Chapter Three

2935 Words
          “ANO nga ulit ang pangalan mo?”           “Regina po.”           Malakas ang kabog ng dibdib na tumingin siya sa ama ng dalagita. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala kausap at kaharap niya ang Pangulo ng Pilipinas. Matapos ang insidenteng nangyari kanina, dumiretso sila sa pribadong tinutuluyan nito sa loob ng Malacañang pagkatapos ay doon sila nag-usap.           “Paano kayo nagkakilala ni Marcela?”           Tumikhim siya. “Ah, k-kanina po, Sir. Nasa Tayuman po ako at naglalakad papunta sa LRT Station, niligtas niya po ako mula sa magnanakaw.”           Javier chuckled. “Alam mo ba na iyon ‘yong mga oras na hinahanap siya ng mga bodyguards niya? Tumakas siya sa school at nag-cutting classes.”           “Talaga po?”           “Pero sa kabila noon ay tinulungan ka pa pala niya.”           Humugot ng malalim na hininga si Regina para mawala ang kaba sa dibdib niya.           “Sir, I may not know your daughter personally. Pero naniniwala akong mabait siyang bata. Kanina, puwede naman niya akong pabayaan kahit dukutan ako ng magnanakaw na iyon. Pero mas pinili niya po na tulungan ako.”           Natigilan si Regina nang kunin ng Presidente ang isang kamay niya at ikulong iyon sa mga palad nito. She felt him squeezed her hands tightly. Pagkatapos ay maluha-luhang ngumiti sa kanya.           “Salamat. Maraming Salamat sa pagsagip mo sa buhay ng anak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pati siya ay nawala sa akin.”            Ngumiti si Regina saka tinapik ng isang kamay niya ang kamay nito.           “Gumanti lang po ako sa kabutihan ng anak ninyo. Saka masaya po ako na nakatulong sa inyo.”           “Tell me, Regina. Ano ba ang puwede kong gawin para makabawi man lang ako sa’yo.”           Marahan siyang tumawa. “Naku, huwag po ninyong isipin ‘yon. Ayos lang ako.”           “No. Hindi ako papaya na wala akong gawin para sa’yo. Tell me, anything.”           “Sir, hindi n—”           Biglang natigilan si Regina nang maalala ang nakabinbin na kaso ng kapatid niya.           “Iyong kaso po ng kapatid ko. Napatay po siya ng riding in tandem limang taon na ang nakakalipas. Nakakulong na po ‘yong dalawang suspect pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nasesentensyahan. Tatanawin ko pong malaking utang ng loob kapag natulungan n’yo po akong tuluyan na silang ma-sentensyahan.”           Ngumiti si Javier. “Ano pa?”           Pakiramdam ni Regina ay may mga paruparong umiikot sa tiyan niya. Pabilis ng pabilis ang pintig ng kanyang puso habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya ang lalaki.           “I-Iyon lang po.”           Napalingon silang dalawa nang biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Allan. Agad lumipad ang mata nito sa kamay nilang magkahawak. Tumikhim si Regina saka pasimpleng binawi ang kamay.           “Are you sure?”           Bumalik ang tingin niya kay Javier. “Opo. Malaking bagay na po sa amin ng mga magulang ko ‘yon.”           Lumingon ito sa isang babaeng staff nito.           “Kunin mo ‘yong mga detalye niya pati ‘yong sa kaso ng kapatid niya,” utos nito.           “Yes Sir.”           “Maraming Salamat po, Mister President,” nakangiting sabi ni Regina.           Umiling-iling ito. “No. Maliit na bagay ito kumpara sa nagawa mo para sa amin mag-ama.”           “Mauna na po ako. Babyahe pa po ako mamaya pabalik ng Cagayan eh.”           “Sige, mag-iingat ka ha?”           “Opo.”           Palabas na sila ni Allan ng silid na iyon nang muli siyang tawagin nito.           “Bakit po?” tanong niya.           Lumapit sa kanya ang lalaki at inabot ang personal calling card nito.           “In case you need something, please don’t hesitate to call me.”           Nakangiting tumango siya. “Sige po.”           Ngunit ang sumunod na kilos ang hindi niya napaghandaan mula dito nang bigla siyang yakapin nito. Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Ang init ng mga yakap nito ay para bang gumapang sa bawat himaymay ng balat niya.           “Salamat ulit, Regina,” halos pabulong na sabi nito.           Sa sobrang pagkabigla ay hindi na niya nagawa pang sumagot. Natulala na lang siya hanggang sa bumitaw ito at muling tumingin ng deretso sa kanyang mga mata.           “I hope to see you again,” sabi ulit ni Javier.           Inipon ni Regina ang lakas para bumawi ng tingin saka ngumiti at tumango.           “Mauna na po ako.”           Hanggang sa makalabas siya sa bahay ay hindi magawang kumalma ng puso niya. Sa kanyang isipan ay paulit-ulit na nagre-replay ang imahe ng guwapo at nakangiting mukha ni Javier. That moment, Regina realized one thing after she met the President face to face. He is more than just a handsome face, a leader of this country and a father to his daughter. Javier De Vera is a man with a big heart. And she will never forget that emotion and sincerity in his eyes.             HUMUGOT ng malalim na hininga si Regina pagkatapos ay sumulyap sa screen ng kanyang phone bago tumingala sa kulay asul na langit. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang imahe ng mukha ni Javier. At sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan kung paano niya nasilayan ng sobrang malapitan ang mukha nito. Parang hindi na matahimik ang kanyang puso at ngayon lang siya nagkaganoon.           “Ano kayang ginagawa niya ngayon? Si Marcela kaya? Kumusta na?” hindi niya napigil na tanong sa kanyang isipan.           Isang linggo na ang nakakalipas simula nang makabalik siya doon sa Cagayan mula sa Maynila. Pero pakiramdam ni Regina ay parang naiwan ang isip at puso niya doon.           “Huy!”           Bahagya siyang napapitlag sa gulat sabay lingon sa kanyang tabi.           “Tulala ka na naman,” puna ni Lori.           “Hindi. May iniisip lang ako.”           “Bakit ba simula nang bumalik ka? Lagi na lang kitang nahuhuli kung hindi tulala, ang lalim ng iniisip.”           Ngumiti lang siya dito saka umiling. “Wala ‘to.”           “’Yong totoo, may hindi ka sinasabi sa akin, no?”           “Wala!” tanggi niya.           Bumuntong-hininga ito. “Kung nami-miss mo si Allan, tawagan mo na kasi!”           Natigilan siya. Noon lang niya naalala ang binata. Simula nang makauwi siya ay hindi na kasi naalis sa isipan ni Regina si Javier. Natatanggap naman niya ang mga text at chat message nito pero palagi niyang nakakalimutan mag-reply.           “Hindi si Allan,” sagot niya.           “Hindi? Eh sino?”           Alanganin siyang napatingin kay Lori. Hindi alam ni Regina kung sasabihin niya ang nangyari. Nabalita sa buong Pilipinas ang nangyaring suicide attempt ni Marcela. Ang mga anti-Javier De Vera ay mabilis hinusgahan ang pagkatao ng lalaki, maging ang pagiging ama nito ay nahusgahan din. May mga tao naman na hindi naniniwala at palabas lang daw iyon ng Presidente. May mga tao naman na hinusgahan si Marcela, tinawag na spoiled brat, papansin at kung anu-ano pa. Pero marami pa rin ang mga umintindi at nakisimpatya at natuwa na walang nangyaring masama sa mag-ama.           Nabalita kinagabihan ang nangyaring suicide attempt ni Marcela, sinabi din doon na isang babae ang nagligtas kay Marcela. Ngunit hindi lumitaw ang pangalan ni Regina. Iyon ay dahil hiniling niya na huwag nang sabihin sa media ang identity niya. Ayaw niyang mabahiran ng kahit anong kulay ang bukal sa loob na pagtulong na kanyang binigay. Kaya hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung sino nga ba ang babaeng nagligtas sa anak ng Presidente. Hanggang lumipas ang mga araw ay tuluyan humupa ang issue. Kaya nang makauwi siya, hindi na rin niya sinabi ang ginawa niyang pagligtas kay Marcela maliban sa mga magulang.           “Baka kasi hindi ka maniwala eh…” nag-aalangan na sagot niya.           “Try me.”           “Ano kasi… noong nasa Maynila ako… ako ‘yong babaeng suma—”           Hindi naituloy ni Regina ang sasabihin nang humahangos na dumating si Beth.           “Hoy! Ano pa bang hinihintay n’yo diyan?! Bilisan n’yo at darating na iyong biglaang special visitor natin!” natatarantang sabi nito.           “Ha? Bisita? Sino?!” gulat na tanong ni Lori.           Wala na silang nagawa nang hilahin na sila ni Beth papasok ng opisina.           “Si President Javier De Vera! Darating!”           “Ano?!” gulat na bulalas niya.           Kasunod noon ay narinig na lang nila na may pumaradang mga sasakyan sa harap ng munisipyo. Pakiramdam ni Regina ay biglang bumagal ang ikot ng mundo at ang bawat pagdaan ng segundo ay siyang pagkabog ng malakas ng dibdib niya. Kung bakit ganoon ang nararamdaman ni Regina. Hindi rin niya alam.           Muli. Natulala si Regina nang pumasok si Javier sa department nila kasama ang mga staff at PSG nito at katabi ang Gobernador at Mayor ng Gonzaga, Cagayan Valley. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. The way he walks with grace and authority. The way he smiles to his people with kindness and shake their hands. When he walks towards her, her heart started to beat crazy. Daig pa niya ang may time bomb sa dibdib na ano man oras ay maaaring sumabog.           “Regina, finally! Nakita na rin kita!” bulalas ni Javier pagkakita sa kanya.           Nanlaki ang mata niya sa narinig, sabay lingon sa paligid, para lang makita ang labis na pagtataka sa mukha ng mga kasama niya. Narinig ni Regina ang pagsinghap ng mga kasama niya nang yakapin siya nito ng mahigpit pagkatapos ay hinawakan sa kamay.           “Puwede ba kitang makausap?”           Nalilito na napatingin na lang siya sa Governor nila. Ngumiti ito at tumango.           “Sige po.”           Sa pribadong opisina ng Governor sila pumunta at doon ay solo silang nag-usap ng Presidente.           “May problema po ba?”           Natigilan na naman siya nang hawakan ni Javier ang kamay niya.           “Puwede mong isipin na umaabuso na ako pero gusto ko pa rin subukan.”           “Ano po ba iyon?”           “Kailangan ko ng tulong mo. Kailangan ka ni Marcela,” puno ng pag-aalalang sabi nito.           Napakunot-noo siya at agad nakaramdam ng pag-aalala. “Ano po ang nangyari sa kanya?”           Bigla itong napangiti. “Don’t get me wrong. Walang nangyaring masama sa kanya. Pero palagi ka niyang hinahanap sa akin. Ikaw daw ang gusto niyang kasama palagi. Handa siyang ayusin ang pag-aaral niya, ang buhay niya, sa kondisyon na dapat kasama ka niya. My daughter thinks you can help her to overcome her condition, at sa nakita ko na ginawa mo para sa kanya noong araw na iyon, sa tingin ko tama ka. Naikuwento niya sa akin ang sinabi mo sa kanya tungkol sa kapatid mo. Pakiramdam ni Marcela kapag ikaw ang kasama niya, may makakaintindi sa kanya.”           “A-Ako po?”           “Nakuha mo ang loob ng anak ko, Regina. Isang bagay na hindi magawa nang kahit na sinong Personal Assistant na kinuha ko para sa kanya.”           “Pero Sir… may trabaho po ako dito.”           Bumuntong-hininga ito. “I know. Kaya nga nakiusap ako sa Governor n’yo dito. I want to hire you as my daughter’s Personal Assistant. Wala kang poproblemahin sa sweldo. Mas malaki ang kikitain mo kapag tinanggap mo ang alok ko.”           Napaisip si Regina. Kapag tinanggap niya ang trabaho. Mababayaran na nila ang utang sa bangko, hindi lang iyon, mas matututukan na rin niya ang kaso ng kapatid niya dahil nasa malapit na lang siya.             “Puwede ko po bang kausapin muna ang parents ko?” tanong niya.           “Sure,” mabilis na sagot. “At kapag pumayag sila, bukas ay sasabay ka na sa akin pabalik ng Maynila. I promised my daughter that I’ll bring you with me when I get back.”           Bumuntong-hininga si Javier saka tumayo at tumanaw sa magandang tanawin sa labas ng bintana.           “But more than Marcela needs you, Regina. I need you the most.”           “Sir?”           Lumingon ito at bumungad sa kanya ang naluluha nang mga mata nito.           “I saw with my own eyes how you deal with my daughter. And I feel like, it was you that I need. Tulungan mo akong mabuong muli ang relasyon namin mag-ama.”           Humaplos sa kanyang puso ang awa. Sa kabila ng tagumpay nito bilang Presidente ng Pilipinas. Bigo naman ito bilang ama sa anak nito.           “Marcela is all I have. I lost my wife, five years ago as well. Hindi pa ako Presidente noon, nang mga panahon na namatay si Alexa, pinaghahandaan ko na ang darating na eleksiyon. Kaya nang mawala siya ay parang kasama niya akong namatay. Napabayaan ko si Marcela. Sinubsob ko ang sarili sa trabaho para lang maka-cope up sa pagkawala niya. Without knowing, I’m losing my only daughter as well. Aaminin ko, napabayaan ko ang anak ko. Lumaki siya nang malayo ang loob niya sa akin. It’s already too late before I realized my shortcomings. Hindi ko na alam kung paano lalapitan ang anak ko. Ni hindi ko alam kung ano ang paborito niya, kung anong ayaw niya,” kuwento nito sabay hugot ng malalim na hininga at tawa ng pagak.           “You might be thinking, what kind of President I am. Pinupuri ako ng karamihan dahil magaling daw akong magpatakbo ng bansa. Pero ang kaisa-isang tao na malapit sa akin, siya pa ang hindi ko magawang pamunuan. Isang Presidente na hindi magawang pasunurin ang sariling anak.”           “Sa tingin ko po, mabuti kayong ama,” sagot niya.           Natigilan ito. “Paano mo nasabi?”           “Sir, nandito po tayo sa Cagayan Valley, halos dulo na ng Pilipinas. Pumunta kayo dito ng personal para lang sabihin sa akin at makiusap na sumama ako sa inyo dahil kailangan ako ni Marcela. Hindi n’yo po gagawin iyon kung hindi kayo mabuting ama. Maaaring may pagkukulang kayo sa kanya, pero hindi ibig sabihin ay masama na kayo, palagi naman tayong may chance na bumawi sa mga pagkukulang natin eh. Hindi pa naman huli ang lahat.”           Hindi agad ito nakakibo at malalim na nag-isip. Mayamaya ay ngumiti si Javier at lumapit sa kanya.           “Who are you? Why do I have this feeling that you were sent by heaven to me and my daughter’s life?”           Marahan siyang natawa. “Grabe ka naman, Sir. Heaven talaga?”           Natawa ng malakas si Javier. At habang tumatawa ito ay hinayaan niya ang sarili na titigan ito. Nawala ang pag-aalala sa mukha nito kanina. Sa halip ay umaliwalas bigla iyon na para bang nawala ang bigat ng nararamdaman nito. Mayamaya ay kinuha nitong muli ang kamay niya at kinulong sa mga palad nito.           “Please Regina. I’m begging you. I need you.”           I need you… that phrase echoed in her ears and goes right down through her heart. It’s fascinating to hear that the highest official on this country is now in front of her begging her. Ang totoo, gustong tumanggi ni Regina. Pero bakit parang malakas ang pagtutol ng kanyang puso? At sa tuwing nakikita niya ang magandang pares ng mga mata ni Javier, parang nahihipnotismo siya ng mga iyon. At bakit ba sa tuwing nakakaharap niya ito ay parang nawawala na lang siya sa sarili?           “Sige, kakausapin ko ang mga magulang ko.”           Lumuwag ang pagkakangiti ni Javier.           “Pumapayag ka na?!” hindi makapaniwalang tanong nito.           Natatawang tumango siya.           “Yes!” bulalas nito saka agad na kinuha ang phone at may tinawagan.           “Hi, tell Marcela I’m coming home tomorrow with Regina,” excited na sabi nito sa kausap.           “Let’s go?”           Kumunot ang noo niya. “Saan?”           “Naisip ko, ako na lang ang kakausap sa parents mo. Nang sa ganoon ay maipaliwanag ko sa kanila ang lagay ni Marcela para hindi rin sila mag-alala sa’yo.”           “Naku Sir, hindi na!”           “I insist.”           Wala nang nagawa si Regina kung hindi ngumiti nang buksan nito ang pinto ng opisina at nilahad ang kamay palabas.           “After you, Miss.”           Natatawa na napailing na lang siya. “Kukunin ko lang ‘yong mga gamit ko sa table,” paalam niya.           “Okay. I’ll wait for you downstairs,” sagot nito saka simpleng kumindat sa kanya.           Pinigil ni Regina ang sarili na mapangiti ng malapad. Ayaw niyang ipahalata sa lahat na kinikilig siya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung anong buhay ang naghihintay sa kanya kasama ang mag-amang Javier at Marcela. Pero bahala na, kapag naging maayos na ang relasyon ng dalawa ay babalik din naman siya doon sa Cagayan.           Pagbalik ni Regina sa table niya. Mabilis nagsilapitan ang mga kaibigan niya.           “Nakakainis ka! Hindi ka nagkukwento!” protest ani Lori.           “Sorry, sasabihin ko na dapat sa’yo kanina nang biglang dumating si President.”           Malungkot na lumabi ito. “Si Gob ang nagsabi sa amin kung paano ka nakilala ni President. Nakakainggit ka naman, pinuntahan ka pa talaga niya dito. Pero talaga bang aalis ka?”           “Kailangan ni Mister President ng tulong ko eh. Huwag kang mag-alala babalik naman ako dito,” sagot niya habang nagliligpit siya ng gamit niya.           Napalingon siya kay Beth nang yumapos ito sa braso niya. “Girl, chance mo na ‘to!”           “Chance saan?” kunot-noo at nalilitong tanong niya.           “Chance mo nang jowain si Pres!”           Nagkatawanan silang lahat. “Sira!” aniya.           “Pero seryoso, mag-iingat ka doon ha?”           Huminga siya ng malalim. “Huwag kayong mag-aalala sa akin. I’ll be fine.”                                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD