KABANATA APAT
Ganun ba talaga ang buhay ng tao? Kailangan suungin ang mga bagay na hindi rapat gawin at di pwede. Sa murang edad palang ay natatamasa ko na ang kalungkutan at napag-iwanan at nag-iisang harapin ang suliranin.
Mahirap mag isa, mahirap walang magulang na siya dapat ang tutotok sayo upang ikay dadaan sa magandang daanan patungong bukas.
Pero paano mangyari yon? Kung nag-iisa kalang sa buhay, tanging walang gusto sayo, parang pinagsakluban ka ng mundo. Sa liit mong tao? Lalo kapang liliit dahil sa laki ng mundo.
Sa ika 16 ng aking pamamalagi sa mundo, marami na akong napagdaanan. Iniwan ng inay at kapatid, iniwan ng ama, naranasang maging snatcher, yes naranasan ko yan sa edad na otso. Pagtungtong ko kasi ng utso biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko, di ko alam kung paano. Basta unti-unti akong gumaling. Sa edad na dyes, nagkasakit si itay, kaya pinagpatuloy ko ang pagnanakaw malapit sa palengke, madami kasing tao don. Pag sabado at linggo naman ay nakisali ako ng suntukan may pustahan kasi. Minsan nga umuwi akong may pasa sa mukha. Mga dalawang taon din ako sa gawaing yon, at nakasanayan ko na lang.
Pero hininto ko ang mga iyon ng napansin ako ni tatay kaya pagtitinda na ng balot ang ginawa ko, kahit na mas malaki ang makuha ko ng pera sa una kong ginawa.
Pero sa halip non, nakapag aral naman ako. Pinabalik-aral ako ni itay. Nahinto kasi ako nong nagkasakit ako sa edad na anim. Grade 1 ako non. Pero dahil nagkasakit ako, pinahinto ako ni inay at itay.
Pero akala ko, di na ako maiiwan, nagkamali pala ako dahil sa edad na doses, pumanaw si itay at iniwan din niya ako. Kaya napadpad ako sa Maynila, dahil kay tiya Feste, pero akala ko maging maayos ang buhay ko sa kanila, di pala. Dahil para akong daga sa kanilang pamamahay dahil ginawa akong utusan at katulong. Tanging si ate Tene lang ang mabait sa akin. Nakapag-aral naman ako pero hinto-hinto iyon, ayaw kasi ni ate tiya, pero mapilit si ate Tene. Kaya nakapag aral ako ng junior highschool.
Napatulala nalang ako kapag inalala ko ang kahapon, nakahiga pa ako sa kama habang nakatingala sa ceiling ng kwarto.
Kumusta na kaya sila? Si inay at kambal...naalala pa kaya nila ako? Na-mi-miss? Hinahanap?
Ciguro hindi! Iniwan nila ako, at hinayaang mag-isa.
Di ko alam at bigla nalang tutulo ang luha ko pag naiisip ko iyon. Nakakalungkot, nakasasakit ng puso.
Bumagon nalang ako at inayos ang kama. Alas sais pa ng umaga, nakasanayan ko ng maagang gigising. Maratoner kasi ako sa bahay ni tiya, dapat pag-gising niya nakaayos na ang lahat. Sa pagkain at malinis na ang buong bahay.
Binuksan ko muna ang bintana na nasa gilid ng cabinet, napatakip pa ako sa aking mga mata dahil nabigla sa liwanag na hatid ng sinag ng araw.
Napangiti pa ako ng napagmasdan ko ang magandang langit, kulay asul iyon. Sana ganyan ang buhay ko, maliwanag at walang problema.
Inayos ko muna ang kurtina bago lumabas ng kwarto. At pumunta sa kusina. Nagsaing muna ako. Nagluto lang ako ng egg at hotdog. Yong madaling maluto. Lumabas muna ako sa unit para ilagay ang basura na nasa trashcan. Dumami kasi ito dahil naglilinis ako kagabi. Madami kasing mga bagay na nagkalat sa kabilang bahagi ng kitchen kaya itatapon ko sa baba. Ngayon kasi ang araw na hahakutin ng mga basurero ang mga basura,, kaya kailangan ilagay na ito sa baba.
Lumabas ako sa unit, pansin ko pa na may lalaking lumabas sa isang unit. Naka uniform na siya, naka push up ang buhok na kulay blonde. Tanong ko lang? Nakakagwapo ba pag may kulay ang buhok? Bat ko pa tinatanong, talagang nakakagwapo iyon sa kanila, dahil nga nagpakulay, it means bagay sa kanila kuno...
Tiningnan ko siya muli at pansin ko din na maganda ang kanyang tindig.
Kumunot naman ang noo niya ng napansin niya akong nakatingin sa kanya. Kaya umiwas nalang ako sa kanya at naglakad habang bitbit ang isang plastic bag ng basura.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground button. Isasarado ko na sana ng may pumasok, yon yong lalaking kulay blonde ang buhok.
Tiningnan pa niya ako, bago pumasok. Nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bawat gilid ng kanyang pantalon.
Tahimik lang kami sa loob ng elevator habang binaybay ang bawat floor bago makababa sa first floor or ground floor. Nasa fift floor kasi ang unit ko. At nakalula ang kataasan non.
Maya maya ay huminto ang elevator, at may pumasok na dalawang babae at isang lalaki. Ramdam ko din na mga estudyante sila dahil sa suot nilang damit. Napasuksok pa ako sa gilid, dahil ramdam ko na maaarte ang mga kasama ko. Maingay, pansin ko nga na naiirita na ang lalaking kulay blonde ang buhok.
Pagdating ng ground floor, ay pinauna ko muna silang lumabas, bago ako sumunod. Pansin ko din na kanya kanya silang lumapit sa mga sasakyan nila.
Nilagay ko agad ang basura sa malaking plastic box na kulay green, nilagay ko ang malata sa isang box na may markang Malata at di malata sa kabila bago bumalik sa loob.
Naligo ako agad pagkarating ko bago kumain ng agahan.
Napahinto ako sa pag kain ng may nadinig akong kumatok sa labas ng unit. Kaya dali dali ko iyong pinuntahan at iniwan ang kinain ko.
Pagkabukas ko nadatnan ko ang dalawang lalaki na nakasuot na uniforme. At ito ang mga bodyguard ni Lola V.
"Pinasusundo ka na ni Madam Victoria Miss, Santos" Pormal niyang sambit.
"Sege, wait lang sir, liligpitin ko muna ang pinagkainan ko" Sambit ko. Tumango naman siya. Ipapasok ko sana sila sa loob, pero ayaw nila, don nalang daw sila sa labas at maghihintay.
Bumalik ako sa kitchen at niligpit ang pinagkainan ko. At nilagay sa ref ang ulam na di pa ubos. Nag toothbrush muna ako, nag ayos ng kunti bago lumabas ng unit.
Sumakay kami ng elevator agad. Maya maya nakarating na kami sa ground floor at ginaya nila ako agad sa isang magagandang sasakyan, iba na naman iyon, kahapon kasi iba. Naks lang, ang daming sasakyan ni lola, talagang mayaman...
Pinatunog ko ang baba ko at umiling, tiningnan pa ako ng dalawa, pawang nagtataka kaya ngumiti nalang ako sa kanila para hindi na lalo pang kumunot ang mga noo nila.
Nasa backseat ako habang sila na sa frontseat. Ang isa ang nagmaneho sa kanila. Tahimik lang ako habang pinakinggan ang dalawa sa harap habang naguusap.
"Sa tingin mo magugustuhan kaya ni Boss J. Ang gusto nang lola niya?" sabi ng driver sa kanyang katabi.
"Iwan ko...wala akong ideya jan. Pero wala namang magagawa ang apo niya pag si madam ang nagsabi" sabi ng isa. Napakonot naman ang noo ko dahil sa mga usapan nila. Mga chismuso rin pala to! Isumbong ko kaya to! Joke lang, di naman ako sumbogera.
At sino naman yong Boss J. na sinasabi nila?
Huminto naman ang dalawa sa pakipag chismiss ng naalala nilang kasama nila ako sa loob ng kotse.
Buti naman pag ganun, para naman maging tahimik na ulit.
Ilang oras ng paglalakbay ay nakarating na din kami sa tahanan ni lola V. ay dapat madam, di ko naman siya lola eh! Baka maisipan pa ng iba na feeling close ako...tsk!
Pumasok naman ang sasakyan sa loob ng pinagbuksan kami ng gate, bumungad sa akin agad ang ganda ng kanilang garden at magandang aspeto ng front view ng kanilang bahay. Maganda talaga.
Nakita ko na ito kahapon pero di ko parin maiwasang mamangha sa ganda nito.
Nagulat pa ako ng may nagbukas ng pintuan sa gilid ko. Yon pala, yon yong katabi ng driver, di ko pa sila kilala. Kaya its better na di na kilalananin pa.
Ngumiti nalang ako sa kanya pagkalabas ko ng kotse.
Hangin agad ang sumalubong sa'kin pagkalabas ko. May nakita pa akong babaeng nagbitbit ng aso. Parang pine-pet walk niya, tatlong aso iyon. At ang cucute tingnan.
"Sa sala kanalang maghintay miss Santos. Tatawagin ko lang si madam sa opisina niya" Sambit ng isa. Tumango nalang ako.
Umalis na ang dalawa at may kanya kanya ng ginawa habang yong isang B1 ay pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya.
"Iynoo stop" rinig kong tawag ng babae kaya tiningnan ko iyon. Yong babae lang namang may kasamang tatlong aso, sumisigaw siya dahil nakakalas ang asong nangangalang Iynoo habang tumakbo patungo sa kinarorounan ko.
Teyka? Sa kinarorounan ko?
Na estatwa naman ako..habang dinig na dinig ang sigaw ng babae sa pangalan ng aso, pero di huminto ang aso. Malaki pa naman ang asong iyon kulay puti. Di ko alam kong anong klaseng aso ito, pero basta malaki siya kaysa ordinaryong aso sa Pilipinas.
Gagalaw na sana ako para tumakbo pero huli na ang lahat, kasi dinakma ako agad ng aso, and takenote natumba pa ako. Pumikit nalang ako dahil sa takot na baka kagatin ako ng dambuhalang aso na ito. Pero sa halip na kagat ang maramdaman ko, kundi laway iyon.
Kaya napadilat ako. Dinidilaan lang naman pala ako ng aso, kaya napaupo ako...ang cute niya.
Hinimas ko ang aso, nagpahimas naman siya parang nagpapalambing. Dinidilaam naman niya ang kamay ko habang hinihimas ang leeg niya.
"Sorry maam! Iynoo stop that!" Hingal na sambit ng babae pagkarating niya habang bitbit ang dalawa pang aso. Katulong pala ito ni Madam V.
"Okey lang walang problema" Sambit ko habang himas parin ang asong nangangalang Iynoo.
Pansin ko din na lumapit ang dalawa sa'kin pawang nagpapalambing din kaya napangiti ako. Dahil sa ka cute-tan nilang tatlo.
"Parang gusto ka nila maam. Natakot nga ako eh, nang biglang naging makarag silang tatlo, kaya nakawala si Iynoo sa lubid niya. Natakot ako ng lumapit siya sa iyo. Akala ko kagatin ka na niya, pero nagulat ako ng nakita ko ang ginawa niya" Napahinto siya habang tumingin sa aso.
"Bakit naman, mababit naman ang tatlong asong ito ah?"
"Naku! Mahirap nga paamuhin eh, ako nga natakot nong una kasi nakakatakot talaga. Halos tatlong buwan ko rin silang napa amo. Pero ang mas nakakagulat ng nagustuhan ka nila agad, sa halip na ngayon kalang niya nakita" Naguguluhang sambit niya. Napangiti nalang din ako. Kasi ako mismo di ko rin alam.
"Siguro may something sayo"
"Naku wala naman. Siguro nagkataon lang. Nature nature kasi ang mood ng aso. Baka sa sususnod na araw niyan mag bago din ang mood ng asong to"
"Di naman. Talagang ramdam ko na gusto ka nila"
"Ano pala ang panglan ng dalawa?" tanong ko.
"Si Chushie ang babae at si Furton, lalaki siya. At si Iynoo naman ang first baby nila chushie at Furton" Pakilala niya.
"Cute naman. Complete family palang ang peg ng aso." Ngiti kong sambit. Habang hinihimas ang tatlo.
"Alis muna kami. Ipapasok ko sa bahay nila"
"Sege" Sambit ko.
