Napahawak ako sa dibdib kong naninikip. Nanginginig rin ang mga tuhod ko, pero pinilit kong tumayo. Ayaw kong manatili rito, hindi ko na kayang tingnan sila. Nag-iinit na kasi ang mga mata ko, malapit nang pumatak ang luha ko na sinusubukan kong pigilin. Ang sakit-sakit. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Ang lalaking mahal ko, masayang kasama ang ibang babae, habang ako nag-aalala at ngangungulila sa kanya. Yuko ang ulo ko na naglalakad papunta sa pinto na parang iniiwasan na mapansin niya. “Besty?” Narinig ko pa ang pagtawag ni Charmaine, pero hindi ko na siya pinansin, nagtuloy-tuloy akong lumabas na parang ako ‘yong nakagawa ng kasalanan. Duwag na kung duwag, pero talagang hindi ko sila kayang komprontahin at masampal pa ako ng isang katotohana

