SA PANANAW ni AJ, perpekto ang kanyang buhay sa kasalukuyan. Halos lahat ng bagay ay umaayon sa kanyang kagustuhan. Napapagod pa rin siya nang husto sa pag-aalaga kay Gilbert ngunit nakakasanayan naman na ng kanyang katawan ang hyperactivity ng alaga. Nahirapan si Madam Isabel na pakitunguhan ang disorder na sinasabing mayroon si Gilbert, ngunit unti-unti nitong binubuksan ang isipan. Tinanong nito sa kanya ang mga nalaman niya tungkol sa Attention-Deficit Hyperactivity Disorder. Ibinigay niya ang mga nakalap na impormasyon. Ibinigay rin niya ang ilang pangalan ng propesyunal na maaari nilang puntahan. Tinulungan siya ni Iñaki sa mga pangalan na iyon. Nagdesisyon si Madam Isabel na magtungo sa pinakamahusay na propesyunal. Naging maayos naman ang meeting. Oobserbahan si Gilbert sa loob ng

