KABANATA TATLO
Hindi hadlang ang edad para tumanggap ng responsibilidad. Hindi hadlang ang katayuan upang di kayang magampanan ang sariling kakayahan. Walang basihan ang edad upang di magpatuloy ang pag-usbong ng talutot at di mamukadkad ang sariling ganda nito. Ang buhay parang bulaklak, mamukadkad at naghahatid halimuyak. Pero pagdating ng panahon unti unti ding lalagas bago magsimula muling sisibol.
-Ann C. A
●●●●●●●●
Bangag ako pauwi ng bahay, di bangag sa alak kundi bangag ang utak dahil sa pag proseso ng mga pangyayari sa buhay. Di inexpect na malaman ni tiya ang pagkapasa ko sa mamahaling eskwelahan kaya naging sanhi nag pagkapunit nito. Di ko rin alam kung paano nalaman ni tiya na sa'kin ang kalahating perang ipadala ni ate Tene sa akin para pambili ng gaminit ko school. Ramdam ko din ang mapagmata ng tingin ng ibang studyante kanina habang naki line up ako, kahit na alam ko namang di na ako makakapasok pa dahil sa punit na IV card ko.
(IV card—Invitation Card...got it!)
Pero ang mas ikinagugulat ko ay ang malaman ko na ang aleng iyon na tinulungan ko ay ang may—ari ng school na gusto kong pasukan at siyaka kilala niya ako. Sa bagay ganyan naman talaga pag mayaman.
Pero? Bat gusto niya ako ang maging PA ng apo niya? Bata paba yon? 16 pa ako...baka naman mas bata sakin kasi gusto niya akong maging bodyguard sa kanyang apo. Ang pangit naman isipin na "16 year old girl ay isang PA at Bodyguard sa 20 + boy" .
Niwaksi ko na lang ang aking iniisip at pinagpatuloy ang paglalakad habang bitbit ang garapon. Naglalakd lang ako para naman makahanap ng trabaho. Marami na akong nalapitan pero lahat di ako tinanggap dahil sa age. May age gap naba ang pagtatrabaho? Oke naman ah? As long as kaya mo ang trabaho!
"Hello po.. pwede po bang magtanong?" Tanong ko sa isang waiter na naglilinis ng mesa. Hapon na ngayon at pinagpatuloy ko ang paghahanap ng trabaho.
"Ano iyon?" Tanong niya pabalik. Huminga muna ako bago nagsalita. Last try ko nato. Kung di ako matanggap, balik balot talaga ako.
"May natanggap naba? Kasi nabasa ko sa labas na need kayo ng isang waitress" Sambit ko. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Pawang sinusuri ako. Napalabi naman ako.
"May natanggap na. Naunahan ka... Sorry Miss. Siguro hanap ka na lang ng iba" Palala niya.
"Ganun ba? Sege salamat nalang" Paalam ko sa kanya at lumabas sa restu na iyon. Napalabi ako... Tiningnan ko pa ang nakapastel na papel sa labas... alam ko namang pinagluluko ako non. Alam ko namang wala pa, kay bago pa lang nilagay ang papel, kita ko kanina na idinikit ito habang naglakad ako, nasa kabilang gilid kasi ako, nong napansin ko, tumawid ako agad at tiningnan ang papel. Hiring sila ng isang waitress. Di ko na binara ang babaeng iyon baka kasi magalit. Nagawa pang magsinungaling. At siyaka kung may natanggap na...bakit nakapastel padin ito sa labas ng restu nila? Paasa lang ah!
Ipinagpatuloy ko na lang paglalakad hanggang nadaanan ko ang plaza, ang gilid nito ay may nagtitinda ng street foods, bigla namang kumalam ang sikmura ko. Tumawid na naman ako, kasi nasa kabilang side iyon. Kaliwat kanan ang atensyon baka kasi may sasakyang dumaan baka masagasaan ako ng dis oras. Hyst.
Pagkarating ko sa stall...natatakam ako agad dahil sa nakita ko. Dali dali kong binaba ang bag at binuksan iyon, pinasok ko muna ang garapon siyaka tiningnan ang pitaka ko na malapit ng bumitaw...tela lang kasi iyon at ako ang gawa at siyaka butones lang ang panarado.
Bapalabi pa ako ng nakita kong 50 pesos lang ang nandoon. Yong 2 thousand kasi na binigay nong lalaki, noong nasa palengke ako at muntik ng masagaan ay pinagbili ko ng gamit pang eskwela kaya nga ang bigat bigat ng bag ko. May naiwan namang 1 thousand pero ayaw kong igasta baka kasi mamulubi ako pag nagkataon.
"Ilan ho ito ante?" Tanong ko sa may ari. May bumili pa at siksikan na, may iba ding stall na nagtitinda, sadyang marami talagang tao kabilang na ang estudyante kasi firstday ng school. Muntik pa akong mangudngud sa tindahan ng may ari buti na lang naagapan ko agad, kundi paltos ako pag nagkataon.
"Tig fi—ve pesos... pero dyes ang hotdog" Sambit niya.
"Dalawa pong intestine tapos isang hotdog" Sambit ko...kinuha naman niya iyon binigay sakin, binigay ko naman ang bayad ko. Sinawsaw ko muna iyon sa sauce na may kaunting anghang. Binigay naman niya ang sukli ko.
Umalis naman ako sa stall niya at lumipat sa nagtitinda ng buko.
"Buko po isa" Sambit ko, kumuha naman sila ng ice water cellophene na may straw at doon binuhos ang isang baso ng buko.
"Singko iha" Abot niya at binigay ko din ang bayad ko at isauli din niya ang sukli. Dyes kasi iyong inabot ko, kaya dapat may sukli.
Tumalikod ako agad nagitla pa ako ng may nabunggo akong isang lalaki, matangkad pa siya sa'kin at nakasuot ng uniform pang eskwela.
"Sorry po kuya" Paumanhin ko. Tumingin naman siya sakin. May kasama siyang tatlong babae at dalawang lalaki. Kita ko na may angking hitsura din sila.
"Its okey. Next time ingat ka. Okey?" Sambit niya habang ginulo ang buhok ko. First time ko iyon, yong may mag ganun sa'kin. Kita ko pang may umirap sa kasama niya. Yong babaeng kulot ang buhok na kulay dilaw..naka red lipstick siya may laso ang buhok na kulay pula. Maganda siya, pero may iba akong nararamdaman sa kanya.
"Stop being mabait kuya Jolo" Usal nong babaeng dilaw ang buhok. Magkapatid pala sila, pero di naman sila magkamukha.
"What are looking at? Alis na...aabusuhin molang ang kabaitan ng kuya ko!" Sambit niya kaya napasigaw si kuyang mabait na nasa harap ko na Jolo pala ang pangalan. Di naman sigaw as in, pero yong madidinig lang namin.
"Stop it Zyl!" Sambit niya habang nagtitimpi. Naging tahimik naman ang kapatid niyang si Zyl pati na ang mga kasama niya. Umirap pa siya nang tiningnan ko siya.
" Sorry about that" Paumanhin niya.
"Oky lang po! Sege po alis na po ako" Paalam ko sa kanila. Di ko na sila binalingan muli pagkatalikod ko kahit na alam ko na may nakatingin sa likod ko.
Naglakad nalang ako pauwi bahay mga alas sais na ako nakauwi. Maliwanag na ang bahay. At alam ko na nakauwi na si Tiya at Feleste. Patay naman ako nito. Magalit naman iyon si tiya kapag di niya ako nadatnan ng bahay at di nakapag saing.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng may bag akong nakita sa labas ng pinto. Ito yong bag ko, kinabahan naman ako kaya binuksan ko iyon, mga damit ang laman at mga gamit ko iyon. Kaya dali dali akong pumasok, nagulat pa ako ng makita ko si tiya na galit na galit na tumingin sa akin.
"At talagang may gana kapang umuwi?!!" Bulyaw niya "At anong itong nabalitaan ko na pumunta ka talaga sa skwelahan iyon? Diba sabi ko na di ka pwedeng mag-aaral!!" Sambit niya sabay hila ng buhok ko, naoaigik nalang ako dahil sa sakit, parang mahihila pati anit ko.
"Tiya gu-gusto kopo kasing mag aral" Pahayaw kong sambit, bumabaybay na ang luha ko dahil sa sakit, isabay mo pa ang sabunot niya... pinatayo niya ako at sinamapal ng malakas at paulit ulit iyon.
"T-tiya ta-maa napo!" Pagmamakaawa ko. Pero di tumigil si tiya sa pagsabunot at sampal sa akin.
"Salot ka talaga! Dagdag ka sa preblema!! Mas mabuti pang lumayas ka sa pamamahay ko at wag ka ng umuwi. Layas! Salot!" Sigaw niya bahang kinaladkad ako palabas. Iyak lang ako ng iyak.
"Tiya, wag po...wala na po akong mapupuntahan" pagmamakaawa ko. Mas lalo naman siyang nagalit dahil sa sinabi ko.
"Hanapin mo ang nanay mo ang nang—iwan sayo. Wag ako! Pagod na ako!! Ang nanay mong malandi! Sigaw niya at binato ako palabas, pinulot pa niya ang bag na nasa labas at binato sa'kin.
"Wag ka ng babalik!" Duro niya sa'kin bago sinara ang pinto. Iyak lang ako ng iyak.
San na ako pupunta ngayon?
Tay! Tulungan mo naman ako ohh!
Wala akong nagawa kundi maglakad sa eskinita, madilim ang langit at walang kabituin—bituin, wala ding buwan, tanging ilaw lang ng poste ang nagbibigay liwanag. Mag alas—syete na ng gabi, may mga bata pa ding naglalaro sa labas at mga lalaking nag iinuman, may nadaanan din akong nag sugal. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang nakarating sa main road. Traffic parin at pawang uulan pa. Napaiyak nalang ako dahil awang awa ako sa sarili ko. Ayaw ko namang ipagpa—alam kay ate Tene baka bagong pasanin nanaman niya, ayaw ko ng dagdagan pa.
May mga bakla pa akong nakasalubong sa daan na naka gown at naka kolerete ang mukha. Ng napansin nila ako ay binalingan nila ako agad.
"Ay ining? Bat ikaw naglakad sa daan na nag-iisa lang?" Tanong nong isang bakla na maikli ang buhok, malaki ang mata niya at labi, pawang nakakatakot.
"Wag mong takutin ang bata bakla! Natakot na sa mukha mo" saway ng isa habang natatawa. Tinanaw naman niya ako at sinusuri siyaka ngumisi.
" Wala ka bang mapuntahan iha? Ay nako sumama kanalang sa amin at may kalulugaran ka sa aming pupuntahan. At talagang sasaya ka, at kay gandang bata!" hagikhik naman niyang sabi. Hinawakan nila ako at tangkang ipasama sa kanina. Susuntukin ko na sana ng may humintong sasakyan at may lumabas na lalaki doon. Nagulat pa ako ng nakilala ko iyon..yon lang naman ang mga bodyguards ni lola Victoria.
"Ay mayaman pala to. May sundo eh" Bulaslas ng bakla. Di na sila nakapalag ng lumabas si lola galing sa loob.
"What did you do to my apo? Move! Or I will sent all of you into jail!" Saad ng matanda, kaya natakot ang mga bakla at kumiripas ng takbo.
"Are you okay iha? Bat nasa kalasada kapa?" Tanong niya "Hali ka! We will send you home" Anyaya niya. Pero umiling lang ako.
"Wala na akong mauwian. Pinalayas napo ako ng tiya" sambit ko habang di umiyak. Ayaw kung ipakita sa kanya na mahina ako.
"Pinalayas ka? Your teenager? Okay. Accept my offer iha para wala kanang problema. Come go with me" Sambit niya. Tiningnan ko pa siya.
"Don't worry iha, I dont bite!" Natatawa niyang sambit.
Kaya wala na akong nagawa at sumama kay lola Victoria at ito na siguro ang oras para tanggipin ang alok niya para mabigyan naman ang sarili ko.
Dinala ko ni lola Victoria sa isang hotel ang sabi niya dito daw ako titira habang ginawa ko ang trabaho ko para sa apo niya, iniwan niya ako pagkatapos, sabi pa niya na bukas na lang namin paguusapan iyon at ipakilala daw niya ang apo niya sa'kin. Di pa alam ang pangalan kasi di naman sinabi ni lola iyon.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob. Maganda ang kwarto, may kusina, may sala at isang kwarto para tulugan. Maganda din ang kama at may banyo din. Kita ko din na may kabinit na malaki, kulay redbrown. May TV din na malaki sa harap ng kama.
Ang ganda naman ng kwarto ito...nakakarelax...
Pagkatapos ng muni muni, pumasok ako sa banyo, kita ko din na may dalawang tuwalya nakasapay at face towel na nakatupi. Napalabi pa ako dahil may shampoo, sabon, toothpaste at toothbrush ang nandoon, nakalagay sa munting sink na naka hang. Kaharap nito ang malaking salamin. May pabango din sa ibabaw nito. Inaamoy ko iyon at subrang bango.
Pansin ko din na may kurtinang nakaharang, yon pala ay bathtub , puti ang kulay at malaki iyon, at gilid naman nito ay may shower. Makaka wow ka talaga dahil sa kasosyalan.
Kaya naisipan ko na lang maligo, total nasa loob naman ako, ginamit ko ang bagay na nasa loob, kahit ignorante ang tulad ko, pagkatapos ginanamit ang tuwalyang nakasampay, bago lumabas at nagbihis. Inayos ko muna ang aking dalang mga gamit bago lumabas at dumeritso sa kusina, napangiti pa ako dahil sa nakita, talagang napakabait ni lola Victoria, talgang kupleto lahat, as in, may laman na ang ref at may delata din sa mga cabinet. Talagang pinaghandaan ni lola.
●●●●
Para akong nauupos na kandila sa aking kinauupuan habang kaharap si lola. Andito lang naman ako sa bahay niya. Sinundo ako ng driver niya kanina at dinala sa habay. Namangha pa nga ako pagkapasok ko sa bahay dahil sa ganda nito, talagang nababagay ang lahat, gaya ng kulay na ginamit at mga kagamitan na nakahalera. Mamahangha ka din sa garden nila na nasa labas dahil napakaganda ng pagka ayos noon. Talagang nilalaanan talaga ng oras habang ginagawa.
Tiningnan ko si lola V na nakaupo sa couch habang pinagkaabalahan ang mamahaling cellphone niya. Sabi niya may hinihintay pa daw kami. Maya maya may pumasok na lalaki. May kaedaran na. Mga around 41, ito siguro ang bantayan ko. Pero? Ang sabi ni lola apo niya! 60 na si lola, paano naging apo niya to! Kumunot naman ang noo ng nakita ako.
"Whose this girl? Ma?" Tanong niya. Ma? So? Mama niya si lola Victoria. Umupo naman siya sa bakanting upuan na nasa sala.
"She's Lyly. Ito ang sinabi ko sayo na tumulog sa'kin ng na snacth ako" Sabi ni lola V. habang nakangiti. Di naman as in tumulong yon, si lola V. Talaga!!
"Ohh! Ikaw pala iyon. Nice to meet you. Im Arnes Estrada" Pakilala niya bago nakipagkamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon habang ngumiti.
"How old are you iha?" Tanong ni sir Arnes habang pinagsakop ang dalawang kamay at tumingin sa akin. Habang si lola naman ay busy sa kanyang mamahaling cellphone.
"16 po" sagot ko. Nagulat naman siya parang di makapaniwala na 16 pa ako.
"You only sixteen?And my mama, get you as a bodyguard to my son?" Gulat niyang sabi habang binalingan si lola V. Pinagtaasan naman siya kilay ng mama niya.
"Arnes, don't understimate the 16 year old girl. Di natin alam na she's a lot of skills to do kay sa mga 30s" Sambit ni Lola V. Kaya napatikom nalang ng bibig si Sir Arnes. Pawang di tanggap ang desisyon ng mama niya. Napabuntong nalang si sir Arnes.
"Okey, if that want you want mama. Ang apo mo na lang. I dont think so, if he need that" Sambit niya. Napakagat labi nalang ako habang nakayuko. Feeling ko kasi minamaliit ako.
"Alam mo namang matigas ang ulo ng anak mo Arnes. Kahit ikaw di mo napatino"
"Thats the point mama. Lyly is only sixteen...their's a lot of men their to choose!"
"Stop Arnes. Ang gusto ko ang masusunod. And what the problem for being sixteen to be a bodyguard? Don't judge first Arnes. Remember madami kanang nakuhang bodyguard sa anak mo. But where are they? Wala! Dahil sa anak mo na matigas ang ulo!" Sigaw ni lola V. Nakinig lang ako sa kanila habang nagpalitan ng mga salita.
"Okey mama. Di ko na iyan pakikialaman pa. I need to go mama I have a meeting pa. And sorry for being rude" Sambit niya. Hinalikan pa niya ang kanyang mama bago umalis. Napahinga naman ako.
Binalingan naman ako ni Lola V. At ngumiti. Bago binaling muli ang kanyang atensyon sa phone. Pawang may tinatawagan.
"Where are you apo? Kanina pa kita hinihintay" bungad ni lola sa kanyang katawagan.
"What? What will you do?"
"Okey, but don't do alibi tomorrow. I need you to meet someone. Understood?" Huling sabi ni lola V bago binaba ang cP niya at bumaling sa'kin.
"Tomorrow nalang kayo mag meet. Dito padin sa bahay, at ipapasundo nalang kita ulit. And thank you sa pag accept ng offer ko Lyly" Ani ni lola. Ngumiti nalang ako. Pinahatid niya ako ulit sa unit na binigay niya sa'kin.
Wala akong nagawa sa loob ng unit kundi nanood nalang ng Tv. Sabi ni lola V na sa lunes nalang daw ako papasok, kasi tinatrabaho pa niya ang papers ko.