bc

Enchantra

book_age18+
592
FOLLOW
1.0K
READ
twisted
mystery
Writing Academy
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Pasukin ang mundo ng Enchantra at kilalanin ang Quatro Cavalleros na sina Freyo, Ario, Uric, at Walros na siyang magliligtas sa kanilang mundo laban sa madilim na binabalak ni Haring Piero. Ang Hari ng mga Urias.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 - Ang Kaharian ng Enchantra
Mula sa kaharian ng Enchantra naninirahan ang iba't ibang uri ng mga imortal na nilalang sa mundo. Sila ang tinatawag na Encantados o ang mga nilalang na humahawak sa iba't ibang uri ng elemento sa mundo. Mga nilalang na may iba't ibang mahika at kapangyarihang kontrolin ang bawat elementong pinangangalagaan nila.                 Mula sa Hilaga, matatagpuan ang kaharian ng Arias, ang kaharian ng mga Arianon na siyang kumokontrol sa elemento ng hangin. Nagagawa nilang lumipad at may kakayahan silang kumilos nang mabilis sa oras na may kalabang nais silang atakihin.                 Matatagpuan naman sa Silangang bahagi ng Enchantra ang kaharian ng Erebos. Ang kaharian kung saan kinokontrol nito ang elemento ng lupa, ang mga nilalang na nakatira dito ay tinatawag nilang Erevo. May kakayahan silang kontrolin ang lupa at pinangangalagaan nila ang mga halamang tumutubo sa buong kaharian ng Enchantra.                 Sa Kanlurang bahagi naman ng Enchantra ay matatagpuan ang kaharian ng Aguas, ito ang kaharian ng elemento ng tubig kung saan matatagpuan ang mga Aquanon. Ang mga nilalang na nagbibigay buhay sa elemento ng tubig at pinangangalagaan nila ang mga nilalang na ninirahan dito. May kakayahan silang kontrolin ang tubig ayon sa kagustuhan nila.                 At sa Timog na bahagi naman matatagpuan ang kaharian ng Uria kung saan kinokontrol nito ang elemento ng apoy. Dito nakatira ang mga nilalang na tinatawag nilang Urias na sila namang nangangalaga sa elemento ng apoy. Sila ang mga nilalang na kayang sunugin ang anumang bagay sa isang iglap lang kahit gaano pa ito kalaki.                 Sa gitnang bahagi naman ng kaharian ng Enchantra at matatagpuan ang isang tore na siyang nangangalaga sa makapangyarihang espada ng Enchantra. At doon binabantayang mabuti ng tagapangalagang si Adavas ang espada na siyang maaring kumitil ng napakaraming nilalang sa oras na makuha ito ng isang masamang loob na engkantado. Hindi lingid sa kaalaman ni Adavas na maraming nagnanais na makuha ang makapangyarihang espada na iyon kung kaya't mabuti niyang binabantayan ang pugon na iyon. Si Adavas ay isang mandirigmang Arianon na siyang napili ng kanilang Panginoon na si Oros na magbantay sa nasabing makapangyarihang espada. Taos-puso niyang tinanggap ang hamon ng kanilang Panginoon na maging tagapagbantay siya upang mapangalagaan ang buong kaharian ng Enchantra.                 SA KAILALIMAN ng gabi ay nagmamasid si Adavas sa buong paligid ng tore upang matyagan kung may magtatangka bang pasukin ang tore at kuhanin ang makapangyarihang espada. Sa kanyang pagbabantay ay may isang bolang apoy na bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan at mabilis nitong tinungo ang harapan kung saan nakatayo si Adavas. Matalas niyang pinagmasdan ang apoy na namuo nang ito'y bumagsak at nilikha niyon ang isang nilalang na nag-aapoy ang mga mata nang kanyang makita.                 "Haros, ano ang iyong nais?" tanong niya sa nilalang na nasa harapan niya. Hindi siya nagkamali ng hula sa nilalang na nasa harapan niya. Si Haros ay isang Urias na isang engkantong tumiwalag sa kanilang kaharian dahil sa pagnanais nitong masakop ang buong kaharian ng Echantra. Dating naging magiting na sundalo ngunit nagpasakop sa kasamaan. Ngunit dahil sa kapangyarihan ni Oros ay hindi niya magawang kuhanin o mahawakan ang makapangyarihang espada sapagkat isinumpa siya nito. Magagawa lang ni Haros na makuha ang Espada kung magagawa nitong sirain ang pugon kung saan naroroon ang makapangyarihang Espada. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya ito magagamit sapagkat wala nang silbi ang Espadang iyon sa oras na masira ito.                 "Adavas, alam mo naman kung ano ang pakay ko rito, hindi ba? Bakit tila nagmamaang-maangan ka?" matalim na tugon ni Haros at inihanda ang nag-aapoy niyang espada at nakaumang ang talim nito sa dibdib ni Adavas na ani mo'y handang kitilin ang kanyang buhay anumang oras.                 "Ngunit hindi mo magagawa ang nais mo at alam mo 'yan, sapagkat isinumpa ka ng Panginoong Oros," paglilinaw ni Adavas ngunit sa halip na matakot si Haros ay isang malademonyong halakhak ang itinugon niya rito. Maging si Adavas ay inihanda na rin ang kanyang sandata. At dahil isa siyang Erevo ay isang latigo na tila baging ang kanyang sandata. Gawa ito sa matibay na uri ng baging na tanging sa Erebos lamang gumagapang at wala ni isa sa mga engkanto o mandirigma ng Enchantra ang makakasira nito.                 "Nagpapatawa ka ba, Adavas. Anong akala mo sa akin? Walang utak? Hindi ako ang gagawa ng bagay na 'yon para sa akin kung 'di ikaw!" marahas na tugon ni Haros kasabay ng malademonyo niyang halakhak at bawat halakhak niya ay lalong nagliliyab ang apoy na nakapaligid sa kanya. Senyales na lalong lumalakas ang kanyang kapangyarihan.                 "Ano ang iyong ibig sabihin, Haros?" nagtatakang tanong ni Adavas nang bigla na lamang lumitaw ang isang nilalang sa tabi ni Haros, isang walang malay na batang engkantada at kilala ni Adavas kung sino ang engkantadang iyon. Nagulat si Adavas sa nakita sapagkat ang batang engkantada na nasa tabi ni Haros ay ang kanyang anak na si Adara. Lalong lumakas ang halakahak ni Haros nang makita niya ang reaksyon sa mukha ni Adavas.                 "Anong kalapastanganan ang ginawa mo at idinamay mo ang aking anak na si Adara?!" paghihimagsik ni Adavas at isang hampas ng latigo niyang sandata ang sumalubong kay Haros ngunit mabilis naman itong nasanggahan ni Haros gamit ang kanyang nag-aapoy na espada. "Pakawalan mo ang anak ko!" patuloy pa rin ang pag-atake ni Adavas kay Haros ngunit lahat ng atake niya'y balewala sapagkat mabilis itong nadedepensahan ni Haros hanggang sa makita na lang niya na sa leeg na ng anak niyang si Adara nakaumang ang talim ng espada ni Haros.                 "Sige, Adavas! Ituloy mo ang iyong pagnanais na kitilin ang aking buhay! Ngunit kasabay niyon ay ang pagkawala ng iyong anak! Gusto mo na rin ba siyang mamatay?" pananakot ni Haros na hawak ang leeg ng walang malay na batang engkantada.                 "Ano ang iyong nais upang pakawalan mo si Adara?" kalmadong tanong ni Adavas na nais iligtas sa kapahamakan ang anak.                 "Nais kong bunutin mo ang makapangyarihang espada kung saan ito nakatarak at ibigay mo ito sa akin!" tugon ni Haros na matibay ang paniniwalang mapapasakanya ang makapangyarihang espada.                 "Ngunit alam mong hindi mo ito mahahawakan, paano mo ito magagamit?" nagtatakang tanong ni Adavas.                 "Gamit ang aking kapangyarihan, magagawa kong hawakan ang espada. Kaya gawin mo na lang ang nais ko kung gusto mo pang mabuhay ang anak mo!" pagbabanta ni Haros kay Adavas. Labag man sa kalooban ang gagawin ay hindi siya nagdalawang isip na sundin ang inuutos ni Haros. Tinungo niya ang bato kung saan nakatarak ang makapangyarihang espada at dahan-dahan itong binunot. Nakangisi naman si Haros kay Adavas habang tinitingnan niya ang ginagawa nito. Tila nagpapahiwatig na nagtagumpay siya sa kanyang ninanais. Nang tuluyan nang mabunot ni Adavas ang makapangyarihang espada ay agad naman itong napasakamay ni Haros.                 Ngunit sa pag-aakalang nagtagumpay siya ay nagkahiwa-hiwalay and makapangyarihang espada sa apat na bahagi. Nabigla si Haros sa nakita at nabitawan niya ang apat na espada hanggang sa isang dragon ang tinangay siya papalayo sa tore.                 "Patawarin mo ako Panginoong Oros," pagsusumamo ni Adavas sa kanilang Panginoon sapagkat alam niyang si Panginoong Oros ang may kagagawan kung bakit nahati ang iba't ibang parte ng espada sa apat. Alam ni Adavas na kalapastanganan ang ginawa niya ngunit ang nais lamang niya ay ang mailigtas ang anak sa kapahamahakan. Ngunit sa halip na kaparusahan ang ipataw kay Adavas ay inutusan siya ng Panginoong Oros na ibigay ang iba't ibang bahagi ng espada sa apat na kaharian ng Arias. Ang pinakamakapangyarihang kaharian sa buong Enchantra at alam ng lahat na tanging ang mga Arianon lamang ang may kakayahang protektahan ang apat na makapangyarihang espada laban sa mga masasamang engkanto.                 Namumuhay nang mapayapa ang apat na kaharian ngunit may nagbabadyang panganib sa 'di kalayuan.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.3K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

The Sex Web

read
132.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook