Kabanata 2 - Ang Pagpili kay Haring Aramis

1029 Words
                Sa apat na kaharian, higit na mas makapangyarihan ang kaharian ng mga Arianon. Ang mga nilalang na nakatira rito ay kinaiinggitan dahil sa magaganda nilang wangis at lakas. Kung kaya't madaming nagtatangkang sakupin ang kahariang ito ngunit kahit isa ay walang nagtagumpay kung kaya't pinili na lamang ng apat na kaharian na maging mapayapa upang maging matiwasay ang kanilang pamumuhay.                 Sa kaharian ding ito namumuno ang isang napakalakas na hariaring—si Haring Aramis. Higit siyang makapangyarihan sa lahat ng kaharian ng Enchantra ngunit magkaganoon man ay hindi niya inaabuso ang kanyang kapangyarihan sapagkat alam niyang hindi kapangyarihan ang makakapagpasaya sa buong Enchantra, kung 'di ang kapayapaan lamang.                 Kasalukuyang nakaupo sa kanyang trono si Haring Aramis nang may biglang lumitaw na nilalang sa kanyang harapan. Ngunit sa halip na magulat ay nagtaka ang hari sa nilalang na kanyang nakita.                 "Adavas, ano't nagawi ka sa aking kaharian? May maipaglilingkod ba ako?" tanong ng hari na tumayo sa kanyang trono at lumapit sa kinarooonan ni Adavas.                 "Nais kong ipabatid sa iyo ang mensahe ni Panginoong Oros kaya ako naparito," tugon nito at inilahad niya ang kanyang palad. Lumitaw mula sa itaas na bahagi ang iba't ibang uri ng espada na may kagila-gilalas na anyo at kulay.                 "Ano ang ibig sabihin nito Adavas? Ano ang mga sandatang ito?"muling pagtatanong ng hari.                 "Ito ang apat na makapangyarihang espada na siyang magsisilbing tagapagtanggol at poprotekta sa Enchantra mula sa masasamang loob. Ipinagkakaloob ito sa iyo ng Panginoong Oros upang magsilbing tagapangalaga," wika ni Adavas na siya namang pagkamangha ng hari sa nalaman.                 "Ngunit bakit ako?" naguguluhang tanong ng hari.                 "Sapagkat ikaw ang may kakayahan upang ipagtanggol at gamitin ang mga sandatang ito."                 "Mabigat man sa aking kalooban dahil alam kong hindi sapat ang kapangyarihan ko ay tatanggapin ko pa rin dahil ito ang ipinag-uutos ng Panginoong Oros," wika naman ng Hari at inilahad niya ang magkabilang kamay upang tanggapin ang mga sandata. Dahil sa nangyari ay mas lalong naramdaman ni Haring Aramis na mas lalong lumakas ang kanyang kapangyarihan.                 "Salamat sa iyong pagtanggap na maging tagapangalaga ng apat na espada. Ngayon ay mapapanatag na ang aking loob na walang sinuman ang makakakuha nito lalo na't nasa mabuting kalooban ito," wika ni Adavas                 "Nais ko itong gawin para sa buong Enchantra. Makakaasa kang hindi ko ito gagamitin sa kasamaan lano na't sa kasakiman," buong tapang na pagmamalaki ni Haring Aramis.                 "Kung gayon, babalik na ako sa aking pugon. Muli, maraming salamat, Haring Aramis." Kaagad naglaho si Adavas na siya namang paglapit ng asawa ng Hari na si Reyna Mandaya. Siya ang babaeng labis na iniibig ni Haring Aramis.                 "Anong pakay ni Adavas at nagpunta siya rito?" tanong ni Reyna Mandaya na hindi nagawang makausap si Adavas sapagkat mabilis itong naglaho nang nakita niyang magkausap ang dalawa.                 "Pinili akong tagapangalaga ng apat na espada ng Enchantra, mahal kong Reyna," tugon ng hari.                 "Talaga ba? Hindi ba't napakabigat na tungkulin ito para sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Reyna Mandaya sa asawa.                 "Mahal kong Reyna, ang Panginoong Oros ang pumili sa akin kaya hindi ko nagawang tumanggi pa," paglilinaw ng hari sa kanyang reyna.                 "Ganoon ba? Hangad ko ang iyong kaligtasan mahal kong Hari." Isang halik ang itinugon ng hari sa kanyang reyna.                 "Maraming salamat mahal kong Reyna."                 LUMIPAS ang ilang araw na namumuhay ang mga Encantados sa Enchantra, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay may naghihintay na panganib sa buong kaharian—isang pagtatraydor ang magiging mitsa ng panibangong panibugho sa kaharian. Isang pagtitipon ang naganap sa kaharian ng mga Arianon. Kaarawan ng Hari nila kung kaya't malaking selebrasyon ang nangyari sa napakalaking bulwagan ng kaharian. Lahat ng mga diwata't enkanto ay masayang nakisalo sa pagtitipon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Haring Aramis mula sa kanyang minamahal na Reyna Mandaya, isang surpresa ang naghihintay sa kanya sa gabing iyon. Isang surpresang matagal na niyang inaasam-asam at nasasabik na ring ipaalam ng Reyna ang magandang balitang iyon sa kanya.                 Habang nagkakasiyahan ang lahat ay tumayo si Reyna Mandaya sa kanyang trono.                 "Mga minamahal kong Encantos!" pagtawag niya ng pansin sa mga engkanto at diwatang abala sa kasiyahan na bahagyang naputol at napunta sa kanya ang atensyon ng mga ito. "Ako'y may nais lamang ipabatid sa inyo kung kaya't ipagpaumanhin ninyo ang sandali kong pagputol sa kasiyahan," dugtong niya at hinawakan si Haring Aramis na nasa kanyang trono. Inanyayahan niya ito papunta sa gitna ng bulwagan bago muling nagsalita. "Ilang araw ko nang iniisip kung paano ito sasabihin sa inyong lahat sapagkat binabagabag ako ng aking isipan. Nitong mga nakaraang araw ay nakakaramdam ako ng mga kakaibang pangitain sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag. Kaya't minabuti kong ikonsulta ito sa pinakamagaling nating umbon ng kaharian — si Altaro. At isa lang ang naging tingin niya sa akin," pahayag niya na siyang nagpakaba sa lahat mg Encantados lalong-lalo na kay Haring Aramis. May mga hindi pangkaraniwang pakiramdam kasing nararamdaman si Reyna Mandaya nitong mga nakaraang araw kaya't nagpakonsulta siya kay Altaro na isang napakagaling na umbon o engkantong manggagamot ng Enchantra.                 "Anong ibig mong ipahayag, mahal kong Reyna?" tanong ni Haring Aramis. Hinaplos ng Reyna ang kanyang pisngi at nababanaag ang masidhing pag-aalala.                 "Magiging Amang Hari ka na, mahal kong Hari," anunsyo ni Reyna Mandaya na sapat lang upang marinig ng lahat ng nasa bulwagan. Ang kaninang pag-aalala ay napalitan ng tuwa at galak dahil sa mga narinig mula sa kanilang Reyna. Naghiyawan ang lahat at nagpalakpakan sa anunsyong hatid ng kanilang mahal na Reyna.                 "Mabuhay, Enchantra! Mabuhay, Encantados!" sigaw ng isang Encantado na hindi kalayuan sa kinatatayuan ng hari at reyna.                 "Mabuhay, Enchantra! Mabuhay, Encantados!" sinundang sigaw ng iba pang naroroon.                 "Kung gayon! Marapat lamang na tayong magkasiyahan! Dahil nagdadalang-engkanto ating Reyna Mandaya," sabad naman ng isang Encantados. Labis na kasiyahan ang namayani sa mga nilalang ng kaharian. Hindi lang kaarawan ng hari at ng pagkapili sa kanya ng Panginoong Oros ang dapat nilang ipagdiwang. Pati na rin ang pagdadalang-engkanto nito. Ngunit hindi alam ng lahat na ang engkantong nasa sinapupunan ng Reyna ay hindi lang isa— kung 'di apat. Apat na mga Encantados na siyang magbibigay kasiyahan sa lahat. Apat na mga nilalang na magdudugtong sa mga napuputol na pagkakabigkis sa apat na kaharian ng Enchantra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD