Chapter 4

1851 Words
NAKANGITING pinagmamasdan ni Delaney mula sa sofa sa sala ng apartment niya ang white tulips na nasa flower vase na nakapatong sa mesa. Kahit paano ay napawi nang panandalian ang kaniyang problema dahil sa bulaklak. Ilang saglit lang ay kumawala siya ng buntong-hininga. "Hindi na lang muna ako magpupunta sa bahay. Baka mas malala pa ang mangyari sa 'kin kapag nagkita na naman kami ni Tita Divina," sabi niya sa kaniyang isip. Dahil wala naman siyang ibang gagawin ay nilinis na lamang niya ang kaniyang apartment. Nang gumabi, in-open na muna niya ang kaniyang f*******: account pati Messenger. Halos isang linggo na rin siyang hindi nakapag-log in dito. Bumungad sa kaniya ang labimpitong friend requests at limampung notifications. Wala namang masyadong ganap nang i-check niya ang mga notifications at wala rin siyang in-accept kahit isang friend request dahil hindi niya kilala ang mga ito. Sa Messenger naman ay dalawang mensahe lang ang meron. Napanguso naman siya. "Dalawang tao lang talaga ang nagmamahal sa akin," aniya. Napangiti naman siya dahil sina Danica at Joross ang mga ito. "Mabuti at may nagmamahal pa talaga sa 'kin. Mahal talaga ako ng dalawang 'to," dugtong niya saka binuksan ang mga ito. Danica Pedroso: delz okie ka lang jan bbctahin kta. ano say mo? Maria Delaney Vergara: okay lang ako danz nxt tym nlang Danica Pedroso: hoy bilhan mo rin ako ng shorts yung super iksi ha? punta ka pala sa okay-okay, dmo cnabi huhu Tila baliw na natawa si Delaney pagkabasa sa chat ng kaibigan. Maria Delaney Vergara: gaga. okay is OK. tsaka ukay-ukay yon, di okay-okay hahah Danica Pedroso: ay ganun ba yun? tagal ko na kc d nakapunta don kaya cguro dko na alam spelling haha cge2 ipunin ko na lang mga chismis ko delz im sure sasabog yang apartment mo hahah byeee Napapailing na lamang si Delaney sa loka-loka niyang kaibigan. Sunod naman niyang binuksan ang mensahe ni Joross. Joross Vergara: hi :) san mo nilagay yung documents mo? ihahatid ko nlang dyan sa apartment mo Maria Delaney Vergara: nandon sa ilalim ng mesa ng kwarto ko. thank you kuya Joross Vergara: ok. ingat ka lagi dyan. pag may kailangan, sabihin agad sakin. goodnight. :) Napangiti siya. Lahat kasi ng mensahe ni Joross sa kaniya ay may smile emoticon. Hindi na niya ito ni-reply-an. Naisipan na niyang maghapunan. Nang pahiga na rin siya ng kama ay tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito kahit hindi niya alam kung sino ito dahil hindi naka-register ang pangalan ng nagmamay-ari ng numero. "Hello?" "Where the hell are you, Madel? Kanina pa ako naghihintay rito sa labas ng school mo. I just met your adviser and kanina pa raw niya kayo d-in-ismiss. Nag-aalala na si Dad. Kapag hindi ka pa lumabas d'yan, umuwi ka mag-isa. I'm gonna leave you," ang mahabang litanya ng isang tinig-lalaki sa kabilang linya. Sa boses nito, halatang naubos na ang pasensya nito. Napakunot naman ng noo si Delaney. "Mister, I think mali 'yong number na tinatawagan mo," saad niya rito. "What—" "Kuya Aljur! I'm here!" sigaw ng isang tinig-babae sa kabilang linya na pumutol sa sasabihin ng lalaki. "What took you so long? And where's your f*****g phone?" tanong ng lalaki. "Wow! You're swearing, Kuya. Well, my phone is in my f*****g bag. You're calling me?" nakangising ganti nito. "Ikaw, ha. Huwag mo 'kong ginagaya. But, sino 'tong tinatawagan ko ngayon?" sambit ng lalaki. "Aba! Malay ko. Wala akong phone na hawak, oh." "Shit." Kahit mahina lang iyon ay narinig pa rin ito ni Delaney. At parang matatawa siya sa bangayan ng magkapatid. Tumikhim ang lalaki bago nagsalitang muli. "Hello? I'm verry sorry. It seems like mali nga ang tinatawagan ko." "It's okay," sabi ni Delaney saka binaba ang tawag. Humiga na rin siya sa kama saka bahagyang natawa sa mga narinig. "Pero in fairness, ang pogi ng boses ng kuya. Pero mukhang masungit yata." NAPABUNTONG-HININGA si Aljur matapos magsalita ang tinig-babae sa kabilang linya at binabaan siya. Tila ang sarap sa tainga niya ang boses na iyon. Isang matalim na tingin naman ang ipinukol niya sa labimpitong taong gulang na kapatid niyang babae nang lingunin niya ito. "Oh, what's with that glare, Kuya?" natatawang wika ni Madel. "It's your fault. Sakay na," mahigpit niyang utos sa kapatid saka naunang sumakay sa driver seat. Sumunod naman ang kapatid niya sa passenger seat at pinaandar na niya ang sasakyan matapos nilang ikabit ang seatbelt. "Ang init naman ng ulo mo, Kuya. Gaano katagal ka bang naghintay sa 'kin?" tanong ni Madel. "Six minutes," matuling tugon niya. "Nge! Akala ko naman sobrang tagal. Six minutes lang pala. Ang exaggerated mo, ha," puna nito sabay halukipkip. "Every second counts, Madel. I don't want to waste my time doing nothing," buwelta niya sa kapatid. "Hello! Waiting is not doing nothing kaya. As long as makabuluhan 'yong ginagawa mo, it's not doing nothing," tila ayaw magpatalong saad nito. "Yes, I waited, and hindi 'yon makabuluhan. Para akong statue roon." "OA mo naman. Parang hindi importanteng tao 'yong hinintay mo. At akala mo naman hindi ka lumanghap ng hangin kanina. Makabuluhan ang huminga. Hay, ewan ko sa 'yo, Kuya. Ang laki-laki mo na. Kaya siguro wala kang jowa kasi ganiyan ka." Napanguso na lamang ito bilang pagsuko. "Jowa na naman. Everytime nag-uusap tayo, lagi na lang napupunta sa jowa. Jowang-jowa ka na, ano? O baka may jowa ka na? Sumbong kita kay Daddy. Ang bata-bata mo pa—" "Kapag inggit, pikit—este, shut up na lang," pagputol nito sa kaniyang sinasabi sabay halakhak na ikinaigting ng panga niya. "Sorry, Kuya. I love you," nakangising bawi nito sabay muwestra ng peace sign. Bumuntong-hininga na lang si Aljur. Isa pa, sa tuwing naglalambing bigla ang kapatid niya, unti-unting nawawala ang init ng ulo niya. "By the way, Kuya. Mag-save ka kasi ng number," untag ng kapatid niya. "It was Dad who sent me your number when he called me para sunduin ka dahil gabing-gabi na at hindi ka pa nakauwi." Tinawagan kasi siya ng daddy nila kanina upang sunduin niya si Madel. Alam din ng daddy niya na hindi siya nagsi-save ng number kaya s-in-end nito ang number ni Madel para mabilis niyang matawagan ngunit nagkamali pala ang daddy nila ng numerong naibigay. Napatingin sa kaniya si Madel. "Babae ba 'yong natawagan mo, Kuya?" tanong nitong tila biglang na-curious. Bahagya siyang tumango. "Hmm." "Naku! Baka 'yan na ang forever mo, Kuya. Grab the chance na. Kay guwapong lalaki pero walang jowa," nakangising sambit nito. "There you go again. I'm too busy para riyan. Saka hindi naman minamadali 'yong love. It will come at the right time. And obviously, it's not yet my time to fall in love," banat niya sa kapatid na ikinahalakhak nito. "Ang cheesy mo naman, Kuya! Basta 'pag nalaman kong 'yong natawagan mo kanina ang nakatuluyan mo, humanda ka sa 'kin. I'll reveal to her all your secrets." "Don't pry on my love life, Madel. Mag-aral kang mabuti. Kay bata mo pa't puro love life ko inaatupag mo," naiiling niyang saad dito. "PUPUNTA ako riyan sa apartment mo mamaya, Delaney. Ihahatid ko lang 'tong envelope mo," saad ng Kuya Joross niya nang sagutin ang tawag nito. "Naku! Huwag na, Kuya. Ako na lang ang pupunta riyan," sabi ni Delaney habang sinusuklay ang buhok. "Oh, ano namang gagawin mo rito? Na-miss mo 'ko agad?" biro nito sabay tawa nang marahan. "Maglilinis. Alam kong matagal nang walang linis 'yang apartment mo. Sobrang busy mo kasi, eh." "Talaga? Sige!" kaagad na sambit nito dahil bukod sa totoong ilang linggo na rin itong hindi nakapaglinis ng apartment ay nais din nitong makita siya. "Oh, siya! Papunta na ako maya-maya." "Ingat ka," paalala nito bago niya ibaba ang tawag. Matapos kumain ni Delaney ay nagtungo na siya sa apartment ni Joross. Agad din siya nitong pinagbuksan ng pinto nang katukin niya ito. "Ay! Nakakagulat ka naman, Kuya Ross!" bulalas niya nang makitang nakatapis lang ito ng tuwalya sa baywang. Medyo basa rin ang buhok nito. Ngumisi naman ito ngunit niluwagan din ang espasyo upang makapasok siya sa loob. "Katatapos ko lang kasing maligo," anito. Nang mapaupo siya sa sofa, napasulyap siya kay Joross. Guwapo ito, matangkad, maganda rin ang hubog ng katawan. Madalas naman niyang nakitang naka-topless ito noon dahil nasa iisang bahay lang naman sila ngunit hindi niya pa rin mapigilang humanga rito. "I wonder bakit wala ka pa ring girlfriend, Kuya. Twenty-eight ka na pero ni minsan hindi ka pa nagkaroon ng girlfriend. Okay ka naman. At saka, marami akong kilalang may gusto sa 'yo at lantarang nagpapansin sa 'yo pero hindi mo naman pinapansin. Tell me, Kuya. Bakla ka ba?" seryosong tanong niya. Nagulat naman si Joross sa kaniyang sinabi pero tinawanan siya nito habang nagsusuot ng T-shirt. "Hindi ako bakla. At saka, may gusto akong babae. Matagal na. Loyal nga ako sa kaniya, eh." "Talaga?" namimilog ang mga matang sambit ni Delaney. Hindi niya inasahang may nagugustuhan si Joross dahil wala naman itong binanggit sa kaniyang ganoon. "Sino naman ang masuwerteng babaeng 'yon? Nasa'n siya? Ba't hindi naging kayo? Ba't hindi ko nakikita? I'm sure may gusto rin sa 'yo 'yon," sunud-sunod niyang usisa rito. "Ba't parang interesado ka bigla sa love life ko?" pangiti-ngiting tanong nito sa kaniya. "Wala naman. Akala ko kasi bakla ka," nakangising sabi niya. Pumasok muna ito sa kuwarto nito. Matapos magbihis ay lumabas din ito dala-dala ang envelope na may lamang mga dokumento ni Delaney. "Oh, heto na. Wala ka na bang ibang nakalimutan do'n sa bahay?" anito sabay abot ng hawak nito sa kaniya. "Wala na." Pinatong niya sa ibabaw ng mesa ang envelope saka tumayo. "Maglilinis na 'ko," anunsiyo niya rito. "Bakit ikaw lang? Tutulong na rin ako. Kawawa naman ang prinsesa ko," anito sabay taas-baba ng dalawang kilay habang nakangising nakatingin sa kaniya. Hinampas nang mahina ni Delaney ang braso nito. "Huwag mo nga akong ganiyanin, Kuya." Kinurot lang nito ang kaniyang magkabilang pisngi habang naaaliw itong tumatawa saka sila nagsimulang maglinis. Matapos ang lahat, kumain muna sila ng ice cream sa sala. "Thank you nga pala sa pagtulong sa paglinis, ha. Next time ulit," sabi sa kaniya ni Joross sabay ngiti. Pagkuwan ay sumubo ito ng ice cream. "Oo naman. Basta't may ice cream," tugon niya rito. Sumubo rin siya ng ice cream. "Yes, boss." Inabot nito ang cellphone nito upang mag-picture silang dalawa. Magkatabi sila sa sofa. At matapos iyon, paglingon ni Delaney kay Joross ay saktong lumingon din pala ito sa kaniya kaya sobrang lapit lang ng kanilang mga mukha. Tila kapwa nagulat sa ganoong sitwasyon ngunit hindi nakapagpigil si Joross nang mapatingin ito sa kaniyang mga labi at naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kaniyang mga labi. Hindi nakagalaw si Delaney sa paghalik ni Joross sa kaniya dahil sa labis na pagkagulat. At sa hindi inaasahan, biglang bumukas ang pinto ng apartment dahilan para masilayan sila nitong magkahalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD