KABANATA DALAWA
Kung nasiyahan ka sa halimuyak ng isang rosas, dapat mong tanggapin ang mga tinik na dala nito."
- Isaac Hayes
Pawis at sinag nang araw ang aking kasama ni wala pamangga, di ko kasi naisipang magdala ng payong kanina, kasi di naman masyadong mainit kaya di ko na naisipan pa. Kaya heto ako at sising sisi, dahil sa katangahan, maitim nanga ako at talagang nadagdagan pa.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang pinaybay ang kalsada nasa gilid lang ako dahil ang daming sasakyan. Di ako sumakay ng tricycle dahil wala akong pamasahe, wala na kasing natirang pera na bigay ni tiya. Patungo lang sa paruruunan ko ang pamasahe at walang uwian. Galing lang naman ako sa Meralco at nagbabayad ng kuryente. 1500 ang bayarin ng kuryente dahil sa kadahilanang mawaldas ang tao sa bahay.
Ang eletric fan kasi sa bahay ay maghapon iyon naka ON, pati ang Tv. Minsan hinayaan lang nilang na ka ON ang tv kahit wala namang nanonood.
Akala naman ng tao don eh, madaling mahanap ang pera o mapupulot lang iyon sa daan.
Tinuloy ko nalang ang paglalakad habang sinisipa ang latang nadaanan ko, don ko nalang binuhos ang inis ko. Naka tsinilas pa ako at ang dumi dumi na ng mga paa ko. At ginawa ko pang pamayong ang kunting pikas nang karton. Minsan pinagtitinginan na ako ng iba dahil sa hitsura ko, para na kasi akong gusgusing batang manglilimos.
Sinipa ko ng malakas ang lata at dinig ko pang tumaginting ito. Napatakip pa ako sa baba ng natamaan sa ulo yong lasingong panot sa di kalayuan. Tumayo siya habang kamot kamot ang ulong natamaan, lalo pa yon naging salamin dahil sa sinag ng araw.
Napatago ako sa may poste ng palinga linga siya, pawang hinahanap ang nagbato ng lata. Kita ko pang pinulot niya ang lata at binato sa kabilang kalsada dahil sa inis.
Nagulat pa ako ng napansin niya akong nakatago sa poste.
"Patay!" Usal ko. Napatakbo nalang ako ng tangkang habulin niya ako. Natumba pa siya pero tumayo din at hinabol ako uli.
"Ikaw bata ka! Hali ka dito!!" Sigaw niya habang habol ako. Pero di ako tumigil, ano siya hello! Mahilig to sa takbuhan no!
Takbo lang ako ng takbo habang sigaw lang ng sigaw ang lasing na panot. 16 na ako pero para akong batang magnanakaw at takbo ng takbo kasi takot ng mahabol ng ninakawan.
Tinukod ko ang aking kamay sa tuhod habang hingal na hingal. Tumingin ako sa likod, salamat nalang at wala na ang lasingo na iyon.
Ilang oras ako sa ganung postura. Pinagtinginan panga ako ng iba, para kasi akong naliligo dahil sa pawis at sinamahan mo pang nakapaa nalang ang kaliwang paa ko. Napigtas kasi kanina, buti nalang at nagawa kopang pulutin iyon kahit na nasa karera pa ako.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad. Nginitian kolang ang mga taong nakasalubong ko habang tiningnan ang walanghiya kong hitsura.
"Stop!!" Dinig kong sigaw ng ale. Sa di kalayuan sakin. Hinabol lang naman niya ang lalaking may bitbit na bag ay ninakaw pala. May dalawang lalaki namang humabol sa magnanakaw, siguro mga bodyguard.
Paano siya na snatch? May bodyguard naman siya. Impossible naman yon. Huminto nalang ang ale habang nakahawak sa kanyang dibdib habang hingal na hingal. Mayaman naman siya bat pa niya hinabol ang ninakaw?
Binaling ko muli ang atensyon ko sa lalaking magnanakaw habang hinabol ng dalawa. Naging alerto naman ako dahil kunti nalang ay marating na niya ang pwesto ko. Hingal pa nga ako sa oras na ito.
Ayaw ko sanang gawin pero naawa ako sa ale. Mukha kasing importante ang bag na na snacth, baka din may importanting bagay ang laman non. Kaya nasipa ko ang lalaki sa gilid kaya hayon tulog. Napalakas ko ata?
Dali dali naman akong umalis pagkarating nang dalawang bodyguards ng ale. Kaya pala importante mahal kasi ang bag nayon LV eh, original pa. Mahirap ako pero marunong ako sa ganung bagay. Nasa generation Z na tayo lahat hightect. Di naman ako bobo.
Dumaan ako sa kaliwang kalsada buti nalang di ako napansin. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun ako sumipa? Pero di ko na sasabihin, di naman importante. Sabi ko nga hightect na lahat dito sa mundo. Everything made by technology.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad habang nakarating ng bahay. Dali dali kung binuksan ang pinto dahil uhaw na uhaw na ako, pero napagitla ako ng may nagbato sakin nang plato at hinampas ako. Napasigaw pa ako sa sakit.
"Aray!!" Usal ko. Si tiya ang naghampas sa'kin, naguguluhan ako sa inasta niya. Galit na galit siya. Kita ko din si Feleste na nakangiti habang may bitbit na envelop.
Envelop?
Wait?
Envelop ko yon.
"At sinong nagsabi sayong mag-aaral ka? Hoy di kita paaralin. Dagdag ka na nga sa palamunin ko, idagdag mo pa ang aral na aral na yan!" Bulyaw ni tiya habang hinahampas pa ako.
"Tiya, tama napo, masakit po" Pagmamakaawa ko habang tuloy ang luha.
"Anong tigil? Talagang masasaktan ka!! Hayop ka talaga" Patuloy ni tiya. Iyak lang ako ng iyak. Huminto lang si tiya ng napagod siya sa panghahampas sakin. Umiyak pa ako sa oras na iyon.
"Akin na nga Feleste" Sigaw ni tiya habang hinablot ang envelop.
"Ito ba huh? Ang kapal ng mukha mong pumasok sa paaralan na iyon! At talagang nagdesisyon kapa talaga huh! Kapal ng mukha. Tingnan natin kung makapasok kapa sa skwelahan na yon" Sigaw ni tiya.
"No!" Sigaw ko ng pinunit niya ng pinong pino ang enevelop. Iniwan lang nila ako sa sala ng nakontento sila sa nakikita nila. Iyak lang ako ng iyak, habang pinulot ko isa-isa ang mga napunit.
Paano na? Di na ako makapasok sa school na gusto ko.
Yon kasi ang basihan na isa ka sa nakapasa. Invitation paper. Kailangan kasi dalhin iyon sa unang pasukan kapang Newbie ka, para malaman na isa ka sa estudyante don, bago ka bigyan ng Id card. Yon kasi ang nakalagay don sa statement.
Iyak lang ako ng iyak habang hawak ang punit na punit na papel.
Naglaho na ang pangarap ko.
Yakap ang tuhod ko habang iyak ng iyak, di alintana ang pasang humahapdi dahil sa hampas kanina. Humahagulhol ako dahil sa sakit, pati pangarap kinuha nila. Anong kasalanan ko sa mundo at ganto ang buhay ko. Napatigil lang ako ng tumunog ang 11 hundred samsung na cellphone ko. Bigay ni ate Tene, one year pato sa'kin, pero may rubber band na nakapalibot don para magamit pa. Nabato kasi ito ni Feleste noon dahil sa galit, Nagselos kasi, pinagselosan niya ang 11 hundred sa OPPO niya . Si ate tene siguro ang tumawag kasi siya lang naman ang ang nasa contact list.
Pinahid ko muna ang luha ko bago sinagot iyon.
"Hello ate Tene?" Bungad ko, pinigilan ko ang paghikbi dahil baka madinig niya at magtanong pa kung bakit ako umiyak.
"Hello Tene. May ipadadala akong pera jan para sa pangbili ng mga gamit mo sa school. Next week na ang pasukan. At akam ko namang exvited kana" Masayang sambit ni ate. Palihim naman akong napahikbi.
"Anong nangyari sayo? Umiiyak kaba?" Taning niya kaya napatambal ko ang sarili ko.
"Masaya lang ako ate. Kasi, makapasok nadin ako da school na pinapangarap nating dalawa"
Sorry ate, kung nagsinungaling ako!
"Shh tama na yan, wag masyadong excited. Basta may ipadala akong pera jan. At sinabihan ko na si mama na ibigay sayo ang kalahati non. 7 thousand naman ang pinadala ko. Siyaka di naman alam ni mama kung bakit. Basta alam lang niya na ipambayad ko sa damit na inutang ko kay aleng Pisay, at ikaw ang inutisan kong bagbayad" Dagdag niya. Umiyak pa ako dahil sa kabaitan ni ate. Gumawa talaga siya ng oaraan para matupad ko ang aking pangarap, pero alam kong di na iyon matutupad. Natatakot akong sabihin sa kanya na napunit ang Invitation card, baka kasi magalit siya kay tiya at maging sanhi pa ng kanilang pag-aaway, ayaw ko nang ganun.
"Salamat ate Tene. Your the best" Ngiti kong sambit habang may nakatakas na luha galing sa'king mga mata.
"O siya. Wag ka nang umiyak jan. At magpahing ka na. Bye Ling, Lovedabee"
"Bye di sayo ate Tene and Lovedabee too"
Pagkatapos ng tawag ay binaba ko agad ang CP . At nagsimula na namang tumulo ang aking luha..napahiga nalang ako sa'king kama at nagtalukbong ng kumot habang humagulhol.
"Akala mo di ko alam? Di ako bobo Lyly. Alam ko na para talaga sa iyo ang kalahati ng perang pinadala ni Tene. At talagang gagawa pa kayo ng alibi" Bungad ni Tiya pagkarating ko ng bahay. Galing ako sa labas at naghahanap ng trabaho pero walang tumanggap sa'kin dahil bata pa ako.
Seguro balik balot nalang ako. Atleast my pera akong makukuha.
Lumapit naman si tiya sa'kin ng di ako umimik.
" Manigas ka bata ka!!" Sabunot niya sa'kin habang binalibag ako. Tumama pa ang balikat ko sa upuang kawayan sa sofa. Kaya napalabi ako dahil sa sakit niyon.
"Linisan mo ang kusina at wag kang magpapahinga pag di kapa tapos. Maliwanag?" Bulyaw niya kaya napatango nalang ako. Iniwan naman ako ni tiya at lumabas siya ng bahay, magsusugal na naman iyon sa kabilang kanto.
Pumasok ako sa kusina para kumain. Kita ko pang gulong gulo ang kusina para bang dinaanan ng bagyo, maraming nakatambak na hugasin. Naghugas naman ako kanina ah?
I shook my head at nagpatuloy sa papasok ng kusina.
Kita ko pa si Feleste na kumakain, sarap na sarap siya sa kinain niya. Kita ko pang may perang nakaladlad sa mesa katabi ang cellphone niya mga 4 thousand iyon. Napansin naman niyang nakatingin ako don, ngumiti siya ng nakaka—asar at uminom ng tubig, kita ko pa kung paano niya pinulot isa isa ang pera, para bang pinakita niyang wala ako non. Sinagi pa niya ako pagdaan niya sa akin.
Napabuntong—hininga ako dahil sa kalat at napailing. Kumain muna ako bago nagsimula sa paglinis ng kusina.
Alas singko na ako natapos. Nagsaing muna ako at nagluto ng ulam. Sinalampak ko agad ang aking katawan sa kama pagkatapos ng pagsaing, pinikit ko ang aking mga mata dahil sa kapaguran, para akong alipin na pinag—hahampas ng libo libong kahoy dahil sa pagod, isama mo pa ang sakit ng balikat kong nasagi sa kawayang upuan kanina.
Bago ako napaidlip ng tuyunan ay tumunog ang CP ko. Si ate Tene tumawag lang naman siya para tinanong na kung naibigay ba ni tiya ang pera sa'kin wala akong nagawa kundi ang magsinungaling. Sorry ate Tene.
"IHA SORRY talaga, di ka maaaring pumasok!" Paliwanag ng security. Lunes ngayon at first day ng klase. Habang dala ang napunit na mga papel, pinakita ko talaga iyon sa kanya.
Nakasuot lang ako ng puting damit na my print na Shes the girl, pinarisan kolang ng itim na jeans at dollshose na lumang luma na. Regalo pato ni ate Tene sa'kin noon. Pati na ang bagpack ko na kulay maroon.
"Sir Dean, siya po ang nagpumilit na pumasok" sambit ng security pagkarating ng isang lalaki. Parang nasa mid of 40 pa siya. Kita pa ang angking kagwapuhan at makikisig na pangangatawan kahit na may edad na siya. Tiningnan naman niya ang kabuuan ko at ang papel na nasa garapon.
"Sir isa po ako sa students dito. Isa po ako sa nakakuha ng scholarship" Paliwanag ko sa kanya. Kumonot naman ang noo niya.
"Heto po ang IV card ko" Sabi ko habang pinakita ang garapon na laman ang mga papel na napunit. Lalo namang kumunot ang noo niya, pawang nagsasabing nababaliw na ako. Napakagat nalang ako ng pang ibabang labi ko.
" Iha...ipaliliwanag ko lang sayo, di ka pwede makapasok kung wala ang IV— card nayon. Yon ang proof na isa ka sa mg students dito. Im really sorry Iha. Maybe next year, mag enroll ka ulit. I need yo go!" Umalis ang dean pagkasabi niya iyon. Ang sakit talaga at nakababa.
"Sege na iha. Wala na akong magagawa pa" Sabi ng security. Nagulat pa ako ng may nagsalita sa likod ko kaya binalingan ko iyon.
"Hey, stupid! pwede umalis kana..Can't you see may nakapila pa. Wag mong ipilit huh! And look at you? You're not suit's here...Go!" Diin niyang sambit. Tinulak pa niya ako kaya tumawa pa ang iba. Ramdam ko na newbie sila. Basta kasi baguhan ay pipila kapa kapag, matagal kana, ID card lang ang ipapakita.
Gusto kung umiyak dahil sa kapalpakan ko, lahat nalang ba di pwede sa'kin? Naglakad nalang ako, kahit na labag sa loob ko. Tiningnan ko muli ang school, ang school na pinapangarap kong pasukan. Tiningnan ko naman ang ibang studyanteng papasok sa loob na sobrang saya.
Nakaka—inggit... naiingit ako kahit di naman karapat dapat.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglakad at di na binalingan pa muli ang paaralang gustong gusto ko.
" AY PALAKANG WALANG NGIPIN" Nagulat ako ng may humila sa akin. Pilit aking pinapasok sa loob ng mamahaling sasakyan.
Pumipiglas ako. Baka kasi kidnaper to at ibinta ang lamang loob ko. Naku!, pero? Di naman ito Van. Kadalasan kasi Van ang nangdudukot ng bata or what so ever.
Nagpahila nalang ako. Total wala namang sense ang buhay ko. Ayaw ko namang gamitin yong defense skill ko, madami kauang tao, baka mapansin pa. Gaga kong gaga pero tanggap ko na, wala ng halaga para labanan ang buhay. Gusto ko ng sumunod kay tatay.
