KABANATA ANIM
After class dumiritso agad ako sa Canteen, di 'ko na nakita si Urial kanina sa last Sub. Pinagtitinginan din ako ng ibang estudyante pagpasok ko sa loob ng canteen. Kasi naman, sino ba namang students na nakaganito ang postura, naka uniform nga pero naka suot ng oversized plain black jacket at isama mo pa ang black cotton shose na suot ko.
Di ko na lang sila pinansin at naglakad nalang habang nakasukbit itong malaki kong bagpack sa likod.
Maraming tao sa loob ng canteen, halo-halo ang Junior, Senior High. May college din. Malaki naman kasi ang canteen nila parang tatluhang room.
Pansin ko din na separate ang bawat building according to its color.
Sa Junior High ay light green.
Sa Senior High ay may pagka light yellow.
Sa college naman ay dirty white.
Makilala mo din kung senior high, junior high at college students ka, dahil da uniform.
Sa Junior high ay color green yong palda nila, white blouse na may colar at rebbon na color green. Pero sa boys ay black pants at white polo.
For Senior, yon nga, maroon ang palda, white blouse na may nectie. Sa boys naman ay same sa color ng palda namin, na kulay maroon pero may tuxedo lang sila na kulay Maroon din.
Makilala mo din kung college ang estudyante dahil sa uniform nila. Pero pansin ko lang din iba iba ang uniform bawat courses. Iba ang uniform da education, Business add, IT, at iba pang courses.
Pero ang kinaguhuluhan kulang kung bakit iisa lang ang canteen?
At?
Wala akong napansin na elementary students. Siguro nasa kabila, may harang kasing bakod. Separates ang building ng elementary, sa bagay mga baby pa kasi sila masyado para makihalo sa mga malalaki. Baka mapano pa. Pansin ko pa naman na pumapatol ng kung ano-ano ang mga students dito.
"Great!!" Inis kung usal ng may bumangga sa'kin and takenote natapunan pa ako ng something na bitbit niya. Meron pa siyang kasama. Mukha na akong basahan. May nakapansin sa'min dahil, pero ang iba walang paki, busy kasi sa luch nila.
"Oops, sorry! Paharang harang ka kasi eh!" Asar niyang sabi. Natatawa na siya pati na'yong dalawa niyang kasama. And nakita ko na siya, siya lang naman yong babaeng nagsasabing di ako bagay sa school na'to.
Napapikit ako sa inis dahil sa kanya, idagdag mo pa ang makapal niyang make-up na lalong nagpakapal sa kanyang mukha. Pagmulat ko, nakita ko si alien sa di kalayuan, nakangisi siya habang nakatanaw sa amin at sa'kin. Akala siguro niyang di ko siya nakita. Kasama pa niya yong dalawang asungot.
"Anong problem mo?" Tanong ko sa kanya habang nagtiyimpi. Kunti nalang maka bigwas na ako ng mukha ng tao.
"Wala! Gusto lang namin. Basura ka kasi kaya dapat tinatapunan ng basura ang kagaya mo!" Usal niya, habang nakangisi. Di ko na siya binalingan dahil na'kay Urial the alien ang pansin ko. Alam kong siya ang may pakana nito.
"Talaga? Basura? Bakit? Natingnan mo naba ang sarili mo sa salamin? You know what? Mas mabuti pang wag kang susunod sa taong nag-utos sa'yo kasi para kang iwan" Sambit ko. Nagitla naman siya pati na'yong kasama niya.
Halata kasi masyado yong boss niya. Mang-uutos na nga di pa sinagad.
Lumapit ako sa babae at bumulong habang nakatingin kay Jeveness Urial the alien.
"Next time! Do a great job. Yong masarap talaga! Okey? Halata kasi yong boss mo eh!" Bulong ko. At umalis, kita ko pang kumunot ang noo ni alien kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Dinig ko pang napapadyak sa inis yong babae...tsk! Parang bata talaga..hayst.
Bumili agad ako ng pagkain sa stall. Fried chicken, one cup rice at mineral water lang ang binili ko, pinabalot ko lang sa may-ari, kasi sa gusto kong sa labas nalang kakain.
Lumabas ako agad sa canteen tapos kong bumili at maghahanap ng magandang pwesto. Dumaan pa ako sa soccer fields. Madaming naglalaro na mga estudyante at sa bawat gilid nito ay may mga bleacher. Pero may nakaupo don na nakipag chismisan at nagkantahan. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad at paghahanap. Sa kalagitnaan ng aking paghahanap ng napadpad ang aking mga paa sa isang magandang garden, may malaking puno iyon at malapad na bato.
"Wow" Ang naisambit ko. Namangha kasi ako sa ganda ng garden. Dali dali akong lumapit sa puno at umupo sa malapad na bato. Hinubad ko muna ang malaki kung Jacket at nilagay sa loob ng bag bago inayos ang pagkaing binili at agad kumain.
Kain at pagmamasid lang ang ginagawa ko. Marami kasing bulaklak sa garden may bubuyog at butterfly na nagsisiliparan at dadapo sa mga bulaklak na gustong gusto nila. May natanaw din akong rosas sa di kalayuan na kulay dugo ito. Minsan maiisip ko ang mga sinasabi ni papa kapag nakakita ako ng bulaklak. Mga salita niya noong buhay pa siya.
"Tay bat po may Rose sa pangalan ko? Paborito po ba iyon ni inay?" Tanong ko kay itay, habang nakahiga siya sa lumang katre.
"Rosas at morning glory ang poborito ng inay mo, at lily naman ang gusto kung bulaklak. Kaya nga ang mga pangalan niyo ay kinukuha sa mga bulaklak na paborito namin ng inay mo." Sagot ni itay, habang inaalala ang mga pangyayari. Kita ko pa ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Ikaw si Lyly Rose at Zyly Morry naman ang pangalan nang kambal mo."
"Bakit po Rose itay?" Tanong ko, kaya napatingin si itay sa'kin. Ngumiti naman siya.
"Dahil ang Rosas ay maganda pero sa kagandahan nito ay may mga tinik. Ganyan ang nakita ko sa'yo anak. Ang pagiging matapang at malakas ang loob ang siyang tinik mo upang mabuhay ka. Kaya wag mong hayaan na mawala iyon sa iyo. Kung nakikita mo mang nalalagas ang bawat petals ng rosas, pero di nangangahulugang malalagas din ang tinik nito. Hayaan mo lang iyon, dahil unti-unting may bagong sisibol at mamukadkad ng panibagong rosas para humahalimuyak at makapagsimula ka muli"
Mga salita ni itay na nagpa-alala sa'kin, kung bakit may Rose sa pangalan ko. Napangiti nalang ako habang tiningnan ang bulaklak na iyon.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Pagkatapos niligpit iyon kaagad. Seguro sa susunod magbaon nalang ako para deritsyo ako agad dito.
Tiningnan ko muna ang garden ng ilang minuto bago umalis. Pupunta muna ako ng library para manghiram ng libro about sa subject. Para naman di ako masyadong walang alam.
Pagkalabas ko sa garden, ay ingay kaagad ang sumalubong sa'kin. Liblib kasi ang garden na iyon at di masyadong maingay. Pero heto, chismisan, at sigawan naman ang bumungad sa'kin. May naglaro sa court at sa fields. Kanya kanya ang mga studyante.
Talagang malaki ang school. At kung wala kang map, maliligaw ka talaga. Buti nalang may mapang naisama si Lola V. sa class sched ko.
Kring kring
Tunog ng phone ko. Kaya dali dali ko iyon kinuha sa bulsa ng palda ko. At tinanggap ang tawag.
"Iha? Musta? How's your day?" Bungad ni lola.
"Okay lang po lola" Kahit na pinatid ako ng apo niyo.
"Thats great! Where he is by the way?"
"Nasa canteen siya" sagot ko. Kahit na alam kong di pumasok iyon sa last sub sa umaga.
"Ikaw nasaan ka?"
"Pupunta lang ako sa library, manghihiram ng books lola" Sagot ko. Habang nagpatuloy sa paglalakad. Minsan may nakasagi sa'kin at tinataasan ako ng kilay. Maldita talaga, eh, sila nga ang nangsagi.
"Oh sege. I hang-up na. Basta tell me if what my apo did, this day, okey! Don't shy to tell. If you need anything just ask me also. Okey apo?"
"Okey po lola. Thank you po!" Sagot ko at binaba ang phone. Pasalamat ang gagong iyon at di ko sinumbong ang kabalastugang ginawa niya sa araw na ito.
Pinasok ko agad ang magandang 11hundred kung phone na sira sa palda dahil sa mga studyantemg natatawa habang nakatingin sa phone ko.
"Oh my God. Her phone is so cheap. Weird girl!" Bulong nong isa habang natawa, nakitawa naman yong iba. Bulong bulong pero dinig ko naman. Bobo lang!
" I think she's poor, girls. But why she's here in this expensive school?" Sambit naman nong isa.
"Maybe na scholar. Great! May mapaglaruan na naman akong bago!" Usal naman ng isa.
"She's look like a probinsyana!" Sambit naman ng isa habang natatawa..Di ko na sila pinasin. Bahala sila. Makipaglaro sila sa sarili nila.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang nakarating sa library. Pumasok ako kaagad at pinakita ang ID. Swipe pala ang gagawin para ma Identify ka.
Naghanap ako kaagad ng books sa bawat section. Malaki ang library at di mo kita ang dulo. Pansin ko rin na kaunti ang mga students na nandito kaysa labas. Mas prefare nila ang maglaro at mag-ingay kasama ang mga guitara nila.
Dumiritso ako sa dulo ng library at doon naghanap. Kukunin ko'na sana yong Business statistic books ng may nadinig akong nag-uusap. At kilala ko yong boses.
"Are you crazy? Naniniwala ka talaga?" Tanong ni alien sa babae. Yon lang naman yong babaeng bumangga sa'kin kanina sa canteen.
"Ginawa ko ang gusto mo. You said if magawa ko yon. Mamahalin mo ako pabalik" Tsk! Crazy girl...naniwala naman sa alien na to. Sumilip naman ako. Kita ko ang expression ni alien na nakangisi, habang naiiyak na ang babae
"And you believe about that? Your the one who push yourself, not me"
"But Jev?"
"Stop. I don't like you. Understand?...At siyaka di mo naman nagawa yong sinabi mo. Don't make a hard yourself"
Huli kong rinig galing kay alien. Umalis na kasi ako don. Ayaw ko na silang paking—gan pa. Hyst!
Naghanap ako ng ibang books habang bitbit ang business Statistics. Ng nakapili na ako. Naghanap ako agad ng uupuan. Nakita ko pa si Diego ang presidente ng room namin na naghanap din ng libro. Pero di ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang paghanap.
Pinili ko ang upuan na nasa dulo ng library, para di kita.
Umupo ako agad at nagsimulang magbasa. Panorama of World Literature for Filipinos ang pangalawang kinuha ko. Mahilig ako sa history. Ang nakapaloob kasi sa librong ito ay ukol Beginning of world, Folks at iba pa.
Panorama of World Literature for Fipinos was edited by Celso Al. Carunungan (1966)—JMC PRESS, INC.
Busy ako sa pagbabasa sa part one ng libro which is IN THE BEGINNING WAS THE WORLD—Genesis Through Many eyes"In the beginning" ng may taong umupo sa harapang upuan na kaharap sa upuan ko. Tiningnan ko iyon and it was Mr. Diego, our classroom president.
"Can I?" Tanong niya. Nag tanong pa, eh, umupo na nga siya. And also, ang daming upuan dito tapos dito talaga siya umupo.
"Its Okey Mr. President" Sagot ko. Ngumiti naman siya ng bahagya dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa don?
"Its Diego. Call me Diego" Sambit niya.
"Okey...Diego!" Sambit ko nalang.
"What that books?" Tanong niya sa'kin. Habang nakatingin sa librong hawak ko.
"Literature" iksi kong sagot. Tiningnan ko naman ang librong kinuha niya. Its Statistics.
"Mahilig ka sa history? Folks?" Tanong niya muli.
"Yep. At ito lang ang bagay nagpapalibang sa'kin, maliban sa paglilinis" Saad ko. Natawa naman siya ng bahagya, dahil sa sinabi ko.
"You know what your something!" He said. Tiningnan ko lang siya at di na nagsalita pa. Di naman siya nagsasalita. Seguro na feel niyang ayaw ko ng ingay kaya siya tumahimik.
Natapos ko ng basahin ang first story ng books. Kaya tumayo na ako para sa next sub.
"Una na ako sa'yo, Dieg" Paalam ko.
"Sabay na tayo..magkaklase naman tayo" Sambit niya at agad tumayo. Tumango nalang ako. Nagpunta muna ako sa counter para sa hihiramin kong libro. Inikaso naman iyon ng librarian.
"Just return the books on monday, anytime, basta same day okay" ani ng librarian.
"Okay maam. Thank you!" Pasasalamat ko at umalis. At lumabas sa library. Madami pading mga students na naglalaro. Its 1:25 pm in the afternoon. 1:30 kasi ang klasse ko.
May ibang studyante namang nagmamadali, kita ko pa ang iba kong kaklasse na nagmamadaling maglakad.
"Hay sa wakas, nahabol din kita. Ang bilis mong maglakad!" Hingal na sambit ni Diego. Naiwan ko pala to? Kaya pala di ko na siya na feel sa tabi ko kanina. Kaya natawa nalang ako.
"Ang cute mo palang tumawa" sambit niya. Kaya nagitla ako. Ang taong talagang ito...
"Iwan ko sayo! Ang lamya mo. 1 minutes nalang late na tayong dalawa" sambit ko, at mabilis na naglakad. Pansin ko namang humabol siya.
Mabilis naman siyang maglakad dahil sa biyas ng mga paa niya. Talagang sinabayan niya lang ang paglalakad ko para makasabay kami.
Pansin kami agad ng mga ka-klasse namin pagpasok..kita ko pa si alien na nakataas ang kilay habang nakatingin sa'kin. Di ko na siya pinansin.
Umupo naman si Diego pagkarating sa upuan niya habang ako ay tuloy tuloy lang. Di ko na pinansin si Urial the alien at umupo agad sa upuan. Agad kong nilagay ang mga hiniram kung libro sa desk at ang bag ko. Kita ko pa kung paano sipain ni alien ang upuan ko kaya tiningnan ko siya.
Para talagang bata to.
"Ano ba!!" Asik ko, pero mahina lang baka kasi madinig ng iba. Pansin ko na tumatawa ang ugok ni para bang may hiwagang kababalaghan na ginagawa Tsk!
Hindi humupa ang bungisngis ni alien hanggang dumating ang teacher namin. Nakikinig lang ako buong klasse habang di pinansin ang parang timang na kanina pa natatawa. Pansin ko din ang tingin ng iba na palihim na napatawa.
After an hour natapos na din ang first class at mayroon pa kaming last class sa 3:30Pm. Alas tres palang at may 30 minutes pa kami para mag break.
Niligpit ko muna ang gamit ko na nasa lamesa pati na'yong libro at nilagay sa bag. Akmang tatayo na sana ako ng may nararamdaman akong kakaiba. Di ko kasi mahila ang palda ko. Napatingin ako kay alien na natatawa na. So all this time, ito ang kina—aabalahan niya? At kung bakit siya tawang tawa.
Tiningnan ko iyon. And it was bolcasel..yong pang roof, pangtakip kapag may butas ang bobong.
Tiningnan ko siya muli. Naiinis na talaga ako sa lalaking ito.
Kinuha ko kaagad ang nailcutter sa bag ko. At yon ang ginamit ko para maputol ang malagkit na iyon na nasa palda ko.
Nakuha naman iyon agad pero meron paring dumikit sa palda ko.
Di ko lang siya pinansin at lumabas sa room para pumunta sa restroom.
Pagkapasok ko humarap ako agad sa salamin. Kita ko agad ang mukha kung naiinis, pansin ko din ang babaeng naglagay ng make-up. Ang bata pa neto. Parang grade 11 eh.
Inirapan niya pa ako at umismid bago lumabas. Ang maldita talaga non.
Naghugas ako ng kamay bago tiningnan ang aking palda . Unti unti ko iyon kinuha kahit na nahihirapan pa ako. Nakadikit kasi iyon ng masyado.
25 minutes na ako nandito at di pa nakuha ang nakadikit don. Kailangan talaga itong labhan para makuha agad. Wala na akong magawa pa kundi lumabas ng restroom para sa susunod na klase.