“So how did the two of you break up?” “Ha? Kami ni Madam Isabel?” “No. Kayo ni Iñaki. Ang sabi mo dati ay you have a thing in the past.” “Oh.” Natahimik nang ilang sandali si AJ. Ganoon pala ang naging impresyon ni Sybilla sa sinabi niya noon. Hindi niya sigurado kung paano niya ipapaliwanag ang naging sitwasyon nila ni Iñaki noon. “We did break up.” “How? Curious ako dahil parang perpekto naman ang relasyon n’yong dalawa. Was it about Elizabeth? He was still in love with his past?” Umiling siya. “Pero hindi ko alam ang bagay na iyon noon. I was... young and emotional... and a little scared.” “Scared?” “Natakot akong sumugal. Natakot akong tanggapin nang buo sa sarili ko ang talagang gusto kong gawin, ang talagang bubuo at magpapasaya sa akin. Natakot akong umalis sa environment na

