Kabanata 06: Labanan sa Kweba

1403 Words
Isa lang ang naisip nilang paraan upang makapasok sa kweba, iyon ay ang magpanggap na isa sa mga hapon na nagbabantay sa lugar. Sanay na si Micah na mag-raid sa mga ari-arian ng mga hapon, naniniwala siyang mas lamang pa rin sila sa mga kalaban dahil mas pamilyar pa rin sila sa lupang sinilangan. Kaya walang takot at walang pangamba siyang naglakad nang diretso papasok sa kuweba. Katabi niya si Bernard na halatang nangangatog ang mga kamay at pinagpapawisan ang buong mukha dahil sa niyerbos. Kahit pa sinabihan na nila ang lalaki na kumalma lamang. Si Jaime naman ay kampante rin at humihithit pa ng sigarilyo sa likod. May hawak pa silang Arisaka rifle sa mga kamay, ito ang huling baril na nakamkam nila sa grupo ng mga hapon noon. Sa kasawiang-palad ay kakaunti na lamang ang bala ng kanilang mga baril at wala na silang supply para sa magazine nito. Kaya kung mapalaban man sila dito, siguradong kakatok si kamatayan sa mga pinto nila. Ang iba nilang kasamahan ay nagtatago at nakapaligid sa lugar, para kung sakali mang mapalaban nga sila sa loob ay may back-up sila sa labas. Iyon lamang ang magiging pag-asa nila kung sakali man na habulin sila ng kamatayan. Samantala, pinanonood ni Theodore ang kanilang kilos sa pamamagitan ng hawak na binoculars, alam naman nilang hindi sila pababayaan ng kanilang pinuno. Kailangan nilang magtiwala sa mga kakampi nilang nasa labas. Subalit nang makarating sa bungad ng kuweba, sinita sila ng isang sundalo. Napahinto sa paglalakad si Micah, gayundin ang dalawang lalaki sa kaniyang likod. "*って、どこに*くの?" (Matte, doko ni iku no?) usisa nito na hinawakan pa ang balikat ni Micah upang pigilan sila na pumasok. Napatingin siya sa lalaki, samantala halos tumigil naman ang t***k ng puso ng mga kasamahan sa likod. Naunawaan naman niya ang ibig pakuhulugan ng ilang salita. Matte, ibig-sabihin ay sandali at Doko na ibig-pakuhulugan ay saan. Tinatanong nito kung saan sila patungo. "Asoko." Tinuro niya ang loob ng kuweba. "Boss ga Watashi... tachi ni..." Iniisip pa ni Micah kung tama ang paggamit niya ng wika. Itinuro niya ang sarili at mga kasama. "Kudashita..." Ipinalangin niya nang palihim sa sarili na tama ang kaniyang sinabi. Tumango ang hapon na naunawaan naman ang kaniyang binitawang salita. Nakaramdam ng lihim na pagmamalaki sa sarili si Micah, may silbi talaga ang librong ibinigay sa kaniya ni Helen at ang pagtuturo sa kaniya ng kapatid ng wikang nihonggo. Nang sabihin niya iyon ay agad siyang tumalikod upang hindi na makapagtanong pa ng kung ano-ano ang lalaki. Bumuntot naman sa kaniya ang dalawang kasamahan. At sa ganoong paraan sila nakapasok sa kuweba. Nakahinga nang maluwag si Micah nang makaalpas sa mga nagbabantay. At mukhang ganoon din ang reaksyon ng mga kasunod sa likod. Napansin nila na hindi ganoon kadilim sa loob ng kuweba sapagkat may mga carbide lamps na nakapaikot at nakasabit sa paligid. Naglakad pa sila sa pinakaloob at nakita rin sa wakas ang kahoy na kahon ng mga baril na natatakpan pa ng tela. Wala na silang sinayang na oras pa at tinanggal nila ang takip nito upang makakuha ng mga bala at sandata kahit paisa-isa. Subalit hindi nila nalalaman na ang hapon na nakausap nila kanina ay nanghinala, nagtungo ito sa pinakaleader ng tagapagbantay at nagtanong ukol sa tatlong Pilipinong pumasok. Nang mapagtantong may hindi tama, nagpunta ang mga ito sa loob ng kuweba upang sitahin muli sila. Naabutan sila ng mga hapon sa kanilang ginagawang pagkamkam ng mga sandata. Wala pa silang nakukuha ni isa. やめろ!*をしているんだ! (Yamero! Nani o shite irun da!) Napalingon sila nang may sumigaw na isa at tinutukan pa sila nito ng baril. Kasunod ng pagsigaw nito ay ang pagpapaputok nito ng sandata. Hindi man lamang nakasigaw o nakasinghap sa gulat si Micah nang matamaan siya ng bala sa balikat at bumagsak siya sa malamig na lupa. Nataranta naman si Bernard at Jaime, mabilis silang nakapagtago sa likod ng mga bato. Naiwan si Micah doon na halos maghingalo dahil sa pinsala. Gayunman, pinigil ng babae ang mapasigaw kahit pa hindi makatayo dahil sa sobrang sakit ng natamo. Isinuksok ni Jaime ang limang balang nakuha kanina, sa hawak niyang rifle at mabilis na nagpaputok din sa gawi ng mga kalaban. Subalit, halatang hindi asintado ang lalaki sa paggamit dahil wala man lamang tumama. Nagtago rin ang mga hapon sa malalaking tipak ng bato ng kuweba at muling nagpaputok ng baril sa kinaroroonan nila. Sumagot din si Jaime gamit ang baril, subalit napagtantong, naubusan na pala siya ng bala. Kailangan niya muling makakuha ng mga bala sa kahon subalit ang problema'y hindi niya iyon maaabot. Bawat pagtangka niyang pagtayo ay ang pagpapaputok naman ng kalaban sa gawi niya. Idinura niya sa lupa ang sigarilyong naupos na, pagkatapos ay masama siyang tumingin sa kinaroroonan ng isa pang kakampi. Napasigaw siya sa gawi ni Bernard na nagtatago sa kabilang panig ng batuhan. "Bernard, nasaan ka?!" Subalit ang kaawa-awang lalaki ay nangangatog lamang sa takot habang yakap-yakap ang hawak na rifle. Humahagulgol lamang ito ng iyak at nagdarasal sa Panginoon. Napamura si Jaime nang malutong. "Putang ina! Sumagot ka! Akin na ang baril mo kung hindi mo iyan ipuputok!" Nang mapagtantong walang magawa ang mga kalaban, tumayo ang mga hapon upang puntahan si Micah na hindi pa rin makatayo sa maduming lupa. Sapilitan nilang hinila patayo ang babae na napasigaw lalo sa kirot na naramdaman. Narinig ni Jaime ang paghihirap ni Micah mula sa tinataguan, "Micah!" Akma siyang tatayo subalit binaril muli ang gawi niya ng isa pang hapon. Muli siyang napasadlak ng upo at nagtago. "*てこい!*れているところから*ていけ!" (Detekoi! Kakurete iru tokoro kara deteike!) Nakabantay ito sa bawat paggalaw niya sa tinataguan. Nakatutok ang hawak nitong baril sa kinaroroonan ni Jaime, hindi talaga siya makakaalis doon na hindi sumusuko. Samantala, nag-usap pa ang mga hapon sa harap ni Micah na para bang pinag-iisipan pa ang gagawin sa kaniyang pagpapahirap. Hinawakan siya ng mga ito, inilagay ang kaniyang mga kamay sa likod at itinali. Pagkatapos ay kinapkapan siya ng mga lalaki na para bang nagsisigurado na wala siyang nakuha sa kanila. Namilog ang mga mata niya sa ginagawa ng mga ito, lalo pa't inumpisahan siya ng mga ito na hubaran. Nanlaki ang mga mata niya sapagkat nalaman ng mga ito na hindi siya lalaki. Lalo siyang nagsumigaw at nagpumiglas dahil sa takot na nakawin din ng mga ito ang kanyang dangal katulad ng ginawa ng mga ito sa kaniyang kapatid at ina. Inihagis siya ng mga ito sa lapag. Walang laban ang kaniyang katawan na bumalibag doon. Hindi na maatim pa ni Jaime ang mga naririnig na ingay. Naririnig niya mula roon ang pagsusumigaw ni Micah. At si Bernard ay humahagulgol pa rin ng iyak sa tinataguan. Isang malaking duwag. Masama ang tingin at hilatsa ng mukha na itinaas niya ang kamay at unti-unting lumabas sa tinataguan. "Pota! I surrender! Mga gago, I surrender na!" sigaw niya sa lalaking nagbabantay sa kaniya, halata ang pagkairita sa tono ng pananalita. Wala na siyang magagawa pa dahil na-corner siya ng mga kalaban, at sa kasawiang-palad, nagagalit siya sa mga kasamahan na hindi pa rin sumasaklolo ngayon. Nasaan na sila? Lumapit ang hapon kay Jaime at ipinosas din ang mga kamay niya sa likod, naglakad sila palabas sa likod ng naglalakihang bato at halos kaladkarin siya ng hapon patungo sa harap ng pinaka-leader nila. Hindi natatakot si Jaime sa maaaring mangyari sa kaniya, subalit unang beses na nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita ang kaanyuan ni Micah... Ang buhok nito ay nakaladlad at hindi nakatago. Walang suot na pang-itaas at nakasuot lamang ng damit na panloob. Nakasuot pa rin naman ito ng pantalon. Sa estado nitong umiiyak habang nakahiga sa lupa, lumabas ang pagiging babae nito. Hindi na niya napansin ang sugat at dugo nitong umaagos sa balikat. Nakalimutan na rin niya na nabihag sila at wala pang sumasaklolo sa kanila mula sa labas. Basta ang laman lamang ng isipan niya ngayon ay.... "Putang ina! Babae si Micah?!" Samantala, naibaba ni Theodore ang hawak na binocular nang mapagtantong pumasok ang mga sundalong hapon sa kuweba at hindi pa rin lumalabas doon ang mga kasamahan. Kinutuban na ang pinuno ng grupo na maaaring may nangyaring hindi maganda. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD