KINAKABAHAN nang husto si AJ habang patungo sila sa bahay ng lola ni Iñaki nang araw na iyon. Matagal na siyang nais ipakilala ng nobyo sa lola nito. Ilang beses na niyang ipinagpaliban ang pagbisita. Maraming pagkakataon na hindi sinasadya dahil talagang abala siya sa trabaho at halos wala na siyang panahon sa kanyang sarili. May pagkakataon din na sadya siyang naghahanap ng dahilan at pagkakaabalahan. Hindi sigurado ni AJ kung bakit natatakot siyang makaharap at makilala ang lola ni Iñaki. Marahil ay dahil ang matanda ang nagpalaki sa kanyang nobyo. Siguro ay dahil alam niyang iba ang lebel ng pagmamahal ng mga lola. Halos nasisiguro na niyang overprotective ang matanda pagdating kay Iñaki. Inabot ni Iñaki ang kamay ni AJ pagkaparada nila sa harap ng isang simple ngunit eleganteng bung

