Hindi sumagot si Daisy. At kung kanina ay malungkot na tingin ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay malamig na tingin na. “You should leave,” maya maya ay sabi niya. Tinulak niya rin ako, pero hindi ako gumalaw. Hinihintay ko na tingnan niya ako. Gusto kong makita ang mga mata niya. Gusto kong makita niya na nag-aalala ako sa kanya. “Sir Onse, please…I need to rest. I want to be alone, kaya umalis ka na.” Pumiyok ang boses niya. “Daisy…” Sinilip ko ang mukha niya at pinahid ang luha, pero winaksi niya ang kamay ko, at nanggagalaiti akong hinarap. "Umalis ka na nga sabi!” singhal niya kasabay ang pagtayo. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa pinto. Hindi ako pumayag, nagmatigas ako. Pinilit kong hindi gumalaw. Hindi na rin ako nagsasalita, pero siniguro kong m