"Lets go Iynoo" Hila niya sa aso. Kumakalas pa sana si Iynoo, pero kalaunan ay nagpahila na rin. Tiningnan ko naman silang naglakad, pansin ko pa nga na bumabaling ang tingin sa'kin si Iynoo kahit na naglakad siya. Kaya kinawayan ko nalang siya and mouthed "Be a good boy".
Pumasok ako agad sa loob ng di ko na sila nakita. Pagkapasok ko ay siyang pagbaba ni Madam V.
"Goodmorning iha...maupo ka"
"Goodmorning din po" Bati ko pabalik habang umupo.
"Tapos kanag kumain?" Tanong niya habang umupo sa harap ko.
"Tapos na po ako"
"Ang aga naman! Kape gusto mo?" Tumango nalang ako.
"Anong flavor ang gusto mo?"
"Kahit ano nalang po?"
"Nalang? I dont accept kahit ano nalang!" Sambit niya habang nakangisi. kaya ngumiti nalang ako.
"Ah...eh..coffee stick po" sagot ko habang naiilang kay lola.
"Coffee stick? Yong puro?" Tanong niya. Kaya napatango nalang ako.
"Oh I see. Pareha kayo ng apo ko. Mahilig sa puro coffee stick" sambit niya siyaka ngumiti.
"Yaya!" Tawag niya sa katulong may lumapit naman sa kanya. Nakasuot ng dilaw na dress at may parang headband na rebon kulay mabulaklaking dilaw at may kurting dahon sa gilid sa ulo nagmumukha itong bulaklak dahil sa purma, naka sock din siya ng itim at puting sapatos. Ang cute! Parang gusto ko ditong magtrabaho dahil sa ganda ng suot nila. Napansin ko na ito kahapon pero di ko n binigyang pansin pa.
"Ano po yon madam?" Tanong agad ng yaya kay madam.
"Magtimpla ka ng kape. Isang stick coffee na puro at gawan mo din ako ng tea. At siyaka magdala ka na din ng pandesal" utos niya.
"Upo madam!" Sabi ng katulong bago lumisan at pumanhik sa kusina.
"What grade are you in this year iha?" Tanong ni lola.
"11 po madam" sagot ko. Kumunot naman ang noo dahil sa sagot ko. May mali ba sa sagot ko?
"Madam? Don't call me madam iha. Lola dapat ang itawag mo sa'kin para nadin kitang apo. And I saw what my dogies did to you. I see na gusto ka nila" saad niya kaya napangiti nalang ako.
Tumikhim naman si lola.
"You are grade 11. My apo is 12" Sambit niya kaya napakunot ang noo ko. Grade 12. So? Matanda pa sa'kin?
"Na process ko na ang papers mo, at sa grade 12 ka papasok kung saan ang apo ko, same course. Alam ko namang yon ang gusto. An Business administration" sambit niya kaya nagulat ako. Napahinto lang iyon ng dumating kape namin na may kasamang pandesal.
Nilagay naman ng katulong ang kape sa akin at may pandesal sa harap ko.
"Drink your coffee iha" sambit ni lola habang uminon ng tea niya. Pagkababa niya ng baso ay bumaling siya agad sa'kin.
"Alam kung nagulat ka iha. Pero kailangan kung gawin yon upang mabantayan mo ang apo ko. Its better na pareha kayo ng schedule para masubaybayan mo siya lage.
"Pero paano po iyon Ma- I mean lola? Paano po iyon nang yari?" Naguguluhan kong tanong..pwede ba yon? Papasok ka ka-agad sa twelve kahit di ka nakapag grade 11?
"Im the owner iha. And I can do things...madali lang naman yon, At nakita ko na naman ang mga grado mo sa grade 10, you have a high grades. And your intelligent. No doubt to your brains and pwede ka agad ipasok don. And I know naguguluhan ka! As I said to you earlier I have my own way's iha" Paliwanag niya. Kaya wala na akong masabi pa. Kung yon ang gusto ni lola
"By the way may apo is 18" sambit niya kaya nagulat ako. 18? 18 ang babantayan ko? Naloko na.
Bago pa ako makapagtanong muli kay lola ay may pumasok na lalaki.
"Im here lola" bungad niya at hinalikan ang lola niya sa pisngi. Di ko pa nakita ang mukha nakatalikod kasi sa akin, pansin ko lang ang buhok niyang kulay blonde. Naalala ko naman yong lalaking nakasabay ko sa elevator ang mala ice na lalaking iyon.
"O apo. God to be the glory and you are here. Akala di kana naman sisipot. Maupo ka" Sambit ni lola at pinaupo ang lalaki. Umupo naman ang lalaki. Nagulat pa ako ng nagtama ang mga mata nmin. Nagulat din siya. Siya lang maman yong lalaking kasabay ko sa elevator yong blonde ang buhok. Binalingan niya ang lola niya na nakangiti na ngayon.
"Why do you need me to here lola? And who is she?" Bored na bored niyang sabi.
"She's your new yaya lola?" Tanong niya muli. Tumawa naman ang lola niya habang ako dito tahimik lang habang sinusuri ang ugali ng lalaking ito. Ramdam ko na magaspang ang ugali niya. Sa pananalita at galaw palang
"Oh apo. She's Lily Santos" sambit ni lola.
"So? Anong paki ko diyan lola. And why do I need to know her name?" Bored naman niyang sambit, magaspang talaga ang ugali ng lalaking to!
"Jeveness Urial Estrada. Stop for being rude!" Suway niya sa lalaki na ganun pala ang pangalan, kala talaga niya korean star eh, para sa'kin mukha siyang alien, dahil sa buhok niya.
"She's your new P.A and Bodyguard" sambit ni lola habang umiinom ng tsaa niya. Nagulat pa ako ng napasigaw siya.
"What? Bodyguard? Are you serious lola? Im too old enough para may bodyguard?" Sambit niya habang inis na inis niya.
"Don't shout apo. I have an ears. And Im so near to you..And look at you? Di ka nga bata but you act like a child" Bulyaw ni lola..tatawa na sana ako. Pero wag nalang naka tingin kasi sa'kin si alien eh, mahirap na.
"Lola!" Inis na sambit ni alien sa lola nila.
"Your too old enough nga pero hanggang ngayon 12 ka parin. Kailan ka magtanda apo? Besides Miss Santos is good. No need to put pressure to your self. Bodyguard lang naman and the same time maging P.A mo if you need anything, hindi naman siya maging asawa mo para mag alburoto ka diyan!" Sabi ni lola. Napapikit naman si alien at dumako agad ang kanyang tingin sa'kin pagmulat niya, galit na galit siya. Bat ba siya magalit sa'kin? eh, wala naman akong paki..besides its lola decision not mine. Tsk!
"How old is she lola?" Tanong ni alien.
"She's sixteen turning to 17 I guese" cool na sabi ni lola. Nagulat na naman si alien parang nagtitimpi na talaga sa galit. Tsk!
"You get new bodyguards but sixteen pa... lola naman"
"Stop that act apo. Mahiya ka sa kaharap mo. She's a lady. Act like a gentleman. At siyaka my desicion is final at wala kanang magagawa. Miss Lyly is your everything now, not a Wife okey? And of course she is your classmate at ka same hotel kayo at magkaharap lang ang unit niyo"
"Okey if that you want lola" sambit ni alien. Kahit alam ko namang nagtitimpi sa galit.
"I need to go I have a class" Sambit niya kay lola at humalik sa pisngi nito.
"Be sure na sa klase ka puounta Mr. Jeveness Urial Estrada not in Racing Car show!"
"Im good man now!" Sambit nito. Napangiwi naman ako. Goodman? As if!
Tinaasan ko pa siya ng kilay ng galit siyang tumingin sa'kin. Pawang pina- alala niya sa'kin na nagkakamali akong maging bodyguard niya. As if I care. Kung bigwasan ko kaya siya.
Umalis na man siya na iba ang bigat ng dibdib. Tsk! Akala naman niyang gusto kung maging bodyguard niya. Si lola kasi mapilit eh.
"Sorry about that iha!"
"Okey lang po!"
"So, everything is okey now, you can start on monday"
Sambit ni lola. Tumango lang ako at OO lang ang sagit ko sa bawat tanong niya.
Pagkatapos non. Pinahatid na naman ako ni lola V. Sabi niya. Tatawagan nalang daw niya ako if may, another info siyang isasabi sa'kin.