Nanginig ang labi ko nang umpisahang tanggalin ng lalake ang butones ng damit ko. "M-Mihael?! S-sandali, ba't naman ganito? A-ayos ka lang ba?" Kahit may hatid na kilig itong ginagawa niya sa'kin, may takot naman akong naramdaman. Hindi mawala sa utak ko ang biglaang pagbabago ng ugali nito. Napapikit ako nang muli akong halikan nito. "M-Mihael," mahinang saad ko pero ni hindi man lang ako nagprotesta sa ginagawa nito nang tuluyang nitong matanggal ang uniform ko.
"Y-yes, Roxy. I want you now."
"Mihael!" Umangat ang katawan ko nang buhatin ako ng lalake papunta sa kama. Napakapit ako sa leeg niya at nginitian ito nang matamis. "So, tayo na ba? Boyfriend na ba kita?"
"It's up to you, Roxy!"
"Ano? Umayos ka, Mihael, ha!" Nang maramdaman ko ang paglapag nito sa'kin, agad akong umupo. "Alam mo ba ang ginagawa mo?" Napaawang ang labi ko nang maghubad sa harap ko ang lalake at napalunok ako dahil wala itong itinira sa katawan. "M-Mihael."
"Huwag ka nang mag-inarte kung gusto mo naman, sinacrifice ko ang usapan namin ng kausap ko kanina para sa'yo. I rather spend my time with you than them. I want you, R-Roxy."
Naigilan ako. "P-pero, Mihael, kung... kung may m-mangyari man sa'tin, gusto ko ng assurance na hindi mo'ko lolokohin, ha?" Hindi ko alam pero nakitaan ko siya ng pagkairita sa mukha pero winalang-bahala ko na lang ito. "P-please, M-Mihael."
"Sure," napipilitang saad nito. "Roxy..." Nakangiti na ngayon ang lalake sa dalaga. "Give me your hand."
Nanginginig ang kamay ko nang mismong dalhin nito sa bagay na iyon ang kamay ko, pinapahawak nito ang p*********i niya sa'kin. Pinamulahan ako ng mukha kaya tumawa nang malakas si Mihael.
"C-common, Roxy. I'm all yours tonight." Binitawan ni Mihael ang kamay ng dalaga nang bawiin ito ng huli. "R-Roxy, I want you."
Magkahinang na ang labi namin ilang sandali pa at napahiga ako nang dumagan sa'kin si Mihael. "Best?" takot kong tawag sa kanya. M-mahal na mahal kita. S-Sana... sana..." Sana seryoso ito sa'kin at hindi sana nito saktan ang damdamin ko.
"I know, Roxy."
Napapikit na lang ako muli nang simulan nang halikan ni Mihael ang mukha ko pababa sa leeg ko. Tumagal ito sa dibdib ko pero nakaramdam ako ng hiya. Pilit ko pang tinutulak ang lalake dahil sa rami ng agam-agam ko pero pinapalis lang nito ang kamay ko. Umangat ang katawan ko nang buhatin ako ng lalake papunta sa malaking tub. Binuksan niya ito at naki-join na rin sa loob. Napasinghap ako nang buhatin ako ni Mihael at iupo paharap sa kanya. Walang pag-aalinlangan ang puso ko nang tugunin ko ang mga halik niya. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit nang maglumikot na ang kamay nito sa katawan ko.
Hindi ko namalayan pero malambot na kama na ang kinahihigaan ko at nakapikit pa rin ako makalipas ang ilang sandali. Nawala ako sa sarili ko. Walang salitang namutawi sa labi ko dahil pagmamahal lamang ang pinapakita ko kay Mihael, walang pagpoprotesta. Hinahayaan ko siya at buong puso akong magpapaubaya sa nais nito.
"Yes, Roxy," anas ni Mihael. "I want you now."
Kinubkob na ng labi nito ang labi ko hanggang maramdaman ko ang halik nito sa leeg ko. "Mihael..." Pababa sa dibdib ko hanggang mapunta ang labi nito sa tiyan ko. "M-Mihael, mahal k-kita."
Wala akong narinig na anuman sa kanya basta ang alam ko, may dinudulot na kiliti ang bawat pagdantay ng labi nito sa katawan ko. Ang mga haplos nito, may binubuhay ito sa katawan ko at nagpatangay naman ako. Muling nagpantay ang mukha namin at natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakayakap na sa kanya at ginagantihan ang ginagawa niya. Si Mihael ang unang lalake sa buhay ko at siya lang din ang magiging huli ko.
"M-Mihael—" Naramdaman ko ang kahandaan niya at pilit na niyang pinag-isa ang mga katawan namin. "S-sandali, M-Mihael." Nakaramdam ako ng kirot sa ibabang parte ng katawan ko, pero ang bestfriend ko, hindi nito alintana ang sakit na bumalatay sa mukha ko. Mariin ko na lang na kinagat ang labi ko para tiisin ang bagong experience na ito.
Nilunod na'ko ng sobrang pagmamahal ko nang paliguan ako ng halik ng lalake hanggang mag-isa na kami. Napangiti ako dahil katuparan na ito ng pangarap kong siya ang magiging kasa-kasama ko habang buhay. Napakapit na lang ako kay Mihael sa anumang ginagawa niya. Ramdam ko ang lahat at tiniis na lang ito—nakapikit sa buong oras na ginagawa nito hanggang tumabi na lang ito sa'kin. Iniyakap nito ang kamay sa hubad kong katawan.
Bigla akong bumaling sa kanya. "I love you, best." Pero ang lalake, nakapikit lang ito. Nakaramdam ako ng p*******t ng katawan ko pero mas pinili ko na lang iyakap ang braso ko sa kanya. "Ikaw lang, best, sapat na." Pero walang tugon mula rito hanggang sinabayan ko na lang din ng tulog ang lalake.
Nagising ako sa pag-iingay ng cellphone ko, nang tingnan ko ang oras, umaga na pala. Nakaramdam ako ng labis na gutom at nang tingnan ko ang katabi ko, tulog pa rin ito.
"M-Mihael?" Humilab ang tiyan ko dahil wala pala kaming dinner kagabi. Napangiti ako nang masilayan ko ang maamong mukha ng lalake. Isang magaang halik ang kinintal ko sa labi niya. "S-sister?" mahinang pagsagot ko sa telepono ko para hindi magising ang mahal ko. "Na-nandito po kami s-sa... sa bahay ni M-Mihael. Opo! Nag-review po k-kami." Natakpan ko ang mukha ko kasabay ng pag-upo ko dahil sa pagsisinungaling ko. "Sister?"
Naramdaman ko ang kamay ni Mihael sa tiyan ko nang mamatay ang kabilang linya. Naputol ang pag-uusap namin ni Sister pero nakakagimbal ang sinabi nito.
"R-Roxy? C-come here."
Agad kong kinuha ang remote at ini-on ang TV. Napanganga ako sa nabuglawan ko sa news. Ito ba ang sinasabi sa'kin ni Sister? Marami raw taong namatay at wakwak ang mga katawan na hindi alam ng karamihan kung sino ang may gawa nito. Nanlaki ang mata ko! Napatingin ako bigla kay Mihael na nakahiga pa rin. Ayon sa deskripsyon ng reporter, wala raw laman loob ang katawan ng mga patay at pare-pareho ang nangyari sa iba pa sa magkakaibang lugar. Nilipat ko na naman ang channel pero ganun pa rin ang mga balita.
Napalapit ako kay Mihael, nakapikit pa rin ito at wala yatang balak bumangon ang loko. May pasok pa kami ngayon kaya kailangan naming magmadali. Sunod-sunod ang pagtapik ko sa pisngi niya pero ang mata ko, nakatutok sa screen ng T.v. Pinalis lang ng lalake ang kamay ko. Nakakapangilabot ang naririnig ko sa telebisyon at kahit saang channel ko ito ilipat, pare-pareho lang ang laman sa balita.
"Tatlumpong tao ang natagpuang patay sa malawak na lupa sa Rizal, isa itong taniman ng gulay pero katawan ng mga tao ang natagpuan dito. Napag-alaman namin na galing sa iisang barangay ang mga ito. Sino ang mga salarin na sangkot sa pamamaslang na ito? Ang hindi lang ma-explain ng mga awtoridad, wakwak ang tiyan at ang laman loob ng mga biktima, gula-gulatay na. Isa ba ito sa mga grupo na nagbebenta ng laman-loob pero ang nakapagtataka, kahit ang dugo ng mga taong ito, ayon sa autopsy, said ito sa katawan ng mga biktima."
Hindi ako mapakali sa narinig ko sa isang reporter. Ito rin ang maagang tinawag ni Sister sa'kin kung nasa'n kami ni Mihael. Pinag-iingat kami kung nasa'n kami dahil hindi lang iisang barangay o lugar ang inatake ng mga salarin kundi ang iba pang lugar. Hindi lang sa Maynila... hindi lang sa ilang probinsya kundi nasa iba't-ibang bahagi na ng bansa ang may kaparehong insidente. Pinangilabutan ako. Hindi kaya... sana 'wag naman!
"R-Roxy!"
Napalingon ako kay Mihael. Galit nitong hawak ang remote ng Tv at bigla na lang itong pinatay ng lalake. "Ano ka ba, Mihael! Nanunuod pa'ko, eh. Pinag-iingat tayo ni Sister sa paglabas-labas natin. Maraming namatay, h-hindi kaya mga... a-aswang ang may kagagawan nito, best?"
"f**k, Roxy! Kung ano-ano ang pinapanuod mo. Come here! I want you..."
Napatili ako nang pumulupot ang kamay ng lalake kasabay ng pagbagsak ko sa kama. Hindi ko alam pero grabe ang kilig ko ngayon. Hindi lang mawala sa isip ko ang kalunos-lunos na nangyari sa mga biktima. Ayokong isipin pero iisa lang ang nasa utak ko ngayon.
"M-Mihael, ano ba!" Gumagapang ang kamay ng lalake sa taas ng dibdb ko at hindi ako mapakali. Ibang-iba na ito sobra pero masaya ako dahil nobyo ko na siya. "Best, ano'ng gusto mong itawag ko sa'yo? Baby, love or honey?" Hindi ako sinagot ng lalake pero hinayaan ko lang siya nang magsimula na naman nitong kintalan ng maliliit na halik ang exposed kong balikat. "Kawawa naman ang mga namatay, hindi kaya mga... mga a-aswang ang umatake sa kanila?"
Marahas na bumuntong hininga ang lalake at agad binitawan ang dalaga. "Ano ka ba, Roxy? Ang aga-aga, nakakawalang gana ka!"
Napaawang ang labi ko nang tingnan ko si Mihael. Bumalatay ang sakit sa mukha ko dahil wala namang masama sa sinabi ko. Nakatalikod na ang lalake sa'kin at nagtalukbong ito ng kumot. Pareho pa rin kaming hubad at ang tiyan ko, nag-aalburuto na rin dahil hindi ako nakakain kagabi.
"Best, o-order na'ko ng food, ha? Kainis ka, ni hindi man lang tayo kumain kagabi. Tinulugan mo na'ko..." Totoo 'yon dahil pagkatapos ng may nangyari sa'min, natulog lang nang deretso ang binata. Ni hindi ito nagtanong kung ok lang ako dahil unang experience ko iyon sa lalake pero mahal ko si Mihael. Napangiti ako nang mapait nang masulyapan ko ang pulang mantsa, senyales na hindi na ako birhen. Napahinga ako nang malalim. "Tatawag na lang ako sa restaurant dito para makapag-order ako ng pagkain. Bumangon ka na diyan dahil may klase pa tayo, Mihael."
"Hindi tayo papasok!" Inis na tiningnan ni Mihael ang dalaga. "Can you stop bluberring that aswang thing, ha? Nakakairita na, eh. Next time, R-Roxy, ha!" Marahas na umupo ang binata at dumeretso na ito ng banyo.
Awang ang labi ko nang sundan ko ng tingin ang lalake. Hindi naman siya ganito rati kaya nakakapanibago sobra. Gusto kong umiyak pero may isang parte ng puso ko na dapat magsaya ako. Nakuha ko na ang mahal ko dahil sinuko ko ang sarili ko sa kanya. Bigla akong napatingin sa katawan ko. Naghilom na ang mga sugat sanhi ng pag-atake ng mga aswang na 'yon pero hindi ang sakit na nararamdaman ko. Babalik ako sa lugar kung sa'n ako ipinanganak. Ayaw ko mang gawin ito pero marami akong katanungan na gustong malaman. Matagal ko nang kinalimutan ang angkan ko pero sa nangyayari ngayon kay Mihael at sa balita, malaki ang doubt ko na posibleng konektado ang mga ito. Alam kong hindi ako sasaktan ng totoo kong pamilya dahil kadugo ko sila. Magkikita kaming magkalahi sa tamang panahon. Isa pa sa katanungan ko ang lugar ng Sitio Maldar, kung kilala ito ng totoo kong pamilya—ang mga taong may lahi ng aswang na iyon. Bakit nila binalak patayin ang isang kagaya ko? Si Mihael, bakit hindi nila pinatay ang lalake?
Lagaslas lang ng tubig sa banyo ang naririnig ko. Gustuhin ko mang buksan ang Tv para manuod ng news pero baka ikagalit pa ito ni Mihael. Bakit nagiging mainitin na ang ulo nito eh hindi naman ito ganito rati?
"R-Roxy, come here!"
Si Mihael, tinatawag ako! Hindi ko alam kung pupunta ako sa kanya dahil sumama bigla ang loob ko sa inaakto nito pero muli na naman nitong tinawag ang pangalan ko.
"Roxy, come here, babe."
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang "babe" kaya natagpuan ko na lamang ang sarili kong patungo na sa banyo na hubo't-hubad pa rin. Nakangiting Mihael ang nabungaran ko sa loob ng malaking banyo.
"Come, babe. Sabay na tayong maligo. Wala naman tayong gagawin sa school kaya a-absent muna tao ngayon. Ipapasyal kita sa labas."
Pansamantalang nawala ang kimkim kong sama ng loob nang makita ko ang kabuuan ng lalake. Isang Adonis si Mihael dahil sa magandang pangangatawan nito. Tinatago nito ang angking kakisigan noon pero ngayon, pansinin na ito ng mga kababaihan sa school kaya lagi na lang akong nagseselos. Napakaguwapo pa nito, ang matangos nitong ilong, ang mapupungay nitong mga mata... isang perpektong nilalang ang nakikita ko sa aking harapan.
"Babe." Hinila na ni Mihael ang dalaga papasok sa shower area bago ito pinatalikod. "Huwag muna nating problemahin ang problema ng ibang tao. Let's enjoy our moment together."
Naramdaman ko ang pagyakap nito sa hubad kong katawan. Nananakit pa rin ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi lalo na ang ibabang bahagi dahil naisuko ko na ito kay Mihael pero ang puso kong nagmamahal, umeepekto na naman ang yakap ng mahal ko dahil wala kaming mga saplot sa katawan. Naramdaman ko ang paghalik ng lalake sa likod ko at ang kamay nito, gumagapang na ito at dumadama sa pinakaiingatan ko.
"Mihael..."
"Y-yes, Roxy, I still want you, baby."
"Pa'no kung mabuntis ako, best?"
"Bata pa tayo, Roxy, hindi mangyayari 'yon dahil nag-iingat ako. Ga-graduate muna tayo bago mangyari 'yon."
Para akong nasa alapaap dahil sa sagot ng mahal ko. Kahit wala itong sinabi sa pagpapamilya, ganun na rin ang dating nito sa'kin. Bugso ng damdamin, napaharap ako sa kanya at agad itong nginitian. Muling naghinang ang mga labi namin at kahit hindi pa ako handa, naramdaman ko na naman ang bagay na iyon, ang kahandaan nito nang buhatin ako ni Mihael at isandig sa malamig na pader ng banyo.
"I love this, R-Roxy. Let's live together, babe. Baka hanap-hanapin kita tuwing gabi kaya gusto kong nasa tabi kita lagi."
The best thing na narinig ko kay Mihael! Sa pag-aasawa na talaga ang bagsak ko sigurado sa klase ng pananalita nito pero hindi ko siya masagot dahil sa ginagawa nito sa'kin. Napayakap na lang ako sa leeg nito nang maramdaman ko ang marahas na paggalaw nito sa muling pag-iisa namin. May kirot pa rin pero tiniis ko ang lahat dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
"Mihael!"
"Yes, Roxy?" may lambing sa boses nito bago siniil ng halik ang babae.
Halos hindi ako makahinga dahil sa ginagawa nito pero masayang-masaya ako dahil sa katuparan ng pangarap kong maging akin ang bestfriend ko. Nobyo ko na siya!
"Mihael."
Napuno lang ng ungol at malakas na lagaslas ng tubig sa loob ng shower area. Si Mihael mismo ang nagpaligo at nagsabon sa katawan ko pagkatapos ng pangalawang naganap sa pagitan namin. Ang natitirang tampo ko sa kanya ay tuluyan nang nawala nang buhatin ako nito palabas ng banyo matapos ako nitong banlawan. Magkahinang pa rin ang labi namin hanggang maramdaman ko ang malambot na kutson nang ilapag ako ng lalake. Isang robe ang kinuha nito at pinasuot sa'kin.
"Rest, Roxy. Tatawag ako sa baba para mahatiran tayo ng pagkain dito."
Napangiti ako sabay iniyakap na lang ang braso ko sa katawan niya. Nakasuot na rin ito ng roba at ang anumang pag-aalala ko kanina, gusto ko munang kalimutan. Tama si Mihael! Ito ang oras naming dalawa kaya kailangang sulitin namin ito dahil magiging busy na kami as graduating students sa mga susunod na buwan.