Pagpasok ko sa loob ng magandang sasakyan. Sinirado agad ng dalawang lalaki. Ang pinagtataka ko, kung bakit nasa labas lang sila at nakatayo malapit sa pinto ng sasakyan.
Nagulat pa ako ng mapansin ang babaeng nasa harapan ko.
"Hi" Bati niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa nakita. Ang ganda niya kahit na nasa mids of 60' s na siya. Wait parang nakita ko na ito?
"Di mo ba ako naalala?" Tanong niya habang ako ay pilit iniisip kung saan ko siya nakita.
"Remember in the days that, the snatcher snacth my bag" Napatakip ako sa aking bibig. Naalala ko na, siya yong aleng nanakawan ng bag at yong dalawang lalaki na nasa labas ay mga body guard niya at may isa pa. Driver siguro niya.
"I see what you did, and you did great!" Ngiti niyang sambit. Nakita niya? Paano?
"Iha, Im old. But makakita pa naman ako" tawa niyang sambit. Di pa ako nakapagsalita dahil sa gulat.
"Bat mo ako..." I pause at inilibot ang paningin sa loob"Sa loob ng kotse mo? At anong sadya mo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Iha, I want you to be my grandson PA, s***h body guard" Sambit niya kaya nagulat ako.
"Po?" Gulat kong usal. PA? Bodyguard?
"Ba-bakit po?" Utal kong tanong sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at hinawakan ang dalawa kong kamay kaya na te-tense naman ako dahil sa hawak niya sa akin.
"Dahil sa nakita ko sa araw na yon. I think that nakita ko na ang taong maging bagay na body guard sa apo ko. Without knowing. And I feel that you are good in a defense skills. How old are you?" Sambit niya. Kanina pa siya salita salita at ngayon palang niya naisipang magtanong kung ilang taon na ako.
"16 po" tumango naman siya.
"How about studies?" Naging tahimik naman ako.
"I guess hindi ka nakapasok. Nakita kita kanina. At alam ko na di kana pwede kasi dahil jan sa IV card mo." Sambit niya habang tiningnan ang garapon.
Napangiti nalang ako nag plastik.
"Paano po niyo nalaman na ito ang dahilan kung bakit di na ako pwede?" Tanong ko, naguguluhan kasi ako.
"I have my own source Miss. Lyly Rose Santos!" Nagulat ako dahil kilala niya ako. Ngumiti naman siya dahil sa reaction ko.
"By the way I'm the owner of that's school, but ang anak ko na ang namamahala niyan ngayon, alam mo na...old" Sambit niya. Mas lalo akong nagulat sa aking nasaksihan.
At Old? Nakipaghabulan panga siya sa magnanakaw sa araw na yon eh!
At...siya ang may ari ng school? Wow!
"Kayo ang may ari ng school?" Tanong ko, tumango naman siya at ngumiti sa'kin.
"Kaya, if you can accept my offer by being a PA s***h bodyguard to my apo. Then ako ang bahala sa pag-aaral mo, even your allowance, foods, and house" Sambit niya. Tiningnan ko naman siya
"Bakit kailangan niya ng ganun? At bakit ako?"
"Because I know you good well Lyly. At lapitan sa gulo ang apo ko. At, maraming galit sa kanya dahil sa meron siya. Siya ang kaisa isang apo ko na magmamana ng lahat na meron ng papa niya. Maraming gustong tatapos sa kanya. And I want have an update of him, always" Sambit niya.
"Goodluck Lyly. Im lola Victoria by the way" Pakilala niya. Bago ako lumabas sa kanyang sasakyan. Binigyan pa niya ako ng Calling card, kung may kailangan daw ako. At sabi pa niya na bukas ay may susundo sa'kin kung ready na ako sa alok niya at kung tinatanggap ko iyon.
Suminghap ako habang tinanaw ang sasakyan niyang papalayo.