Thorn of Roses
Prolongue
"Narinig mo ba ang tungkol sa rosas na lumago mula sa isang c***k sa kongkreto? Maling mali ang mga batas ng kalikasan, natutunan itong lumakad nang walang mga paa. Nakakatawa, tila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pangarap nito; natutunan itong huminga ng sariwang hangin. Mabuhay ang rosas na lumago mula sa kongkreto kapag walang ibang nagmamalasakit. "
Tupac Shakur
"Nay? Bat kailan po nating umalis dito? Paano napo si tatay?" Tanong ni Zyly sa kanyang nanay habang nag-abala sa pagliligpit ng damit nila. Binalingan naman siya ng kanyang ina na puno ng mga luha.
"Anak patawad pero kailangan nating umalis. Kailangan nating iwan ang tatay" Sagot ng kanyang ina.
"Paano po si Lyly inay?" Tanong muli ng bata habang binalingan ang kanyang kapatid na nakahiga sa katre. May sakit si Lyly at di alam ng mga magulang kung ito pa ba ay gagaling. Napaiyak muli ang ginang habang di alam ang gagawin, ayaw niyang iwan ang anak na si Lyly pero wala siyang magawa kundi iwan ito.
"Dito lang si Lyly anak" Alo ng ginang habang hinarap ang batang umiiyak.
"Ayaw kung iwan si Lyly inay, kapatid ko po siya" Iyak muli ng bata di alam ang gagawin dahil sa kanyang nalalaman mula sa kanyang inay.
"Hali kana anak. Baka abutin pa tayo nang tatay mo" Dali daling sambit ng ginang habang hinila ang anak at bitbit ang supot na naglalaman ng damit at pera.
Umalis ang ginang habang iniwan ang batang Lyly na nakahiga sa iisang lumang katre na isang yanig nalang upang ito ay lulugmok dahil sa kalumaan. Luha ang karamay ng batang Lyly sa oras na iyon, wala siyanh naisatinig ng narinig ang sambit ng kanyang inay. Iniwan siya dahil sa kanyang kondisyon. Iniwan siya pati ang kanyang tatay.
"Ale bili npo kayo ng balot" Hayag ng batang Lyly habang pilit inabot ang balot, ang paninda niya na nakalagay sa isang box. Kanina pa siya libot ng libot sa labas ng Simbahan upang ibinta ang kanyang paninda. Nasa labin-dalawang taong gulang na siya at tanda pa niya kung paano siya iniwang ng kanyang ina. Palihim siyang umiyak sa araw na iyon habang nakahiga sa kama. Pitong taong gulang siya ng iniwan ng kanyang ina at kanyang kambal na si Zyly.
Minsan tutulo ang kanyang luha dahil sa kanyang buhay , nagiisa lang siyang kumayod dahil nagkasakit ang kanyang tatay noong sampu siya. Nagkasakit kasi sa puso ang kanyang tatay kaya wala siyang nagawa kundi humanap ng trabaho at nabiya-yaan naman siya dahil nakahanap siya kaagad at iyon ay ang pagtitinda ng balot. Minsan nakakuwi lang siya ng 50 pesos mula sa pagtitinda ng balot. 50 pesos lang ang kanya kapag nakalikom siya ng 300. Pinagkasya lang niya iyon, bibili siya ng bigas ng isang kilo at toyo.
"Tay kain napo kayo" Gising niya sa kanyang ama. Ilang ulit niya itong ginising pero ayaw nito. Kinutuban ang batang Lyly.
"Tay...tay...tay..."yogyog at tawag ng kanyang tatay. Humihiyaw ang batang babae, dahil sa lungkot ng naramdaman.
"Pa-a-ano napo ako tay? Wag mo kong iwan!" Sigaw niya muli. Pero kahit anong pilit di na muling gumising ang kanyang tatay na nakahimlay sa kama malamig na para bang isa ng bangkay. Napagtanto niya na sa oras na iyon na iniwan nadin siya ng kanyang tatay tulad ng kanyang inay at kambal.