Episode 13

2350 Words
"Anoo?" Napahagulhol ako bigla sa balitang binungad sa'kin ni Father. "B-bakit po, ano'ng nangyari sa kanya?" Kakauwi ko lamang nang ito agad ang nadatnan ko sa kumbento. May mga pulis sa loob at mga sasakyang nagkakagulo sa labas. May mga reporter din. "Si Sister F-fatima? F-Father," naiiyak kong hinawakan sa kamay si Father. "Totoong bang patay na siya? Kausap ko lang siya kanina, ah." Hinatid lang ako ni Mihael dito sa kumbento kanina at hindi na rin ito nag-abala pang bumaba dahil may gagawin daw ito ukol sa negosyo ng pamilya. Maraming sasakyan sa labas ng kumbento at may nakita rin kaming kapulisan sa labas kanina pero hindi man lang ito binigyan pansin ng lalake. Nagmamadali rin ito. "Oo, Roxy, wala na si Sister Fatima," malungkot na saad ng pari nang yumakap sa kanya ang dalaga. "Ayon sa nakakita, si Sister Mel, magkausap lang sila ni Sister Fatima kaninang umaga nang may isang malaking paniki ang humablot kay Sister Fatima." Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng lalake. Punong-puno ng lungkot ang malamlam nitong mata nang tingnan ang dalaga. "May pakpak——may maitim na p-pangangatawan kaya... mag-ingat tayong lahat dito. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari ngayon pero hindi tayo pababayaan ng Panginoon sa mga pagsubok na ito. Iha..." Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig kay Father, totoo ang sapantaha ko. Sumasalakay na ang mga aswang pero bakit? Napaiyak na naman ako nang maisip ko si Sister Fatima, para na itong nanay ko dahil siya ang madalas na nagpapaalala sa'kin kapag may mga program kaming dadaluhan na related sa activities ng simbahan. Ang sakit! Ito ang madalas kong kasa-kasama sa lahat ng oras kapag nandito ako sa kumbento. Hindi ko matanggap! Nanginginig ang katawan ko nang yumaap ako nang mahigpit kay Father. "Roxy, magpahinga ka muna sa kwarto dahil magiging busy ang lahat. Huwag muna kayong lalabas hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon ng mga pulis. Siguraduhin mong sarado ang bintana mo kapag matutulog ka at Roxy—" May pag-aalalang tiningnan ni Father ang dalaga. "Hindi tao ang kalaban natin—mga kampon ng demonyo! Ayon kay Sister Mel, maitim ang pangangatawan ng nilalang na iyon at kaya nitong lumipad. Nang mahulog sa lupa si Sister Fatima," gumaralgal ang boses ng pari, "wakwak na ang tiyan niya at... at ganun na ang histura niya. Hindi na siya makilala. Huwag kang tatambay sa labas muna." Hindi maiwasang magpahid ng luha ng lalaki nang ang dalaga naman ang umalo rito. "Bakit walang naniniwala kay Sister Mel nang isiwalat niya sa mga pulis? Walang naniniwala sa nakita niya nang umagang iyon. W-wala, Roxy!" Nanginginig ako nang ikutin ko ang buong paningin ko. Pawang mga madre at mga kapulisan lamang ang nakikita ko sa labas na tumutulong sa imbestigasyon ayon kay Father. "Father." Isang pulis ang lumapit sa lalake. "Kung maari lang po, iwasan muna nating palabasin ang iba kung hindi rin lang kasali sa pagbibigay ng impormasyon." Kay Roxy na nakatingin ang pulis at binigyan nito ng isang ngiti ang dalaga. "Iha, para safe, mabuti pa sigurong sa kwarto ka muna kasama ng iba pang kabataan dito. Hindi lang iisa kundi marami pa kaming aasikasuhin dahil sa kaparehong senaryo ng pamamaslang. Father..." Napatingin si Father kay Roxy at ginulo ang buhok nito. "Go, Roxy. May mga madreng mag-a-assist sa'yo sa vigil hall. Nandon silang lahat. Pumunta ka muna roon dahil magulo pa rito sa labas." Naiiyak kong tinanguan si Father bago tinakbo nang mabilis ang hallway papunta sa kwarto ko, hindi ang vigil hall kung saan minsan ginaganap ang padasal tuwing umaga at hapon. Deretso kong tinalunton ang hagdan paakyat sa kwarto at nang makarating dito, ubod lakas kong sinara ang pinto ko. Napasandig ako sa hamba ng pinto bago nauupos na umupo sa lapag. "S-Sister F-Fatima," hiyaw ko kasabay ng malakas kong pag-iyak. Hinagis ko na lang sa kama ko ang bag na sukbit ko. Ang sakit-sakit ng dibdib ko sobra! Siya pa ang tumawag sa'kin kanina para paalalahanan akong mag-ingat pero siya itong namatay bigla? "Mga a-aswang kayo! Mga walanghiya kayo!" Nanginginig akong bumaluktok kasabay ng pagyugyog ng balikat ko dahil sa labis kong pag-iyak. "Wala k-kaming k-kasalanan, bakit pinapatay niyo ang mga taong m-malapit sa'kin? M-mga... m-mga wala k-kayong pusooo. Sister F-Fatimaaa." Hindi ko matanggap sobra ang kalunos-lunos na sinapit niya. Galit akong lumapit sa nakasarado kong bintana at binuksan ito. May window grills ito at alam kong hindi ako sasalakayin dito pero gusto kong makita ang paligid. Kakahuyan na ang likod ng kumbento pero wala akong makita na kakaiba. Patuloy lang ang pag-iyak ko at labis-labis ang sakit na naramdaman ko sa pagkawala ng taong mahalaga sa'kin. Si Sister Fatima ang nag-aruga sa'kin nang mapadpad ako rito at siya rin ang nagturo sa'kin para lalo akong mapalapit sa Panginoon. Kusa kong isinuko ang sarili ko sa itaas kahit pa may lahi akong aswang... hindi ako mamamatay tao! Kinamumuhian ko ang lahing pinagmulan ko! "Mga aswang kayo, b-bakit niyo ito ginagawa?" malakas kong hiyaw sa kakahuyan pero dahil sa ingay ng mga ambulance at police car, walang silbi ang pagsigaw kong iyon. "Namumhay kami ng tahimik," may poot kong hiyaw, "bakit ayaw niyong mamuhay nang tahimik, mga aswang kayooo!" Sinundan ito ng malakas kong pag-iyak habang nakatanaw na ako sa langit. Napakamatiwasay ng panahon pero bawat madaanan namin ni Mihael kanina, maiingay ang mga ambulance. Isang panganib para sa kaligtasan ng lahat ang labis kong iniisip ngayon. Nagsisimula na sila! Nasgsisimula nang maghasik ang lahi ko. Kailangan kong bumalik sa probinsyang kinalakihan ko para makahingi ng tulong sa angkan ko. Iyak dito. Iyak doon ang ginawa ko at nanghihina sobra ang katawan ko sa mga nangyayari ngayon. "M-Mihael?" Natigilan ako nang sa pagtingin ko sa ibaba, si Mihael ang nakita ko. Nakatingin ang lalake sa'kin at seryoso lamang itong nakatitig nang matalim. "Mi-Mihael!" Gusto kong yakapin ang lalake para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Taranta kong hinagilap ang cellphone sa bag ko para tawagan ito pero nang bumalik ako sa bintana, wala na ito sa dating pwesto nito. "Mihaeeel?" malakas kong tawag sa pangalan niya pero wala na ang lalake. Iyak pa rin ako nang iyak habang hinihintay ang pagsagot ni Mihael sa kabilang linya. Makailang beses kong inulit ang pagtawag sa kanya hanggang sagutin ito ng huli. "Mihael... M-Mihael." Humagulhol na naman ako nang pagkalakas-lakas nang marinig ko ang boses niya. "Si Sister F-Fatima, wala na siya, Mihael. Hindi ko kaya, best. Please, puntahan mo ako rito sa taas. Nakita kita kanina sa labas, makikiusap ako kay Father na papasukin ka muna. Best?" Puro marahas na paghinga lang naririnig ko sa kabilang linya. Sige lang ang pag-iyak ko at hindi ko na makayanan pa nang bigla na lang akong sumalampak sa lapag. "Si Sister F-Fatima, w-wala na siya." "Ano ba, Roxy! Kanina ka pang umaga. Maraming tao ang namatayan hindi lang kayo diyan. Busy ako at maraming inaasikaso." Napaawang ang labi ko bigla. "Best, nakita kita sa labas ng bintana ko. Please, puntahan mo'ko rito sa loob. I need you sobra." Sinundan ko ito ng paghagulhol. "f**k! Hindi ako iyon, ok? Im busy." Isang mahabang tunog ang kasunod nu'n bago ko natingnan ang cellphone ko. Pinatay na ni Mihael ang cellphone niya sa labis na gulat ko. Ang lambing lang nito kanina bakit nagsusungit na naman siya? Napaiyak lang ako dahil si Mihael lang naman ang umaalo sa'kin lagi kapag may dinaramdam ako. Pero bakit ngayon ibang-iba na siya? Biglang tumigas ang anyo ko kasabay ng sunod-sunod na pagsinghot ko. Nagbago lang ang lalake matapos naming mapunta sa Sitio Maldar na iyon kung saan may isang barangay na puro aswang. Hindi kaya may ginawa ang mga ito kay Mihael kaya nag-iba na lang bigla ang pag-uugali nito? Sunod-sunod na katok sa labas ng pinto ang naririnig ko. Gusto kong mapag-isa at iiyak ang sakit na nararamdan ko sa pagkawala ni Sister Fatima pero walang hinto ang pagtawag sa pangalan ko sa labas. Nang buksan ko ito, si Sister Mel ang nabuglawan ko. Agad akong napayakap sa kanya. "R-Roxy," umiiyak na ring tawag nito sa dalaga. Mahigpit nang yakap ng madre ang dalaga sabay himas sa likod nito. "Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Sister Fatima, h-hindi ko rin matanggap, Roxy." Iginiya ng madre ang dalaga sa loob para paupuin ito sa kama. Muli itong bumalik ng pinto para isara ito bago tinabihan ang dalaga. "Pumunta tayo sa vigil hall dahil nando'n ang lahat para sa kaligtasan natin. Huwag kang nagsosolo at baka mapa'no ka, hindi na maganda ang panahon ngayon. Umaatake ang mga halimaw na iyon kahit umaga." "Sister, si Sister F-Fatima," garalgal na ang boses ko nang isubsob ko ang mukha ko sa palad ko. Ang hirap tanggapin na wala na ang nanay-nanayan ko. Nakakapanibago sobra! Nang maalala ang sinapit nito, dumilim ang anyo ko at tinitigan nang matiim ang madre. "S-sabihin mo sa'kin, Sister, kung ano ang totoong nangyari." Napaiyak na rin ang madre nang yakapin nito ang dalaga. "R-Roxy, bata ka pa. Ang mga pulis na ang bahala sa imbestigasyon. Nakabigay na'ko ng salaysay sa kanila. Ang kailangan lang natin ngayon, ipagdasal si Sister Fatima para maging matiwasay ang pag-alis niya. Ang matahimik ang kaluluwa niya. Napakabuti niya." Napatayo ako bigla sabay baling kay Sister Mel. Napailing ako nang sunod-sunod sa sinabi nito. "Hindi na'ko bata, Sister. Kaya ko na ang sarili ko, please, 'wag niyo 'kong itrato na hindi ko pa kaya. Sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyari kaninang umaga bago namatay si Sister Fatima." "R-Roxy!" "P-please, Sister!" Napabuntong hininga na lang ang madre saka hinila pabalik sa kama ang dalaga. "Umupo ka rito at sasabihin ko sa'yo... p-pero gusto kong maging matapang ka. Ayokong dibdibin mo ang lahat ng ito na posibleng makaapekto sa'yo. Buhay pa tayo, kailangan nating magpatuloy. Ngayong maraming nagaganap na hindi maganda, mas kailangan natin ang dasal at malakas na pananampalataya sa taas. Walang mas makapangyarihan bukod sa Panginoon, Roxy." "Sister, p-please." Inip na inip ako at gusto ko nang matapos ito. Gusto kong malinawan. "B-buo ang pananampalataya ko sa taas, Sister, hindi magtatagumpay ang mga 'yon sa mga ginagawa nilang ito." Hinding-hindi magtatagumpay ang mga aswang na 'yon, sinusumpa ko. Aalamin ko ang lahat kung bakit nila ito ginagawa ngayon sa tagal ng panahong pananahimik ng mga ito. Walang laban ang mga ito oras na kumilos ang mga tao. Kakaunti lang sila, mas marami pa rin ang mga normal na tao. "Sister, nakikinig ako..." "Nag-uusap lamang kami ni Sister Fatima sa hardin," gumaralgal ang boses ng madre at napakrus na rin ito ng kamay sabay hawak sa kipkip nitong rosaryo. "Nakarinig kami ng ingay pero hindi namin pinansin. Katatapos lamang niyang tumawag sa'yo noon. Pinag-uusapan namin ang project na gagawin ng simbahan nang... n-nang may kung ano'ng bagay mula sa taas ang biglang... ahhh, R-Roxy." Napaiyak na lang ang madre bigla. Niyakap ko agad si Sister at nagsabay ang pag-iyak naming dalawa. "H-hindi ko alam kung ano'ng klaseng nilalang iyon, R-Roxy." Aswang! Sumusugod ang mga aswang sa hindi ko malamang kadahilanan. Bakit? "Sister? Nakikinig ako, sabihin mo na ang lahat." "Bigla... b-bigla na lang hinablot ng... ng nilalang na iyon si Sister Fatima at lumipad paitaas at... at," tuluyan nang napaiyak nang malakas ang madre nang yakapin ang dalaga. "B-Bumagsak ang katawan ni Sister Fatima sa mismong hardin na wakwak na ang tiyan nang tangka kong humingi ng tulong matapos siyang kuhain, kalunos-lunos ang sinapit niya. Napakabilis sobra." Lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Sister Mel. "Ano ang histura ng halimaw, Sister?" "May pakpak, Roxy. Mahahabang pangil... maitim ang balat... Sa labis kong pagkabigla, hindi agad ako nakatakbo. Nakakatakot ang hitsura niya." "Aswang, Sister. Mga aswang ang pumapatay sa mga tao." Binitawan ko ang babae at tinitigan siya nang matiim. "Nasa paligid lang sila at nag-uumpisa pa lang sila sa paghahasik nila ng lagim. Hindi sila titigil, Sister. Laman ng tao at dugo ang habol nila." "R-Roxy." "B-bakit hindi naniniwala ang mga pulis sa'yo, Sister? Sa gabi lang kadalasan sumasalakay ang mga 'yan pero bakit umaga nangyari 'yon kay Sister Fatima?" "Papa'no ka nakakasiguro, Roxy? Hindi ko rin alam kung ba't nangyayari ang lahat ng ito." "D-dahil b-biktima rin nila ako, Sister." Pinakatatago ko ito sa lahat maliban kay Mihael. Hinubad ko ang damit ko at agad tumalikod. Tumambad kay Sister ang bakas ng peklat ko sa pag-atake ng mga aswang na iyon. "S-sila ang may kagagawan nito, Sister. Tama ka, w-walang maniniwala kung walang makakakita sa kanila. Ikaw pa lang at nakakita at si... M-Mihael." Biglang sumakit ang dibdib ko nang maisip ang lalake. Pagkatapos kong ialay ang sarili ko sa kanya, hindi ko maramdaman ang presensya ng lalake lalo't nasa sitwasyon akong kailangan ko ng karamay. Napaiyak na naman ako. Alam kong malaki ang kinalaman ng mga aswang na iyon sa pagbabago ni Mihael. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, ngayon ko lamang napansin ang ganitong pag-uugali niya o baka naman talagang gusto nang kalimutan ni Mihael ang karanasan naming iyon? Bigla akong naguluhan at nag-alinlangan. "Sister, magpapaalam lamang po ako." Muli akong naupo katabi ng babae matapos kong ayusin ang damit ko. "Isang linggo ang hihingiin ko na bakasyon habang hindi pa kami ganun ka-busy sa school. Emergency lamang, kailangan kong puntahan ang pamilya ko." Napalunok ako dahil ni minsan, never kong binanggit ang ukol sa kanila. "May... may sakit kasi si Nanay, kailangan niya ako." Sa parteng ito, hindi ito totoo pero ito ang paraan para masagot ang mga agam-agam ko, gagawin ko ang nararapat. Patawarin nawa ako ni Lord. Para sa kabutihan ng lahat ang pag-alis kong ito. "Roxy, sadyang napakadelikado ng panahon ngayon. Kailangan mong may kasama sa pag-alis mo." Mahigpit kong hinawakan sa kamay si Sister Mel at nakangiting pinahiran ng kamay ko ang tumutulong luha nito sa pisngi. "P-pangako, Sister, babalik ako para sa inyo." Babalik akong may kasagutan ang lahat ng ito, 'yon ang ipinapangako ko. Hindi ko alam kung papa'no pero sana mahanap ko ang kasagutan at solusyon para matigil na ang pag-atake ng mga aswang. Mga tao rin sila kagaya ko, alam kong makakaintindi sila sa kahilingan ko. Sana'y may magawa ang pamilya ko para matigil ang ganitong mga ganap ng kalahi namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD