Isang buwan na ang lumipas pagkatapos ng bakasyon naming iyon pero may napansin akong pagbabago kay Mihael. Kagaya ngayon, hindi na ito aloof dahil nasasaktan ako sa nakikita ko.
Tuluyang huminto ang lalake sa harap ni Roxy bago nginitian ang dalawang babae na nakaabrisyete sa braso nito. "I'll see you tonight, girls."
"Just make sure you'll call us, Mihael," inis na pakli ng isang babae, naka-school uniform din ito kagaya ng suot ni Roxy. Umirap ito sa dalaga nang tingnan ito. "Oh, your bestfriend is here, we need to go but—we're expecting you tonight. We'll have fun for sure, lover boy."
"See you, Mihael, I can't wait to—" Halakhak ng isa pang babae ang pumutol sa sinasabi nito pero hinila na ito ng isang kasama. "You know what I mean, right?"
Napaawang ang labi ko kaya agad kong hinila ang lalake palapit sa'kin. Nagulat pa ito pero napalitan ito ng tawa ni Mihael kaya lalo akong nainis. Inis ko siyang kinurot sa tagiliran bago ko pinandilatan ang mga babaeng malalandi.
"Hoy, mga haliparot! Magsilayas kayo sa harap ko kung ayaw niyong makalbo," inis kong sigaw sa pagmumukha ng mga ito. Nakapamewang pa'ko at handang-handa na sa suntukan nang ayusin ko pa ang sleeve ng uniform ko. Napatili ang dalawang babae at nagsipagtakbuhan palayo sa'min.
"Malalandi!" hiyaw ko sabay kuyom nang mariin sa kamao ko. "D-don't dare touch my man! Kakalbuhin ko k—"
"Roxy!"
Nagulat ako sa sigaw ni Mihael. Salubong na rin ang makapal na kilay nito at wala na rin itong suot-suot na salamin sa mata simula nang makabalik kami ng Maynila na labis kong ikipinagtaka. Naramdaman ko ang biglang pag-akbay nito kaya heto na naman, kinilig ang lola niyo. Agad kong niyakap ang katawan niya at hindi alintana ang mga estudyanteng dumadaan sa harap namin. Nasa gitna kami ng playground dahil break time pero parang solo namin ang daigdig.
"If you're jealous, we can make out tonight. Just the two of us," bulong ng binata kasabay ng pagpisil sa puwet ng babae.
Nagulat ako as in super na super ang pagkagulat ko. Isang buwan kaming hindi nagkita ng lalake dahil may aayusin daw ito sa pamilya niya. Ngayong school time na naman kami nagkatagpo kaya hindi ko maungkat-ungkat ang nangyari sa amin sa probinsyang iyon. Habang nasa byahe kami, pinagpipilitan ng lalaking kalimutan na ang nangyari at 'yon ang hindi ko maintindihan. Isang malaking katanungan pa rin sa'kin kung ano ang nangyari rito nang hindi ako nagising sa tatlong araw na 'yon. Humilom na ang sugat ko pero hindi ang peklat na naging remembrance ko sa mga aswang na 'yon. May namumuong galit sa dibdib ko dahil sa ginawa ng mga ito sa'kin na ikinalagay ng buhay ko sa nalalapit kong kamatayan. Maswerte pa rin ako at alam kong ginabayan ako ni Lord kaya mas lalong naging malapit ako sa panginoon. Utang ko ang pangalawang buhay ko sa kanya. Malaki ang pananampalataya ko sa taas kaya mas lalo pa akong naging aktibo sa simbahan.
"I know you like me, Roxy."
Agad kong nahawakan ang kamay nitong sige pa rin ang himas sa puwet ko kaya nainis ako. "A-ano ba, Mihael, nakakahiya ka!" Sinundan ito ng malakas na tawa ng lalake na lalo kong ikinainis. Muli itong umakbay sa'kin. "M-Mihael, hindi ko maintindihan pero mukhang may nabago sa'yo after ng bakasyon nating iyon, do'n sa kuta ng mga aswa—"
"Roxy, stop it!" Inis na tinaggal nito ang pagkakaakbay sa dalaga. "Ayoko nang alalahanin pa ang masamang nangyari sa atin. Walang maniniwala, ok?" Malalaki ang hakbang ng binata nang iwan nito ang dalaga.
Napahabol ako bigla sabay hawak sa kamay nito. "Ito naman, pikon ulit?"
"Kung gusto mong matanggal ang galit ko, let's go out tonight. Gusto kong mag-unwind para makalimutan natin ang lahat. Ang importante safe na tayo, 'di ba?" Umakbay muli ito sa natigilang dalaga. "Are you free tonight? Ipapaalam kita kay Father dahil mag-o-overnight tayo sa hotel."
Na-excite ako pero hindi ko maintindihan dahil may napapansin talaga akong pagbabago kay Mihael. 'Di ko ma-explain ang inaakto nito. Ito mismo ang unang bumabati sa mga taong nakakasalubong namin lalo na sa mga babae. Napasimangot ako!
"Akin ka lang, M-Mihael," namutawi sa labi ko pero agad kong natakpan ang bibig ko dahil nadulas ako.
"Sure, I love that, Roxy. I'm all yours tonight."
'Di na ako nakahuma dahil sa pagkapahiyang naramdaman ko. Tago ang nararamdaman ko para sa kanya pero mukhang alam na ng lalake ang damdamin ko para sa kanya. Dati pa naman akong ganito pero bawat inaakto ko, lagi na itong may puna sa bawat kilos ko.
"Hay, best. Ibang-iba ka na talaga." Sa kabilang banda, natutuwa naman ako sa pagbabago nito dahil mas naging friendly ito 'yon nga lang, naiinis ako sa mga babaeng nagpapansin dito. "B-basta mamaya, ipaalam mo'ko sa kanila." Malaki ang tiwala nina Father at Sister kay Mihael kaya siguradong papayag ang mga ito kung sa'n man kami pupunta.
Napatingin ako sa suot niya ngayon, naka-school-uniform lang ito pero ibang-iba ang awra nito ngayon. Ang buhok nitong puno ng gel noon, napakalambot na nitong tingnan. Nililipad ito ng hangin at talagang bumagay sa lalake ang bagong gupit nito. Lalaking-lalaki na ito sa paningin ko. Mas lalong dumagdag ang paghanga ko sa kanya.
Sa isang madilim na bahagi ng kalsada lamang nag-park ang lalake nang ihatid ako nito sa kumbento. "Hoy, ang layo nito sa simbahan, ah."
"Common, R-Roxy! Malapit lang ang lalakarin mo."
Napalingon ako sa kanya nang palabas na sana ako sa sasakyan nito. "H-hindi ka ba sasama sa loob, best? Kailangan mo'kong ipagpaalam—"
"Nakatawag na'ko kay Father, Roxy. Don't worry dahil pumayag na siya. Kumuha ka ng gamit mo sa loob at hihintayin na lang kita rito. Go! One night lang tayo sa pupuntahan natin dahil may pasok pa tayo bukas."
Kumibot-kibot ang labi ko dahil naiinis ako. Pwede namang i-park ang sasakyan nito sa mismong tapat ng simbahan pero mas dito pa talaga pinili ng lalake sa area na 'to. Napaupo ako pabalik at tinuro ang simbahan pero hindi kumilos ang lalake. Pumikit lang ito at sumandig sa upuan nito.
"R-Roxy, I'm not f-feeling well, ayoko nang mag-drive papunta ro'n."
Bigla kong nahawakan ang noo nito pero normal naman ito, hindi mainit, hindi rin malamig. "Kailangan mo ba ng gamot?"
"No! Just go! Pakibilisan lang para makaalis na tayo rito, ok?"
Inis akong lumabas ng sasakyan at malakas na sinara ang pinto nito. "Hay!" asar kong sigaw. "Ang layo ng lalakarin ko," nayayamot kong tiningnan si Mihael pero nakapikit pa rin ito.
Madilim ang daan na ito pero ang street light, nasa unahan ko pa. Maliwanag naman ang daan nang makalayo na'ko sa pinarkingan ni Mihael. Nasa likod ng mga talahib ang sasakyan kaya inis ko pa itong tinanaw. Ano kaya ang nakain ng lalaking iyon at do'n pa napiling mag-park?
"R-Roxy? N-nasa'n si Mihael?" agad na bungad ng isang madre nang mapasukan ito ng dalaga sa lobby. "Akala ko ba magkasama kayo?"
"Sister Fatima." Agad akong nagmano at ngumiti rito pero napatingin din ako sa tinitingnan nito, nakatingin ito sa labas. "N-nasa sasakyan po si Mihael, Sister. M-masama po ang pakiramdam."
"Ngayon lamang kayo aalis ng ganitong oras, ah. Nasabi na sa'kin ni Sister Flera ito at Roxy, bakit ginabi na kayo ni Mihael? Lagpas alas otso na."
Ang curfew ko! Dumaan kami ni Mihael sa isang kainan kanina at pagkatapos nito, nanuod din kami ng sine na bago sa'kin dahil hindi naman ito ginagawa ng lalake kapag alanganing oras na pero natuwa ako sobra. Dahil sa kilig at pagka-excited ko, nakalimutan ko na ang oras. Although tumawag naman ang lalake kina Sister para ipaalam ang lakad namin, may sundot ng kunsensya pa rin akong naramdaman. May pasok kami bukas pero gumala pa kami ng lalake na hindi naman namin dating ginagawa.
"Umupo ka rito, Roxy," utos ni Sister Fatima na nakapwesto na rin sa isang pahabang upuan para sa mga bisita. Receiving area ito ng kumbento para sa mga bisita. "Ang paalam ni Mihael, may project kayong gagawin kaya kailangan niyong mag-overnight."
Nagulat ako. Walang sinabi si Mihael tungkol dito at wala naman kaming project dahil halos kakasimula pa lang ng second semester namin.
"Ano'ng project 'yon, Roxy? May pasok pa kayo bukas ni Mihael, 'di ba?"
"O-opo." Kahit ako, hindi ko rin alam ang tinutukoy ni Mihael na project. "A-ano po..." Nag-isip ako ng idadahilan bago ko nakagat ang labi ko. "Kasi graduating na po kami, kasama na ang tutor ni Mihael sa'kin kasi, Sister, tres ang grades ko sa ibang subjects ko."
"R-Roxy, masaya ka ba sa grades na ganyan? Napakalaki ng tuition kung ibabagsak mo lang ang mga iyon."
Naku napalala pa. Nasemunan lalo ako ni Sister. "Si Father po, alam niya na po ba? Kailangan kong makuha ang gamit ko, Sister, naghihintay sa labas si Mihael."
"Maghahagilap ako ng gamot para kay Mihael nang maibigay mo sa kanya mamaya. Sana dinala mo na rito para makainum siya." Tumayo na rin si Sister Fatima at tinalikuran ang dalaga.
Napabuntong hininga ako. Nakalusot ako ro'n, ah, pero may tama naman ako ro'n, eh. Tinakbo ko na ang pasilyo at kada makasalubong ko ang ilang madre, agad ko itong binabati. Agad akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Ilang palapag ang kumbentong ito at bawat kwarto, naka-assign ito sa iba't-ibang activities ng simbahan. Mabilisan lang ang ginawa kong paglagay sa bag ng ilang gamit ko, total isang gabi lang naman kami ni Mihael. Nakaka-stress naman talaga kapag graduating na kaya maganda rin ang mag-relax kami. Soon, hindi na kami estudyante, isa na kaming mga professional pero malaking problema sa'kin ang paghahanap ng trabaho. Alam kong hindi ako pababayaan ni Mihael ko dahil kabilaan ang negosyo ng pamilya nito, pwede akong mag-apply sa kanila.
"Mihael?" Pagkatapos kong makuha ang gamit ko, bumalik agad ako kung sa'n naka-park ang lalake. Sumaglit din ako sa kwarto kung nasaan si Father para makapagpaalam na pati na sa ibang madre. Magkaiba ang building ng mga ito dahil purong babae lamang ang pwedeng makapasok sa kumbento sa gabi. "M-Mihael?" muling tawag ko rito kaya sinilip ko ang salamin ng bintana nito sa driver's seat pero hindi ko makita ang loob dahil madilim sa gawing area na 'to. Kinatok ko na ito kalaunan pero mukhang nakatulog na ang lalake sa loob. Inaaninag ko ang salamin pero tinted ito.
"R-Roxy!"
"Ayy!" Halos mapalundag ako sa pagtawag nito sa'kin, nasa harap ko na ang lalake na ngiting-ngiti. "A-ano ka ba?" asar kong sigaw. "Nanggugulat ka naman! May pinadalang gamot si Sister para sa'yo, inumin mo na kaya."
"I'm good. Nainip ako, eh, tagal mo kasi. Aalis na tayo, ok?"
Mabilis kong inabot sa lalake ang isang bote ng mineral water na nakuha ko sa ref at isang tableta para sa sakit ng ulo pero iniwas nito ang kamay ko sa kanya. "M-Mihael, inumin mo 'to para maging ok ang pakiramdam mo. Puro aral kasi ang ginagawa mo kaya ganyan na ang epekto sa'yo."
"Ok na'ko, Roxy. Pumasok ka na nang makaalis na tayo."
"Sa'n ba tayo pupunta? Nagdala rin ako ng books para reviewer natin." Kinakabit ko na ang seatbelt ko, ito lang ang naiisip ko kaya isasama ako nito sa kung saan. Nakapag-sine na kami kanina kaya siguradong review na naman ang aatupagin namin.
Hindi ako sinagot ng lalake basta nag-drive na lang ito. Kandahaba ang leeg ko sa pag-check sa building na nasa harap namin, isa itong hotel kaya labis ang pagtataka ko.
"Mihael, ano'ng gagawin natin dito?"
"I told you I'll bring you to hotel, right?" Napangisi ang lalake nang lingunin nito ang natigilang dalaga. "Remember?"
Nagbibiro ba ito? Matutulog kami sa hotel na'to? Kinilig ako dahil masosolo ko ang lalake pero nang maisip ko ang sinabi nitong make out kanina, nawala ang ngiti ko. Seryoso kaya ito? Alam kong hindi gagawin ni Mihael ito. Ang sosyal naman nito kung dito pa kami mag-aaral or baka may problema na naman ito sa pamilya kaya umalis ito ng bahay? Pareho pa rin kaming naka-uniform ng lalake dahil naglakwatsa na agad kami pagkatapos ng klase kanina.
Five star hotel. Iba talaga kapag mayaman kayang i-afford ang lahat kaya ang swerte ko dahil napakaganda ng hotel na'to. Nakapasok na kami sa kwartong inokupa nito at talaga namang napangiti ako, may malaking tub akong nakita sa side ng big bed. Parang nasa resort style ito pero nasa siyudad na kami. Nagkokonekta ito sa terrace ng kwarto. Parang pang-honeymoon ang peg ng mahal ko ngayon, ah!
"Wow, best, ha. Ang sosyal mo talaga." Tuluyan na kaming nakapasok sa loob pero nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Mihael. "Ay, best!" Napasandig na'ko sa likod ng pinto nang pigilan ako ng lalake. Hawak nito ang isang kamay ko at nakangiti nitong hinaplos ang pisngi ko.
Napangiti ako sa ginawa nito kaya lalo akong napamahal sa kanya pero ang sumunod pang pangyayari ang nagparambol sa puso ko, biglang nagdikit ang labi namin na siya rin ang unang gumawa. Labis ang gulat ko dahil hindi naman ganito si Mihael pero ang puso kong nagmamahal, hindi ito makahindi sa ginagawa ng lalake. Para akong natuod nang lumalim ang halik nito pero nagpaubaya ako. Ang ibig sabihin nito, diyowa ko na siya?
"G-give me what I want, Roxy," bulong nito sa dalaga nang maghiwalay ang labi nila. "Tonight, surrender yourself to me."