Bumangon ako nang makalabas si Vincent. Sinubukan ko pang tumayo. Susundan ko sana siya. Gusto kong makita siya sa huling pagkakataon. Pero kusang tumigil sa paghakbang ang mga paa ko. Tinaboy ko na siya sa buhay ko. Desido na akong tapusin ang lahat sa amin, pero…puso at utak ko nagtatalo pa rin sa kung ano ang dapat kung gawin? Patatawarin ko ba siya? Kaya ko bang at tanggapin ang katotohanan na ginawa niya akong kabit? Napasabunot na lang ako sa sariling buhok, pabagsak na umupo. Buwisit namang buhay ‘to. Ang malas-malas ko naman sa mga lalaking minahal ko. Hindi nga yata talaga para sa akin ang pag-ibig. “Vincent, bakit hindi ako ang iyong pinili? Bakit hindi mo ako pinaglaban sa mga magulang mo?” Napahawak na lang ako sa dibdib kong naninikip. Galit ako, pero nangibabaw ang lungk

