti.
"Hayaan muna natin siya. Bukas na nga daw diba" sambit nito at tumalikod.
"Tara na, nag aaksaya lang tayo ng oras sa mahinang babaeng iyan" baling niya sa kasamahan niya nang napansin niyang hindi ito nakasunod sa kanya.
Nauna akong tumalikod sa kanila at naglakad papalayo habang dinig na dinig ko ang malulutong nilang mura.