THORN OF ROSES: KABANATA ISA

2607 Words
KABANATA ISA "Nararamdaman ng ilang kababaihan ang pangangailangang kumilos tulad ng hindi sila natatakot, nangangailangan o nasaktan; tulad ng mga ito tulad ng isang tao. Sa palagay ko ay hindi tapat. Ok lang ang pakiramdam na maselan minsan. Ang totoong kagandahan ay nasa pagkasira ng iyong mga petals. Ang isang rosas na hindi kailanman mawawala ay hindi isang rosas. " Crystal Woods "Diyos kong bata ka naman! ayusin mo nga ang trabaho mo! Salot ka talaga. Kaya ka iniwan ng nanay mo eh, dahil wala kang pakinabang!" Sigaw ni tiya sakin habang binato ang labahin sa pagmumukha ko. Apat na taon na ako dito, kinuha nila ako simula nong namatay si tatay. Dinala nila ako sa Manila mula Cebu. Kapatid siya ni tatay sa ikalawang ama nito. Di ko alam kung bakit galit ang tiya Feste sa'kin. "Ayusin mo yan at tapusin mo! Kung hindi! di ka kakain ngayong araw!" Bulyaw muli ng tiya. Napayuko nalang ako habang tumulo ang mga luha. Napahinto lang sa pagsermon si tiya sakin ng tumawag ang kanyang anak na babae na si Feleste. Ang pinsan kung ubod na sama katulad ng tiya Feste. "Ma, hingi ako ng pera" Lambing na sambit ni Feleste sa mama niya. Napairap nalang ako dahil sa ka O-A-han nito. "Aanhin mo nanaman ang pera Feleste?" Mahinahon na tanong ni Tiya. Minsan naiisip ko na parang may sayad ang mga tao dito sa bahay except kay Tene na kapatid ni Feleste. Si Tene lang kasundo ko sa bahay, mabait kasi ito, at may mabuting puso. Dali dali kong tinapos ang labahin para makakain ng haponan. Ala-una na kasi ng hapon at di pa ako nakakain at di pa rin tapos. Di kasi ako papakainin ni tiya pag di ko natapos ang mga labahin. Ng natapos ko ng banlawan ay sinampay ko na ang mga nalabhan ko sa likod ng bahay. Kunti lang espasyo ni dapat pagkasyahin ang lahat. Dikit-dikit kasi ang mga bahay dito, mausok at maingay di tulad sa Cebu na mapayapa at masarap ang simoy ng hangin. Pumasok ako sa loob pagkatapos ng pagsampay ng mga nilabhan. Kumukulo na ang sikmura ko dahil sa gutom. Nadatnan ko pa si Feleste na naglilinis ng kuko. Nakabihis na ito tila ba may pupuntahan. Inirapan niya ako ng nadatnan niya akong nakatingin sa kanya. Di ko nalang siya pinansin at dumiritso sa kusina. Napangiwi pa ako ng nakita ang kanin na nakalagay sa mesa. Napabuntong-hininga ako, kunti lang ang kanin at isang pirasong friedfish na di kayang tugunan ang gutom ng sikmura ko. Nagkibit balikat nalang ako, okey nato kay sa walang makain, minsan kasi di na ako makakain dahil wala ng pagkain. At minsan tutulog nalang ako kahit na kumukulo ang tiyan. Pagkatapos ng pagkain ay hinugasan ko ang pinagkainan, madaming nakatambak sa lababo, pansin ko to kanina pero di ko na binaliwala pa dahil sa gutom. "Lyly? Bantayan mo ang bahay dahil aalis ako! Pagkatapos mo diyan ay mamalegke ka! Nasa lamesa ang pera at listahan" Sigaw ni tita. "Opo tiya" Sigaw ko pabalik sa kanya. "Tapos uwi ka kaagad, wag lalandi!" Sigaw niya muli. Napairap nalang ako. Di ko na siya sinagot pa at ramdam kong nakaalis na siya. Naging tahimik ang loob ng bahay. Mga sigaw lang mga bata ang aking nadidinig na naglalaro sa labas, pansin ko din na wala na si Feleste. Tansya ko gagabihin na naman iyon dahil sa ka-babar. Hindi pa ako nakapunta sa ganong lugar pero di ko na papangarapin pa. Matanda pa si Feleste sakin 18 na kasi siya at 16 pa ako, at 20 naman si ate Tene. Mag kokolehiyo na si Feleste sa susunod na pasukan at mag grade 11 naman ako. Si ate Tene naman ay huminto sa pag-aaral at nagtrabaho nalang, isa din siya sa nagpa aral sa'kin. Ayaw akong paaralin ni tiya noon, pero ayaw ni ate Tene kaya nagsakripisyo siya para sa bukas ko. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na, siya na naman ang tutulungan ko pag nakatapos ako sa pag-aaral. Nilock ko ang bahay bago umalis. Mamalengke kasi ako. Malayo pa iyon kunti sa bahay ni tiya kaya kailangang sumakay ng traycicle. Naglakad ako kunti tungo sa sakayan ng tricycle, kailangan pa kasing maglakad para makasakay. "Market po kuya" Tugon ko sa mama, ang Driver ng tricycle. Dali dali akong sumakay, may kasabay pa akong ale na pawang naiinip na dahil sa kainitan ng araw dagdag mo pa ang usok ng mga sasakyan. "Salamat po!" Sabi ko, sabay abot ng bayad. Kinse pesos ang pamasahe patungo sa palengke. Maingay ang paligid at madami ang tao. Linggo kasi ngayon at talagang dudumog ang tao kasi mumura ang bilihin pag araw ng linggo. Kinuha ko ang listahan na nasa bulsa ko. Napangiwi pa ako dahil ang dami non? Inuna ko ang mga rekado, gaya ng sibuyas, ahos at iba pa. Pagkatapos sa gulayan naman ako pumunta. "Ano atin ining?" Tanong ng isang ale. Nginitian niya ito bago sinabi ang kanyang gusto. "Ilang kilo ba ang patatas at carrots niyo manag?" Tanong niya sa ale. "30 ang kilo ng bawat isa. Bili ka? " 1 kilo sa patatas at carrots" Sagot ko at ngumiti muli. Kinuha naman niya ang patatas at nilagay sa kilohan bago nilagay sa plasitk bag, sinunod na naman niya ang carrots, pagkatapos binigay sakin. Binayaran ko muna siya bago umalis. Maraming gulay ang nabili ko at bitbit ko iyon lahat. Mabibigat iyon dahil sa patatas at carrots. Sisunod ko naman ang isda. Napangiti pa ako nang nakita ko ang ibat ibang klase ng isda, di alintana ang baho niyon, di naman kasi ako maarte at sanay na sa ganitong mga bagay. "Ilang kilo po ang tilapia manong?" Tanong ko sa manong habang busy sa pagpaypay ng mga paninda niya, may mga langaw kasing umaaligid sa isdaan niya. Marami namang nagtitinda ng isda pero dito ako laging bumili sa kanya. "O Ling ikaw pala" Galak niyang sambit. At tama, kilala nadin niya ako at Ling ang tawag niya sa'kin, ngumiti nalang ako sa kanya. "200 lang kilo nito, ngunit 150 nalang basta ikaw" Napangiti ako sa sinabi niya. Lage kasi niya ako tinatawaran pag dito ako bumili ng isda nahiya nga ako minsan eh. "Nako wag nalang manong Jud! Baka malugi ka niyan" Kahit anong kumbinsi ko di na talaga maibabalik ang disisyon ni manong Jud talagang ginawa niyang 150 ang kilo ng tilapia. Kaya nagpasalamat nalang ako dahil sa kabaitan ni manong Jud. Sinunod ko naman ang mga karne at binili ang gustong pinabili ni tiya. Di ko alam bat ang daming pinabili ni tiya ngayon, minsan kasi kunti lang ang pinabili niya kaya nakapagtataka. Pagkatapos ng lahat ay naisipan ko nang umuwi, bitbit ang mga pinamili. Nahihirapan pa ako dahil sa bigat niyon. Maliit kasi ang katawan ko at katamtaman lang ang taas. Pero anong magagawa ko? Eh ganito naman ang buhay ko, simula ng iniwan ako ng lahat. Napasinghap ako ng maalala ang kahapon ngunit niwaksi ko iyon kaagad. Patuloy ako sa paglalakad para makasakay ng tricycle. Tatawid na sana ako ng munti na akong masagasaan ng sasakyan at nalaglag pa lahat ang pinamili ko dahil sa gulat. "Hoy! Tarantado!" Sigaw ko at binato ng kamatis ang likod ng sasakyan niya ng nahagilap ko iyong kamatis na binili ko na nakalatag sa kalsada. Huminto naman ang may ari ng sasakyan. At maya maya pa ay may lalaking bumaba sa mamahaling sasakyan na tansya ko matanda pa sa'kin ng ilang taong gulang. "Im really sorry Miss!" Hinging paumanhin niya. Gwapo ang lalaki at may magandang pangangatawan at talagang mayayamanin. Halata naman dahil sa kumikinang na sasakyan at nadumihan lang iyon dahil sa kamatis na binato ko. Pansin ko din na iba ang pagsasalita niya ng tagalog parang baguhan. "Sorry of what my friends did. Nagmamadali kasi kami. Here" Saad niya habang may inabot na pera. Kumunot pa ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kaibigan niya? So, di siya ang nagmamaneho sa kotseng iyan. Naalimpungatan na lang ako nang nilagay niya ang pera sa kamay ko. Umalis siya kaagad nang may tumawag sa kanya galing sa loob. "Davin, Just faster!" Sigaw nito. Kumukulo ang ulo ko sa taong iyon. Siya ang nagmamaneho tapos di siya ang bumaba para humingi nang sorry. At talagang kaibigan pa niya ang gumawa non. Nakatingin lang ako sa likod ng sasakyan nila habang di ko na iyon makita pa. Tiningnan ko ang perang hawak ko, itatapon ko sana pero sayang naman 2 thousand din iyon, mahirap kumita ng pera ngayon. Di mabubuo ang milyon-milyon pag di nagsisimula sa piso. Suminghap nalang ako at pumara ng sasakyan para makauwi na ng bahay. Pinulot ko muna ang mga nakalatag na pinamili ko at binalik sa supot iyon. At agad sumakay ng tricycle. Pagkarating ko sa bahay ay wala pang tao. Alas kwatro pa naman ng hapon. Pumasok agad ako sa loob at nilagay ang pinamili sa lalagyan at nilagay ang isda, karne, hotdog at iba pa sa ref. Yong importante lang naman ang nilagay don. At sa lamesa ko lang nilagay ang mga gulay at rekado. Nagbihis ako muna bago pumunta sa likod ng bahay para kunin ang mga sinampay, nilagay ko sa basket ang natuyo na at yong may kunting basa pa ay sa isang basket. Ilalagay ko nalang sa hanger at ilagay sa taas. Iniwan ko muna ang isang basket at umakyat sa taas para isampay ang basa, nilagay ko muna sa hanger bago ko ikinabit sa lubid. Pagkatapos pumanaog ako kaagad para iplansya ang tuyong damit. Inuna ko ang damit pagkatapos tinupi kaagad para di na masagi pa at kumunot. Sinunod ko ang pantalon. Pinagpatuloy ko ang aking ginawa, ingat ingat na baka masunog ko muli. Nakasunog na kasi ako noon at paporito pang pantalon ni Feleste kaya galit galit si tiya at Feleste sa'kin kaya di ako pinapakain ng isang araw. Sa kabila ng aking pagpaplansya ay nagitla ako ng may kumalabit sakin..muntik ko pang mabato ang iron sa kanya. Nagulat ako sa aking nakita ng bumolaga sa aking harapan si ate Tene na natatawa habang nakatingin sa akin. Tinatawanan kasi niya ang hitsura kong takot na takot. "Easy kalang Ling... baka maplansya mo ang mukha ko niyan..hehehe" Nakahinga ako ng kunti ng si ate Tene lang pala. Ng nahimasmasan niyakap ko siya agad, without knowing na hawak ko ang plansya. "Ops...ops. may plansya kapang bitbit" Natauhan ako at kumalas sa kanya. Nilagay ko ang plansya sa lalagyan nito at yumakap muli, tinugunan naman niya iyon. I miss ate Tene. Ngayon lang siya muli nakauwi. "Nakauwi ka ate?" Tanong ko pagkakalas ko sa kanya. Lumukot naman ang mukha niya tila ba pinaalala niya na may nakakalimutan ako. "Grabe ka Ling...birthday ko bukas...nakakalimutan mo na?" Kaya pala madaming pinabili si tiya kanina, birthday pala ni ate Tene. "Happy birthday in advance" Bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya, napansin ko din ang isang envelop na hawak niya, napansin naman niya na nakatingin ako doon. "Oo nga pala. Para daw sayo. Abot yan ng isang lalaki kanina parang mayaman nakakotse kasi" Abot niya sa envelop habang may ngiti sa labi. Tiningnan ko si ate Tene bago ang envelop. "Buksan muna" Excited niyang sambit. Kaya hinay hinay kong pinigtas ang laso. Nakalaso kasi iyon. Di tulad ng ibang envelop na nakadikit. Kinuha ko agad ang papel na nakapaloob. Binuksan ko ang papel at binasa, nagulat pa ako sa aking nabasa. Kaya nagtaka si ate Tene habang nakatingin sa akin. Kaya kinuha niya sa akin ang papel habang di makapaniwala. Napukaw lang ako ng sumigaw si ate Tene sa tuwa. "Ling tanggap ka! Congrats... sabi ko naman sayo eh na matanggap ka sa school na iyon" Tuwang sabi niya, habang nakatingin parin sa envelop. Nag apply kasi ako ng scholarship sa school na iyon. Pero kailangan mo mag audition para matanggap. Arts and Musical University kasi ang school. Kaya tuwang tuwa ako ng natanggap ako. Si ate Tene lang ang nakakaalam na nag apply ako for scholarship sa school na iyon, alam kasi namin na di papayag si tiya sa gusto namin ni ate Tene. AMU ay isang sikat na school mayayaman lang ang kailangang makapasok at dapat may talento ka sa music at arts. Kaya di ko inikala na isa ako sa natanggap. Napahinto lang kami ni ate Tene sa pagtalon talon ng nakarating si tiya, nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa amin na para bang sinusuri kami. "Para kayong iwan jan!" Sambit ni tiya habang walang nakitang kadahilanan kung bakit kami tuwang tuwa. Nag ngitian nalang kami ni ate bago sumaka sa taas. Magkatabi kami ng kwarto habang si Feleste lang ang nasa kabila, ayaw kasi niyang may katabi. At oo nga pala si ate Feleste at ate Tene ay hindi magkapatid sa ama pero magkapatid sila sa ina. Pero ni walang lalaking nakatagal kay tiya dahil sa kamalditahan nito. Sa tutuusin 40 palang si tiya at may maganda paring pangangatawan. Sa edad na 19 ay nakapag asawa siya ngunit iniwan din noong nasa limang buwan palang si ate Tene sa kanyang sinapupunan. Hindi daw nagka intindihan ang dalawa. Kinabukasan busy ang lahat sa paghahanda, ako ang nagbabalat ng sibuwas at bawang habang si ate Tene naman ay abala sa pagluluto ng spaghetti at macaroni. Habang si Tiya ay nagluluto ng ulam. Si Feleste naman, di ko alam di ko kasi nadatnan iyon. Tulog pa siguro dahil sa kalasingan kagabi, naulingan ko siya kagabi na muntik ng mabuwal dahil sa kalasingan. Pumanaog kasi ako dahil sa uhaw. Alas 10 ng tanghali at ilang oras nalang para sa dinner. Tatak alas 11 ay tapos nadin kami at unti unting dumami ang bisita. Mga kaibigan ni ate Tene at Feleste. Umalis ako sa kusina pagkatapos kong linisin ang kalat don at umakyat sa taas nakasalubong kopa si Feleste na bihis na bihis na nakasuot siya ng maiksi na dress na kulay pula. Di ko na siya pinansin ng tiningnan niya ako at inirapan. Nagbihis ako kaagad ng damit, yong comfortable lang ako. Sinuot ko lang naman ang white T-s**t na di masyadong hapit sa katawan at blue Jeans. Pagkatapos non ay pumanaog na. Pansin ko din na maraming tao na at nagsimula na silang kumain. Kita ko din si ate Tene na busy sa pakikipag usap sa bagong dating niyang kaibigan at pinaupo sa bakanting upuan. Kita ko din si Feleste na may katabing lalaki, kinausap niya ito, kita ko din kung paano tingnan ng lalaki si Feleste. Pero ang mas kinagulat ko ng nadatnan ko si Tiya na may kausap na lalaki, bago yon saking paningin. Di naman kasi namin kapitbahay iyon dahil ni minsan di ko iyon nakita sa lugar namin. Siguro bago na namang boyfriend. Napailing nalang ako sa aking nakita. Pansin ko na tiningnan ako ng ibang bisita, pero pakialam ko ba? Di ko naman sila inano. Dumiritso ako sa kusina at kumuha ng sariling plato at pagkain para kumain. Naupo lang ako sa lamesa. Ako lang ang nandito dahil nasa sala sila lahat. Alas tres ng hapon humuhupa nadin ang tao, pero may nagkantahan at nag-inuman sa loob. At ginugol ko nalang ang oras ko sa paghuhugas ng plato. Buti nalang di na ako kinulit ni ate Tene na kumanta, minsan kolang iyon ginawa, yong nag audition ako para makapasok at makakuha ng slots for scholarship. Alas otso ng gabi, pagod akong humiga sa kama, dahil sa walang kapagurang paghugas ng mga pinag kainan kanina, ni parang di maubos ubos ang hugasin dahil paminsan minsan ay may bagong dadarating na bisita. Umuna na akong pumanhik sa taas. Pagod na kasi ako at gusto ko ng matulog ng maaga. Nakatingin lang ako sa dingding hanggang nilamon na ako nang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD