Chapter Four

1579 Words
Hello, good day everyone. Una, maraming salamat sa mahabang pasensiya at matiyagang paghihintay. Gaya po ng sinabi ko sa mga nauna nang nagtanong bakit ang tagal ng upload ng next chapter, dahil po matagal ang naging evaluation ng editorial. Kailangan ko hintayin na ma-approve ito bago ako mag-upload, and posting 3 to 4 chapters here is part of evaluation process.  Starting today, February 1, 2021, I will upload one chapter a day every 12:00 noon hanggang ending na 'to. So, you can check everyday and read, hindi na kayo masyadong mabibitin. Remind ko lang din kayo na kapag completed na ang kuwentong ito, basahin na ninyo agad hanggang libre pa. Dahil exclusive ang kuwentong ito dito sa Dreame, for sure ilo-lock ito sooner or later. But in case na-lock, you can earn coins naman for free, maraming ways doon sa Earn Rewards. Anyway, have a great day and enjy reading.  ~The Author *******************************************************************           UMIKOT ang tingin niya pagpasok pa lang ng private residence ng Presidente. Ang buong akala niya ay sa Malacañang siya dadalhin kung saan sila nag-usap matapos ng suicide attempt ni Marcela. Pero sa halip ay sa isang pribadong bahay malapit lang sa Malacañang sila tumuloy.           Dalawang palapag ang bahay, pagpasok pa lang ng front door ay binati na siya ng malaking painting ni Javier. Sa bandang kaliwa ay ang grand staircase papuntang second floor. Mula sa mga furnitures, mga paintings at vases at mga appliances, halatang mamahalin lahat. Hindi maiwasan humanga ng dalaga sa ganda ng buong kabahayan.           “Feel at home, Regina,” nakangiting sabi ni Javier.           Nakangiting lumingon siya saka tumango. “Ang ganda po ng bahay n’yo,” aniya.           “Thank you.”           “Ito po ba talaga ang bahay ninyo? Hindi po ba dapat sa Malacañang kayo tumutuloy?”           “Minsan, doon ako natutulog, lalo na kapag marami akong tinatapos na trabaho or kapag late na natapos ang session kasama ang mga cabinet members ko. But I’m trying to come home on this house. Hangga’t maaari, gusto kong mabigyan ng privacy si Marcela.”           Napatingala sila ng marinig nila ang nagmamadaling mga yabag pababa ng hagdan.           “Ate Regina!”           Agad gumuhit ang magandang ngiti niya sa labi ng makilala ang tinig na iyon. Pagtingala niya ay naroon nakasilip si Marcela. Bakas sa mukha ang saya at excitement na makita siya.           “Marcela!”           Tumakbo pababa ang dalagita at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.           “I can’t believe it! You’re here!”           Natatawang tumingin siya dito. “Sinabi ng Daddy mo na mahigpit mo daw bilin na isama ako pabalik.”           “Sorry kung medyo may pagka-demanding ang dating ko. It’s just that, I don’t want another personal assistant aside from you. Magaan loob ko sa’yo eh.”           Marahan niyang kinurot ang pisngi nito. “Huwag kang mag-alala, masaya ako na makakasama kita.”           Muli itong yumakap sa kanya. “Hindi pa kita napapasalamatan sa pagligtas mo sa akin noong isang linggo,” sabi nito saka tumingin ulit sa kanya.           “Thank you so much for saving my life, Ate.”           “You’re welcome.”           Mayamaya, mula sa kusina ay lumabas ang tatlong babae. Sinalubong siya ng ngiti ng mga ito.           “Manang Rosy, Che, Donna, siya ang bagong Personal Assistant ni Marcela, si Maria Regina Sol Luna. Siya rin ang nagligtas sa kanya noong nakaraan linggo.”           “Nice to meet you po. Regina na lang po ang itawag n’yo sa akin.”           “Hi Regina! Ang ganda mo naman!” magiliw na sabi ni Che.           “Oo nga, kung may kailangan ka, huwag ka mahihiya na sabihin o magtanong sa amin ha?” sabi naman ni Donna.           Samantala si Manang Rosy ay lumapit sa kanya at umiiyak na yumakap.           “Maraming Salamat sa ginawa mo para kay Marcela, ha?”           Gumanti siya ng yakap at hinagod niya ang likod nito. “Wala pong anuman. Huwag kayong mag-alala. Aalagaan ko siyang mabuti.”           “Salamat kung ganoon.”           Napalingon siya kay Marcela nang yumapos ito sa braso niya.           “Halika Ate, ituturo ko sa’yo ‘yong room mo!”           Umakyat sila sa second floor, pagpasok pa lang ng hallway ay bumungad na sa kanya ang apat na pintong mga kuwarto.           “Ito ang magiging kuwarto mo, Ate,” excited na turo sa kanya ni Marcela sa unang pinto sa kaliwa. “Doon naman sa kabila, sa tabi ng kuwarto mo ang room ni Daddy. Ito naman ang room ko,” sabi pa nito sabay turo sa pinto sa tapat ng silid niya.           “Salamat po, Sir. Masyado pong maganda itong kuwarto na tutuluyan ko. Puwede naman ako doon sa simple lang,” nahihiyang sagot niya.           “Nah! Ano ba ‘yan sinasabi mo? You came here to be our staff, hindi bilang kasambahay,” sabi nito bago tumingin sa anak. “Marcela, can I talk to her first?”           “Sure Dad.”           Tumingin ito sa kanya. “Follow me.”           Mula doon sa second floor ay muli silang bumaba at dumiretso sila sa study room s***h library ni Javier.           “Okay, let me tell you about job. Ang magiging trabaho mo ay samahan si Marcela sa lahat ng lakad niya. Minsan may mga events siyang pinupuntahan gaya ng photoshoot kapag may offer sa kanyang endorsement. And her Personal Assistant and guardian, I’m giving you the authority to choose the best project for her. Iyon hindi mako-compromise ang pag-aaral niya. Ikaw na rin ang bahalang mag-ayos ng schedule niya. She has piano lessons; dance lessons and she will soon start her session with her psychiatrist. The doctor recommended me to get her a Psychiatrist. Dahil lumalabas na may Depression si Marcela at suicidal siya, kaya naisipan niyang magpakamatay ng ganoon. Anyway, pero dahil sa mga hindi magandang balita sa anak ko, medyo nag-back out ang karamihan ng endorsement niya, kaya kung hindi iilan or isa, madalas wala siyang ibang schedule every week, bukod sa school at private lessons lang.”           Huminga ng malalim si Regina. Nakaramdam siya ng awa para kay Javier nang biglang lumungkot ang mga mata nito nang banggitin ang tungkol sa Depresiyon ng anak.           “Sige po Sir, huwag kayong mag-aalala, ako na po ang bahala sa kanya.”           Ngumiti sa kanya si Javier. “Thank you.”           “Pero since ako na ang bahalang mag-ayos ng schedule niya. Okay lang po bana gumawa akong schedule para sa inyong dalawa?”           Kumunot ang noo nito. “What do you mean?”           “You asked me to help you to communicate with Marcela, right? Hindi mo magagawa iyon kung wala kang oras sa kanya.”           Napaisip ng mabuti si Javier. Mayamaya ay tumango ito. “Right, I’ll call my Secretary. Kayo na ang mag-usap tungkol diyan.”           “Sige Sir.”           Napatingin siya sa phone nito ng iabot iyon sa kanya.           “Type your phone number, so I can save it. Para puwede kitang tawagan anytime at kumustahin si Marcela.”           Sinunod niya ang sinabi nito pagkatapos ay pina-ring nito ang number niya.           “Don’t forget to save my number, okay?”           “Okay.”           “Oh, and, make sure to report to me everyday about Marcela’s activities the whole day.”           “Yes Sir.”           “Your day off is every Saturday & Sunday. At kapag medyo na-bored ka, puwede kang pumasok dito sa Library at magbasa ng mga libro,” sabi pa nito.           “Sige po,” nakangiting sagot niya.           Hinintay ni Regina na may sabihin pa ulit si Javier pero nanatili lang itong nakatayo at nakasandal sa gilid ng bintana at nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa ang lumipas, nang hindi pa rin binabawi ng lalaki ang tingin nito sa kanya ay saka siya tumayo.           “Una na po ako kung wala na po kayong sasabihin,” nahihiyang sabi niya.           “Yeah, I’m sorry, you may go now.”           Malapit na siya sa pinto nang muli itong nagsalita.           “Uh Regina, one last thing.”           “Ano po iyon?”           Tumikhim ito. “Ah, kapag tayong dalawa lang ang magkausap. Puwede bang huwag mo na akong i-po at huwag mo na rin akong tawagin Sir? You can just call me Jay. That’s my nickname, actually.”           Natigilan siya sa narinig.           “H-Ha?”           “I know that sounds weird but, I want to be close to you. I feel like, I really want to get to know you better.”           Her heart again starts beating fast. The way he stares at him that moment, it’s full of unnamed emotion. Para bang hinahalukay ng mga mata nito ang pagkatao niya. Nang makabawi ay saka siya ngumiti saka tumango.           “Okay, Jay. If that’s what you want.”           “That’s more like it. Thank you, Regina,” nakangiting sagot nito na para bang masaya ito sa narinig.           “Remind me that you’re still our country’s President. Baka mamaya, masanay ako sa first name basis natin. Makalimutan ko na ikaw ang ama ng bansang ito.”           Natawa si Javier. “Sure, I’ll do that.”           Felt a lot closer. Iyon ang nararamdaman ngayon ni Regina. Pakiramdam niya ay binigyan siya ng exclusive access ni Javier sa pribadong buhay nito. Hindi niya alam kung saan patungo iyon. But it felt extraordinary, something special. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD