TUWING umaga, kasama si Regina ng driver at bodyguard ni Marcela na ihatid ang dalagita sa school. Habang nasa daan ay binasa niya ang schedule nito para sa buong araw. Pero para sa araw na iyon, pagkatapos ng school ay wala naman nang ibang gagawin si Marcela. Matapos maihatid sa school ay kasama siyang bumalik ng driver sa bahay. Eksaktong pag-uwi ay nadatnan niya si Javier na nasa dining table. “Good morning, Sir,” nakangiting bati niya. “Good morning, musta si Marcela?” “She’s good, kanina po noong magpakilala ako sa Homeroom Teacher niya. Sinabi sa akin na lately gumaganda daw performance ni Marcela sa academics. At hindi na rin daw nagka-cutting classes, hindi na rin napapa-trouble sa school at hindi na rin daw nagyo-yosi.”

