DALAWANG oras pa lang nakakaalis ng unit si Iñaki ay nakatanggap na ng tawag si AJ mula sa binata. Akala niya ay mangungumusta lang ang nobyo ngunit kailangan pala nito ng pabor. Naiwanan nito ang isang importanteng case study na kailangan nitong ipasa sa araw na iyon. May presentation ang nobyo sa hapon. Nahanap naman kaagad niya ang makapal na folder na kailangan nito. Mabilis siyang nagbihis upang madala iyon sa ospital. Habang palapit ang taxi na sinasakyan sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital ay hindi niya maiwasang mapatitig sa matayog at marangyang gusali. Namamangha siya. Malayong-malayo ang vibe ng DRRMH sa mga ospital na napasukan niya. Parang lobby ng hotel ang pinasukan ni AJ imbes na lobby ng ospital. Naupo siya sa isa sa mga komportableng couches habang hinihintay ang

