ONSE Nandito ako sa hospital ngayon, for my follow up check up. Mula nang ma-ospital ako, naging conscious na ako sa kalusugan ko. Kailangan healthy and fit ako, hindi pwedeng magpabaya dahil hinihintay ko pa si Daisy. Alam kong hindi tama na maghangad ng masama o kasiraan sa iba, pero umaasa ako—darating ang araw na maghihiwalay din sila. Habang hinihintay ang turn ko sa check up, inabala ko naman ang sarili ko sa trabaho. Ni-review ko ang mga details ng kaso na hawak ko ngayon. Sa sobrang immerse ko sa ginagawa ko, halos hindi ko na naririnig ang bulungan at tawanan ng mga tao na nandito rin sa waiting area. Kaya lang isang salita ang kumuha sa atensyon ko. Napa-angat bigla ang ulo ko, napatingin sa dalawang nurse na kadadaan lang sa harap ko, mabagal silang naglalakad habang nag-

